3. One question

435K 9.8K 3K
                                    

I was just silently watching Sancho as he plays with my twins. I was feeling so overwhelmed, it's like my long time dream of seeing my tiwns with their father had finally come true, hindi nga lang alam ni Sancho ang totoo pero sapat na sa akin ang makita sila. Hindi na ako hihiling ng mas pa doon.

"Nanay!" Ngumiti ako nang makita kong tumakbo sa akin si Yto, nasa mall kami noon, kasalukuyan silang nasa play ground at si Sancho, siya ang umaalalay sa mga bata. Mukhang tuwang-tuwa naman sa kanya ang kambal ko, ayoko man isipin pero nararamdaman siguro nilang dalawa ang tinatawag na lukso ng dugo – they were just too young to recognize the feeling.

Agad yumakap si Yto sa binti ko nang makalapit siya sa akin. Nakita kong nakatingin si Sancho sa amin habang inaalalayan niya si Yza sa slide.

"Nanay, gutom na ako." Sabi ni Yto. Binuksan ko ang dala kong bag at saka pinunasan ang pawis niya sa mukha. Kanina pa siya laro nang laro, sigurado ako, maagang matutulog ang kambal mamaya. Ngumiti ako sa kanya.

"Ang laki-laki na ng baby ko." Sabi ko sa kanya. Hinagkan ko pa siya sa pisngi at saka nilamutak ang ang braso. Nalukot ang mukha ni Yto.

"Nanay naman, hindi na ako baby. Malaki na ako. Nagugutom na ako."

"Is there something wrong?" Nag-angat ako ng ulo nang marinig ko si Sancho. Hawak niya si Yza sa kamay habang nakatingin siya sa akin.

"Nanay ako din, pawis na ako." Sabi ni Yza at saka siya lumapit sa akin. Humarap siya sa kapatid niya saka humagikgik. "Nagugutom ka na no?"

Napangiti ako. Minsan naiisip ko na totoo iyong telepathy thing pagdating sa magkapatid dahil maraming beses na nangyayari ang nahuhulaan ni Yza o ni Yto ang iniisip ng isa'tisa. Tumango na lang si Yto.

"Saka pagod na ako." Naupo siya sa tabi ko at saka yumakap.

"Ay ako din." Sabi ni Yza at saka yumakap din. Palagi silang ganoon – nakasiksik sa akin na para bang mawawala ako. I kissed the two of them. Sancho cleared his throat. Muntik ko nang makalimutan na kasama pala naming siya. I smiled at him.

"Saan ninyo gustong kumain?" Tanong niya sa mga bata.

"Sa Jollibee!" Sigaw naman ng dalawa. Napailing ako.

"Mukhang Jollibee." Sabi ko habang tinitingnan sila. Tumayo na ang dalawa at saka hinatak na ako. Hinawakan ko si Yza sa kamay. "Yza, hawakan mo ang kamay ni Yto, baka mawala siya." Sumunod naman siya sa akin. Huminga ako ng malalim nang maramdaman kong naglalakad sa tabi ko si Sancho. I looked up, he was texting, buti naman, ang akala ko kasi nakatingin na naman siya sa mga bata. Ayoko sanang tinititigan niya ang mga bata lalo na si Yto, baka kasi mahalata niyang magkahawig sila.

Hindi ko naman alam na magkamukha sila noon, pero nang lumalaki na si Yto ay napapansin ko ang malaking pagkakahawig nilang dalawa, si Yza naman ay kahawig na kahawig ni Laide – Lukas and Sancho's late sister. Yza have inherited Laide's curly hair, naaalala ko noong mga bata pa kami, gandang-ganda ang lahat sa buhok ni Laide, at kapag nga naman sinseswerte, namana ni Yza ang buhok na iyon, pati ang mahahabang pilik-mata nito. As my twins grow up, mas tumitindi ang dugong Consunji sa kanila at natatakot ako dahil baka makahalata na sila, ayoko talagang tumira sa mansion pero wala naman akong matatakbuhang iba, sa ngayon, iintindihin ko ang pag-iipon para makalipat na kami ng mga bata. Ayoko talagang magtagal pa kami roon. Mas nagtatagal kami, mas lumalaki ang tsansa na malaman nila ang totoo at hindi ko alam kung anong mangyayari sa araw na iyon.

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon