14. Four plus one

441K 8.9K 1K
                                    

Changes, I thought. Iyon ang nakikita ko kay Sancho. Hindi ko alam kung paano pero he stayed true with our deal. Mula nang gabing iyon ay hindi ko na siya nakita na kasama si Miss Madeline, minsan ay nahuli ko siyang kausap ito sa telepono, magre-react na sana ako but I heard him said that the family is his priority. Hindi na ako nagsalita noon, tama na sa akin na alam kong tulad ko ay ginagawa niya ang lahat para sa mga bata. I could see how much he loves the kids at nakikita ko rin ang pagmamahal sa kanya ng dalawang bata. He was more of a father now kaysa noong nagsisimula pa lang kami at paunti-unti ay nawawala na ang ruthless version niya at nakikita ko na ulit iyong Sancho na minahal ko noon. I sighed when I remembered how much I was in love with him back then. I was fifteen, Sancho was nineteen, prom night namin iyon ni Laide and no one danced with me that night. I was crying so hard that night, iyak lang ako nang iyak hanggang sa dumating siya noon para sunduin si Laide, he saw me crying and that night but then Sancho danced with me and he made me feel like I was important that night. It made me feel special and somehow that night I realized that I was in love with him. I was fifteen and in love with Sancho Consunji.

But that was cut too short when I realized that he will never be in love with me, I was too young back then at hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng pag-ibig, pero nakikita ko noon si Sancho, paiba-iba ng babae, I could hear the moans and the groans from his room every night I try to study at the library, hindi ko pa iyon alam noon, but as I mature, I realized what Sancho was – he was a ladies' man and that will never change, he will always be like that kahit na ano pang gawin ko. Kaya nga natutuwa ako ngayon dahil nakikita ko that he was trying his best.

"Nanay, nandito si Lola Lydia."

Agad akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Yto. Pumunta ako sa sala at saka nakita ko nga si Nanay Lydia roon na yakap-yakap si Yza.

"Nay, ano pong ginagawa ninyo dito?" Nagtatakang tanong ko. Nginitian niya ako. Sabado noon at pareho kami nI Sancho na walang pasok, he decided to stay at the house that day, kaya nagtataka ako ngayon kung bakit nandito si Nay Lydia.

"Naku, tinawagan ako ng alaga ko at kailangan mo daw ng tulong dito sa bahay." Sabi niya sa akin. Napangiti ako.

"Kaya ko naman pong maglinis at maglaba, saka isa pa, nandyan naman ang mga bata, tutulungan nila ako, diba?"

"Opo, Nay!" Sabay na sigaw ng kambal.

"Ay naku, hayaan mo nang maglaro ang dalawa. Ano bang gagawin?"

Pilit akong tumanggi sa sinasabi ni Nanay Lydia, pero sa huli hindi rin siya pumayag. Sinabi ko na lang na kung pwede siya na ang magluto at maglinis habang ako naman ang maglalaba. Nang magkaayos kami ay pumunta ako sa laundry area, nasa gilid iyon ng kusina, naroon ang washing machine at ang maruruming damit na kinolekta ko kanina. Halos isang linggo rin kasing umulan kaya natamabakan kami ng maruming damit. Kasalukuyan kong pinaghihiwalay ang puti sa de kolor nang pumasok si Sancho.

"What are you doing?" He asked me.

"Naglalaba. Saan ka galing?" Tanong ko.

"Naligo ako, bakit ikaw pa ang gumagawa niyan? Nandyan naman si Nanay." Sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Sir este Sancho pala, matanda na si Nanay sa dami ng damit natin baka sumakit ang likod noon, ako na lang ang maglalaba." Sabi ko sa kanya. Sinapawat ko ang mga putting t-shirt at saka inilagay iyon sa washing machine. Bigla ay tumabi siya sa akin.

"Anong gagawin ko?" Tanong niya bigla. Binalingan ko siya.

"Huh?"

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon