21. One moment

381K 7.6K 748
                                    

Six months later...

"Nanay, bakit po hindi twins iyong baby girl ni Tita Apol?"

Nginitian ko si Yza, nasa tabi ko siya, pareho kaming nakahiga sa kama sa loob ng silid namin ni Sancho. Nakataas ang blouse ko dahil hinahaplos niya ang tyan kong malaki na. Tuwang-tuwa siya sa tuwing ginagawa niya iyon, pakiramdam daw niya ay nakikipaglaro na siya sa baby sa loob ng tummy ko,

"Hindi naman lahat ng baby, kambal, anak."

"Oo nga po, si Zachary Drew, one lang siya, pero may sister na siya, kakalabas lang ng baby sister niya. Noong isang araw, inaaway siya ni James Patrick kasi sabi ni James Patrick liligawan daw niya iyong baby sister ni Zachary Drew, bad daw po iyon."

I rolled my eyes. Naiisip ko kasi kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ng mga kaklase ni Yza baka mamaya matutunan niya rin iyon.

"Ikaw ba Nanay niligawan ka ni Tatay?" Inosenteng tanong niya sa akin. Natawa naman ako. Kung tutuusin pala ay walang ligawang nangyari sa amin ni Sancho – lahat nang nangyari sa pagitan namin ay biglaan. Sabagay, lahat naman yata ay idinandaan ng mga Consunji sa biglaan. – just like what happened to Apollo and Lukas.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng ligaw, anak?"

Hindi siya nagsalita. She just kept on caressing my tummy. Malaki na iyon, mukha nang bola, at alam ko, anumang oras mula ngayon ay magpupumilit nang lumabas ang baby sa loob noon. Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung anong gender ng magiging anak ko, I wanted it to be a surprise, si Sancho gustong-gusto na niyang malaman pero pinakiusapan ko siya na huwag muna. Gusto ko, kapag dumating na ang oras, doon ko lang malalaman kung babae ba o lalaki ang baby – kahit na ano pa siya, special siya sa akin dahil sa dami ng nangyari nitong nakaraang buwan ay hindi niya ako iniwan.

The baby was with me during the darkest hour of my life at kahit na takot na takot ako, sinubukan kong maging matapang para sa kanya.

I sighed. Minsan ay dinadalaw pa rin ako ng bangungot nang gabing iyon. Kahit na tapos na ang lahat ay hindi naman ganoon kadaling kalimutan ang nangyari, it's a good thing Sancho was with me all the way, kung hindi, siguro nawala na rin ako sa sarili dahil sa sobrang takot.

Ngayon, masasabi kong tapos na talaga ang lahat. Wala na si Maddie, wala na rin si Jane. Jane committed suicide that night after the police captured her. Nasa loob na daw ng police car ito nang bigla nitong agawin ang baril sa katabing pulis a itinutok sa sarili. Dinala pa nila si Jane sa ospital pero huli na, she was declared DOA. Nakakalungkot ang nangyari sa kanila ni Madeline. May kapatid rin ako at alam ko kung paano magmahal ng isang ate. Alam kong mahal ni Jane si Madeline, kaya nga pinipilit niya kaming sirain ni Sancho noon. Ayon sa kwento ng isa sa mga tauhan ni Jane ay sinubukan rin daw kunin ni Jane ang kambal ko, hindi ko alam kung bakit hindi niya tinuloy, pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil hindi niya idinamay ang mga bata sa plano niya.

Mabilis ang panahon, ni hindi ko namalayan na anim na buwan na pala ang lumipas. Maayos at masaya na ang pamilya ko ngayon. Sancho is indeed a good father and a good husband, he was always there for us, he provides not just the money but also the love and the care our children needs.

"Yza, bakit nakalitaw na naman ang tummy ni Nanay?" Narinig kong sabi niya. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sila ni Yto sa loob ng silid. Sumampa si Yto sa kama at saka tumabi sa akin.

"I love you, Nanay!" Hinagkan ako ni Yto sa pisngi. "Kailan po ba lalabas iyong bago kong kalaro?" Tanong ni Yto sa akin.

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon