62: Deep coma

31.8K 738 132
                                        

Abbi's POV

Napuno ng iyak at hikbi ang buong ospital. Nasa loob ng ICU si Meg. Puno ng malalaking pasa ang buo niyang katawan lalo na ang mga hita at likod. Halos magkulay lila na ang kulay ng katawan niya. May mga open wounds, at black eye. Putok ang labi at namamaga ang mukha.

Lahat walang alam sa tunay na nangyari. Ang sabi ng mga nakakita sa katawan niya, wala raw sinoman ang nakapansin sa nagdala sa kanya. Napakahina na ng pulso at heartbeat niya. Ayon sa doktor, malaki ang posibilidad na hindi na siya makasurvive. Sobrang hina na raw ng katawan niya and at any moment, pwede na itong bumigay.

"Napakasama ng gumawa nito sa kanya. Mas masahol pa sa demonyo! Hindi na naawa!" Sigaw ni Tita.

Yakap-yakap siya ni Tito. Pati sila Mommy, naiiyak na rin sa mga nangyayari. Si Luke halos hindi na rin makausap.

"Hindi ko pinalaki ang anak ko para lang ganyanin ng iba! Hindi ko yan inalagaan para lang patayin ng sinomang hayop na may kagagawan niyan!"

Patuloy ang pagsigaw ni Tita. Namamaga na ang mga mata niya. Si Tito, wala nang kibo.

"Fean," Maawtoridad ang boses ni Carlo.

Ngayon ko lang nakitang nagsiiyakan ang mga lalakeng 'to.

At ang nakakatakot sa pagluha nilang lahat...

Ay ang sobrang galit sa mga mata nila.

"Bakit?" Lumapit sa kanya si Fean.

"Find her." Madiin na sabi ni Carlo. "Huwag mo hayaang si Van lang ang kikilos. Huwag mo hayaang siya lang!"

Kinabahan ako sa ipinapautos ni Carlo. Alam kong...kaya nilang patayin ang may gawa.

"Masusunod. Akong bahala." Kaagad na umalis si Fean

Kanina pa wala si Van. Kaagad siyang umalis palayo nang makita ang picture ni Meagan. Galit na galit siya at halos mabaliw kasisigaw.

Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta.

Kinakabahan na ako. Walong oras na sila sa loob ng ICU.

"Dok!" Patakbong lumapit sa kanya si Luke. "Kumusta na po ang Ate ko?"

Nagsisunod kami kay Luke para malaman ang kalagayan ni Meagan. Straight face lang ang doktor.

"Nasaan ang mga magulang ng pasyente?" Tanong ni Dok.

"Kami po." Lumapit sila Tita at Tito.

"Maayos na ang kalagayan ng pasyente. Maraming dugo ang namuo sa katawan niya kaya naman nahirapan kami. Stable na ang heartbeat niya."

Halos nakahinga naman kami nang maluwag sa ibinalita sa amin ng Doktor.

"Pero...nasa deep coma siya at walang sinoman ang nakakaalam kung kailan siya magigising. Seryoso ang naging kaso ng anak niyo to tell you honestly."

"W-Wala bang paraan para magising siya, Dok?"

"Wala po Misis. Hindi po dapat natin i-force na magising ang pasyente dahil magiging delikado po ito para sa kanya."

"Ano pong dapat naming gawin?" Tanong ni Tito.

"Maghintay at magdasal Mister. Maiwan ko na po kayo. May pasyente pa ako."

Nagpaalam na ang Doktor sa amin. Inilipat na si Meagan sa ibang kwarto.

Dali-dali kaming pumasok para tingnan ang kalagayan ni Meg. Tulog na tulog siya at medyo namamaga pa rin ang mukha niya.

Napakabilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang nang magkausap kami tapos ngayon, hindi namin tiyak kung kailan ulit namin siya makakausap.

"Anak...gising na." Hinaplos ni Tita ang buhok ni Meg. Gaya ng mga nagdaang araw, iyak pa rin siya nang iyak. "Nandito si Mommy at Daddy, 'nak."

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon