I was crying so hard. I couldn't believe that Sancho slapped me. Damang-dama ko ang bigat ng kamay niya sa pisngi ko, it was as if naiwan doon ang palad niya. I gasped. Hilam na hilam na ng luha ang mga mata ko. Nangyari na ang kinatatakutan ko, he knows and he's not happy about it.
"S-sir..." Sinususbukan kong huminga dahil hindi talaga ako makahinga ng maayos. "Sir... sir, please, makinig ka muna sa akin." Humihikbing sabi ko. Iyak ako nang iyak. He was just standing in front of me, he was looking at me with disgust in his eyes. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero itinulak niya ako palayo, muling tumama ang likod ko sa pader.
"Sir... sir, magpapaliwanag ako, Sir –awww!" Pinisil niya ang mgakabilang pisngi ko. Galit nag galit siya.
"How dare you keep my children from me?" He hissed against my face.
"Sir, nasasaktan po ako."
"Talagang masasaktan ka!" Sigaw niya. Binitiwan niya ako at saka hinawakan sa braso. Kinaladkad niya ako pababa ng hagdan, pinagtitinginan kami ng mga maids, iyak ako nang iyak habang si Sancho naman ay galit sa akin. Natatakot ako, natatakot talaga ako sa pwede niyang gawin, sa ngayon ay wala pang malinaw sa lahat, gusto kong sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi ang totoo noon, gusto kong magpaliwanag pero sa tingin ko ay walang puwang sa puso ni Sancho ngayon, ang tanging nakikita ko sa kanya ay galit at poot.
"Sir, please, makinig po muna kayo sa akin." Narating naming ang front door ng bahay. Itinulak niya ako palabas ng pinto. Sumadlak ako sa lupa, lalo akong napahagulgol.
"You are not allowed to see my children, Sheena."
Mas malamig pa sa yelo ang tinig niya kasabay nang pagbitiw niya ng mga salitang iyon ay ang tinla pagguho ng mundo ko. Hindi pwede, kukunin niya sa akin ang buhay at kamatayan ko. Hindi pwede. Halos gumapang ako papunta sa kanya. Hindi niya pwedeng ilayo sa akin ang mga anak ko. Anak ko rin sila. Lumuhod ako sa harap niya para magmakaawa.
"Sir, parang awa ninyo na, huwag ninyo namang gawin sa akin ito. Please, don't take my life away from me." Humahagulgol na wika ko. Niyakap ko ang mga binti niya, itinulak niya ako, muli akong bumangon, I was still kneeling in front of him, crying like there's no tomorrow. "Sir, alam kong may kasalanan ako, p-pero w-wag ninyo naman kunin sa akin ang mga anak ko. Ikamamatay ko kapag nawala sila."
"Wala akong pakialam." Parang kutsilyong tumatarak sa puso ko ang bawat salitang binibitiwan niya. Niyakap ko ang mga tuhod niya.
"P-parang a-awa ninyo na po. Huwag naman ganito. Sir, magpapaliwanag ako." Naramadaman ko ang kamay niya sa balikat ko, ubod nang lakas niya akong itinulak palayo.
"Wala akong pakialam sa paliwanag mo! You hid my children from me for seven long years and you expect me to just fucking listen to you?! I will never let you bear them again Sheena!" He hissed. Halos sabunutan niya ako. Iyak ako nang iyak. I was praying so hard n asana bangungot lang ang lahat ng ito.
"P-arang awa ninyo na."
"Bakit? Nakadama ka ba ng awa noong itinago mo sa akin ang mga anak ko?! I could've given them the life they deserve but you hid them from me! I lost seven years of my life with them and whatever you do, whatever your reason was, that will never take the seven years back, so fuck you, Sheena! You are not allowed anywhere near them! Kalimutan mo na na may mga anak ka!"
Binitiwan niya ako. I cried so hard. Tumalikod si Sancho at pinagsarahan ako ng pinto ng mansyon. Paluhod akong naglakad. I kept on knocking, begging him to open the door but he won't hear me. I was crying until I couldn't really breathe. Ayokong sumuko, kailangan ko ang mga anak ko, bakit niya ba ito ginagawa? Bakit ayaw niya akong pakinggan? May rason naman ako, valid ang reason ko, why won't he just give me a chance and try to listen to me?
BINABASA MO ANG
Just a night with him (Published)
Genel KurguSeven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consunji's turf. Witness how Sheena's life turns around because of the ruthless man who have marked her t...