18. Two sets

341K 6.9K 1K
                                    

I have another brother from another mother.

Iyon ang tumatakbo sa isipan ko habang tinitingnan ko si Adam na katabi ni Lola sa kabilang side ng mesang iyon. Hindi maitatanging Consunji si Adam, he had those signature deep set of black eyes just like mine and Lukes', he had that certain roughness and angst that I know I have and Luke has. Tinitingnan ko lang siya. He looks like Dad.

"Matagal ninyo nang alam pero hindi ninyo sinasabi sa amin, Lola! We are tired of your riddles!" Sigaw ni Lukas. Hinawakan ko ang kamay niya at saka pilit siyang pinapakalma.

"Luke, ako ang panganay so shut the fuck up!" I hissed at him.

"I'm sorry, but I never thought you'll react like this. Itinago ko siya dahil alam kong hindi ninyo magugustuhan ang mangyayari, when your father died, nakalagay sa last will niya na kailangan ipakilala si Adam sa inyo bago mahuli ang lahat. Matanda na ako, mga apo, it's time for the family to be united." Mahinahong sabi ni Lola. "Si Adam ang bunso ninyong kapatid."

"Si Adelaide Christiana ang bunso kong kapatid, Lola." Mariing sabi ni Lukas.

"Laide is in peace, Luke, she will always be your little sister, my princess pero nandito si Adam, he is your living relative, your brother."

Tumayo si Lukas at saka umalis, bago siya lumabas ng pinto ay hinarap niya si Lola.

"Wala akong kapatid sa labas." Lukas left. I was left alone with Lola and Adam. I don't know why but I had a bad feeling about him, there was something in his eyes that bothers me. I don't know what is it but I feel that he's a harmful element for my family.

"Sancho, ikaw ang panganay, wag mong sabihing pareho kayo ni Lukas ng reaksyon."

"Lola, I just have to take it all in." Sabi ko na lang, binalingan ko si Adam. "Nevertheless, I am happy to know about your existence, Adam." Tumayo ako. Lola smiled. Tiningnan niya si Adam at saka ngumiti.

"Wag muna kayong umuwi, dito na kayo maghapunan. I'm sure Sheena would want to see, Adam, Sancho."

Agad na nagsalubong ang kilay ko, muli kong tiningnan si Adam at saka bumaling kay Lola. Kilala ni Sheena si Adam? Bakit? Does Sheena know that he is my brother? Kung oo, bakit hindi niya sinasabi sa akin?

"Bakit kilala niya si Sheenalyn?" Tanong ko kay Lola.

"Of course, hijo, isinasama ko si Sheena noon kapag dinadalaw ko si Adam sa province, at sa iisang university lang kayo graduate."

Adam smiled at me, nakakaloko ang ngiting iyon pero hindi na lang ako nagkomento, halos magkakapanabay na lumabas kami mula sa library. Nagpunta ako sa family room, kasabay ko pa rin si Grandma ang my new found brother Adam. Naroon na si Lukas, sambakol na naman ang mukha nito. I was just looking at him and Apollo, Apollo was trying to calm him down.

"Luke..." I called him, I was silently warning him to behave. Naupo ako sa isa sa mga sofa, katabi pa rin ni Lola si Adam. Noon naman pumasok ang kambal ko kasunod si Sheena. Hawak niya ang kamay ni Yza.

"Lola Adel!" Tawag ni Yza kay Grabdma she ran to her to give her a hug, ganoon din si Yto, napangiti ako, pero agad nabura ang ngiti ko nang makita kong nilapitan ni Adam si Sheena at saka niyakap ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Ngiting-ngiti si Adam. "Lola, si Adam." Natatawang sabi niya.

"Oo hija, hindi ko nasabi sa'yo noon, pero kapatid ni Lukas at ni Sancho si Adam kaya lagi ko siyang binibisita sa farm."

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon