"Nanay, pinapatawag ka ni Ma'am sa school."
Nanlaki ang mga mata ko matapos kong maisara ang pinto ng bahay. Agad kong hinarap ang kambal ko. Si Yto ang nagsasalita, si Yza naman ay nakatayo lang sa may sofa at nakayuko. Yto put down his bag at saka humarap sa akin. Much as I want to hug them for their overloading cuteness, nilukot ko ang mukha ko at saka tinitigan silang dalawa.
"At bakit ako pinapatawag ni Ma'am sa school Yto Jose?" Tanong ko sa kambal kong lalaki. He pointed Yza who was still quiet.
"Kasi si Yza, niloloko daw niya si Ma'am, eh Nanay sabi ko totoo naman iyong sinagot niya sa tanong ni Ma'am kaya nagalit din si Ma'am sa akin."
Napakamot ako ng ulo. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa ng kambal ko. They are seven years old now, nasa grade two na sila at kahit parehong matalino ay pareho namang matigas ang ulo. I walked near them and sat at the sofa, nasa gitna nila ako. Inakbayan ko sila pareho.
"Ano ba kasing nangyari?" Mahinahong tanong. Si Yto ulit ang sumagot.
"Kasi Nanay, sabi ni Ma'am magdala dawn g family picture----"
"Eh wala naman tayo noon." Sabat ni Yza, "kaya sinabi ko kay ma'am na noong panahon ninyo ni Tatay wala pang camera kaya wala kayong picture."
Gusto kong umubo ng malakas. Naiiyak na nagpaliwanag sa akin si Yza habang si Yto ay nakatabi lang sa akin. Sinabi ni Yza na nagalit daw ang teacher nila dahil sa sagot niya.
"Saka iyon naman ang sabi mo sa akin, Nanay, inulit ko lang kay Ma'am." Alam kong malapit nang umiyak si Yza, namumula na kasi ang ilong niya. I sighed. Hinatak ko siya papalapit at saka hinaplos ang mahaba niyang buhok. Maraming nagsasabi na mukhang manika si Yza, she had a long curly hair, itim na itim ang buhok niya, at bilugan ang mga mata, malalantik rin ang eye lashes niya - isang bagay na sigurado akong nakuha niya sa ama niya.
"Anak, sana iba na lang iyong sinabi mo."
"Umiyak nga siya Nanay, kaya lalong nagalit si Ma'am," Sabi pa ni Yto. I shook my head. Kamukha rin ni Yza si Yto, mas hard nga lang ang features nito dahil ito ang lalaki. Tulad ni Yza ay itim na itim din ang buhok ni Yto na abot sa panga nito. Madalas kapag nakakatuwaan ko ay tinatali ko ang buhok ni Yto, mukha rin siyang babae.
"Pero Nanay diba sabi mo bad magsingaling. Saka patay na si Tatay paano pa kami makakakuha ng picture niya?" Humihikbing tanong ni Yza. Huminga ako ng malalim. Ito ang pinakaayaw kong parte ng pagiging Nanay ko sa kambal, iyong pagkakataon na hinahanapan na nila ako ng Tatay - iyong pakiramdam na parang hindi na sapat para sa kanila ang paliwanag ko na patay na ang tatay nila. Huminga ako ng malalim.
"Sige, bukas, kakausapin ko ang teacher ninyo. Sige na, magbihis na kayo at nang makapaghapunan na tayo." Utos ko sa kanila. Pinahid ni Yza ang mga luha niya saka tumalikod, bago sila tuluyang pumasok sa silid ay tiningnan muna nila ako at saka sabay na sinabing:
"Sorry, Nanay."
I smiled. Nang maisara na ng kambal ang pinto ng kwarto saka ako sumandal at tumingin sa kisame. Gusto kong maiyak, gusto ko na namang maawa sa sarili ko kaya lang tapos na ako doon, tanggap ko na na kahit kailan hindi magiging parte ng buhay ko at ng buhay ng kambal ang ama nila. Tahimik ang buhay nito - lalo na ngayon. Sa tingin ko matapos ng lahat ng nangyari sa kanya nitong taon na ito, mas mabuti na tahimik na lang siyang mamuhay, isa pa, wala siyang kaalam-alam sa existence ng mga bata.
Sancho Consunji - the father of my twins. Kung simple aksidente lang sana ang nangyari noon, siguro kaya kong sabihin sa kanya na siya ang ama ng mga anak ko, pero hindi ko kaya, hindi naman kasi ordinaryo ang pangyayaring iyong sa buhay ko. I sighed.
BINABASA MO ANG
Just a night with him (Published)
General FictionSeven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consunji's turf. Witness how Sheena's life turns around because of the ruthless man who have marked her t...