"Bye, Nay, Bye tay!"
The kids waved at us. Inihatid naming sila ni Sancho nang araw na iyon sa school. It was another Monday morning. Tatlong araw na kaming kasal ni Sancho at nitong manga nakaraang araw ay parang wala naman nagbago, he was still the same ruthless, dominating man I married but when it comes to the kids, mabait siya, I could see how much he loves the twins, noong Sabado ay nagpunta kami sa mall, sabi nga ng mga bata, family day daw naming. I just smile every time I think of that moment, hinayaan ko lang si Sancho ang magdala sa kanila, the kids love him, ang ayoko lang sa kanya ay parang sinisimulan na niyang sanayin si Yto at si Yza sa mga bagay na kinagisnan niya noon. Hindi ko naman siya masabihan na wag sanayin ang dalawa dahil alam kong sabik din siya sa mga anak niya.
Naputol ang pag-iisip ko nang huminto siya sa mismong parking lot ng Consunji Empires. Bumaba ako agad, sumunod naman siya, nang lumingon ako ay nakita kong kasunod na niya si Owel at si Jun – ang bodyguard niya. Inilabas ko naman ang phone ko para hanapin si Sir Luke. Nakalimutan ko kasi siyang sunduin sa bahay nila kanina.
Nauna nang pumasok si Sir Sancho, napansin kong kinausap niya ang guard sa building tapos ay umalis agad siya, nang ako naman ang papasok ay pinahinto ako ng guard.
"Good Morning po, Ma'am." Sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Invalid na po iyang ID ninyo." Sabi niya sa akin.
"Eh? Kuya, hindi po ah, next year pa naman ang palit ID natin." Paliwanag ko. Ngumiti lang siya at mula sa record book niya ay may inilabas siyang ID.
"Ito na po ang gagamitin ninyo mula sa araw na ito, Ma'am." He gave me the ID. Nang tingnan ko iyon ay nanlaki ang ulo ko. It was still my ID pero iba na ang nakalagay doon.
Sheenalyn Marien Y. Consunji
Consunji Empires Employee
EN-13-0129
In case of emergency contact
Sancho Consunji
09478804343
My mouth parted. Personal number talaga niya iyong nakalagay!
"Ma'am, may problema po ba?" Tanong ng guard sa akin.
"W-wala po. Uhm, ito na po ba iyong identification ko sa security system?" Tanong ko sa kanya. Tumango na lang ang guard at saka pinapasok na ako. Para akong nakalutang habang naglalakad papasok sa kompanya. Pinagtitinginan ako ng mga tao doon, alam na kaya nila na pinakasalan ko na si Sancho? Siguro naman ay hindi, sana hindi na lang niya sinabi sa iba, sana, pamilya na lang niya ang nakakaalam at iyong mga tao na gumawa ng bago kong identification sa kompanya.
I took the employee's elevator, pero bago ako pumasok doon ay tinawag ako ng body guard ni Sancho.
"Ma'am, dito po kayo." Sabi niya sa akin. Tumingin ako sa kanya. Atubili akong naglakad papunta sa express elevator na ginagamit lang ni Hawk, Eagle at ng Sparrow. I saw Sancho standing inside, waiting for me, he looked bored. He shot me a death glare and made a face,
"What took you so long?" He asked. "Hop in." Sumunod naman ako. Nang sumara iyon ay narinig kong nagsalita si Jun.
"The Hawk has landed, the hawk is with Hen." A Hen? Ako ba iyon? Tumingin ako kay Sancho. He shrugged.
"The lady hawk is called a hen." Wala sa loob na sabi niya.
"Uhm, Sir... ano kasi..."
BINABASA MO ANG
Just a night with him (Published)
General FictionSeven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consunji's turf. Witness how Sheena's life turns around because of the ruthless man who have marked her t...