A/N:
Dahil mahal na mahal ko kayo, ayan, dalawang update! )
MEAGAN PEREZ' POV
Medyo nagtagal din kami dito sa Mall. Pagkatapos niya kasi ako pilian ng susuotin ko, siya namang paghahanap niya ng damit para sa sarili niya.
Nagdesisyon si Van na lumabas na kami sa lugar na 'yon. Pumayag naman ako dahil kanina pa naman kami nandon sa loob ng mall.
Habang naglalakad kami ngayon papalabas, ramdam ko kung paano kami pinagtitinginan ng mga tao.
Feeling ko nga, si Van lang talaga ang tinitignan nila. He's handsomely wearing a black tuxedo with a white inner shirt.
Yeah!"Handsomely!" Hindi naman maipagkakaila 'yon. Lalo pa't nakashades pasiya ngayon. Mapapa-head turn kanaman talaga kapag dumaan siya sa harapan mo.
Ewan ko ba kung bakit mukha siyang magnanakaw noong una ko siyang nakita, o baka hindi ko lang talaga ma-realize ang kagwapuhan niya non dahil sa inis ko sa kanya -_-
Rinig na rinig ko ang kanya-kanyang bulungan sa paligid. Expected ko na naman 'yan. Kahit naman hindi siya nakaformal wear, gwapo na siya at pinagkakaguluhan.
Ano ba yan, ilang beses ko na ba siya binigyan ng compliments? (-_ლ)
"Grabe naman ang kagwapuhan niyan, parang artista."
"Kamukha niya si Lee Min Ho ng The Heirs!"
"Ang swerte ng babae, 'no?"
Swerte palang maituturing ang makasabay si Van sa paglalakad. -_- How pathetic naman those girls!
"Ano ba, Bam! Hwag ka ngang tumingin sa kanya, makikipagbreak ako sa 'yo!"
"Darling, mas maganda naman ako sa kanya kaya hwag mo siyang lingunin!"
"Subukan mo lang tumingin kahit isang segundo sa babaeng 'yan, dudukutin ko 'yang mata mo."
Yan ang mga naririnig kong bulungan ng mga babaeng may kasamang boyfriends.
Hindi naman sa sobrang natutuwa ako pero, may part talaga sa 'kin na natutuwa. Ibig sabihin kasi ng mga 'yan, ang ganda-ganda ko! (*0*)
"Besh, ikaw ba 'yan?! Meagan! O_o"
Napahinto ako nang marinig ko ang boses ng bestfriend kong si Abbi.
Oh my gosh, nawala sa isip ko na nandito nga din pala sila! O_O
"H-Hi." I faked a smile. Yari ako, sinabi ko pa naman na nagtext si Luke kaya hindi ako makakasama sa kanila. Tapos heto ako ngayon, nakita nilang kasama si Van. How funny! -_-
"What are you doin' here? Akala ko ba—" Napa-gasp siya nang makilala niya ang kasama ko. "Oh my gosh! Are you dating?!"
Hindi ko malaman kung galit ba siya, excited, o tuwang-tuwa. Ang gulo ng inilabas niyang ekspresyon.
"Ano ka ba, Abbi. Hindi kam—" Pinutol ni Van ang sinasabi ko nang bigla niyang i-wrap ang isa siyang kamay sa bewang ko.
"Yes, we are. And I'm sorry, we need to go. Let's go, Babe." Umakbay pa sa 'kin si Van at saka ako inakay pababa ng escalator.
"Magkukwento ka sa 'kin pagbalik mo, besh!" Sigaw pa ni Abbi.
Hindi kami dumiretso sa parking area. Pagkalabas na pagkalabas kasi namin ng Mall, may nag-aantay na sa 'min na isang limousine.
BINABASA MO ANG
I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)
Roman pour AdolescentsHindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa isang gang leader na si Van. She never imagined dahil sa gangster na ito ay ma-eexperience niya pal...
