2. One evening

537K 10.4K 2.7K
                                    

"No, please, maawa ka!"

I felt the agonizing pain of a sharp knife slicing through my skin. Bakit ba hindi na lang nila ako patayin? Niligtas nila ako mula sa pagkakahulog sa bangin nang gabing iyon pero heto naman sila at pinahihirapan ako. It's better for me to die right away kaysa araw-araw nila akong pinapatay sa sakit.

"Ahhh!" Dumaing ako pero nakatikim lang ako ng suntok galing sa lalaking nakatakip ang mukha. I don't even know how long I am inside this cold dark place. The only reason why I am still alive is because of my grandma and my brother. I love them both so much, sila na lang ang pamilya ko at sila lang din ang lakas ko, sa ngayon alaala lang nila ang bumubuhay sa akin. I need to be alive, kailangan mabuhay ako, kailangan kong makabalik sa pamilya ko, sa mundo ko, pero paano?

"Ahhhh!"

Napabalikwas ako ng bangon. I was catching my breath as I sat up in the middle of my bed. The nightmares attacked again. I don't know when they'll stop but I knew that if I keep on dreaming about them, I am going to lose my mind. Sinapo ko ng mga palad ko ang king ulo at saka huminga ng malalim. I guess I need to go to the shrink again tomorrow morning. Gusto ko nang makalimutan ang bangungot na iyon, gusto ko nang ibaon ang mga alaalang ayaw ko nang maisip pero paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko, sa alaala ko.

I stood up and took my shirt that was hanging on the edge of my bed. Sinuot ko iyon at saka ako lumabas ng silid. I needed a drink, I needed to clear my mind, maybe I'll give Madeline a call, if the alcohol doesn't work, maybe sex will cure my anxiety. I sighed as I took the stairs down, nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdanan ay may narinig na akong batang umiiyak. Kumunot ang noo ko, sigurado akong isa sa mga anak ni Sheena iyon, wala naman ibang bata dito kung hindi sila lang. Unfortunatley, nasunugan sila Sheena at wala silang mapupuntahan that's why she asked Lola's permission to temporarily stay here habang hindi pa sila nakakaipon para sa susunod nilang lilipatan. Sa akin ay ayos lang naman iyon, sa dami ng naibigay na serbisyo ng Mama ni Sheena sa pamilya ko, it's only right that we help them, isa pa ay gusto rin ni Lola ang tulungan siya.

Nagmadali ako sa pagbaba at natagpuan ko ang dalawang batang nakatayo sa gitna ng sala malapit sa may hagdan, umiiyak iyong batang lalaki, nakasalampak siya sa sahig at nagpupunag ng luha.

"Huy, Yto, tumayo ka na diyan, ang iyakin mo naman eh." Sabi ni Yza habang nakatingin sa kapatid niya. I wondered why he was crying and where Sheena was at this time of night.

"S-si N-nanay, g-gusto k-ko si N-nanay..." Humihikbing wika ni Yto.

"Babalik din si Nanay, siguro umalis lang siya sandali. Lika na, matulog na tayo." Pilit hinatak ni Yza ang kapatid niya pero hindi ito gumalaw. He was just sitting there crying like the little boy he is.

"Hi," I greeted them. Tumingin sa akin si Yza at saka ngumuso.

"Hello po, Sir Sancho." She said, muli niyang binalingan ang kapatid niya. "Lika na, magagalit si Sir."

"A-ayoko k-ko, g-gusto k-ko si-si N-nanay..." Ulit ng bata. I sighed. Lumuhod ako sa harapan niya ay saka ginulo ang buhok niya.

"Nasaan ba si Nanay?" Tanong ko. Nagkibit-balikat si Yza.

"Katabi naming siya natulog, tapos nagising si Yto wala na siya, nihanap naming siya, bukas po iyong back door kaya napasok kami. Wala si Nanay, di pa naman nakakatulog si Yto kapag wala si Nanay, inaamoy niya kasi iyong leeg ni Nanay, kaya ayawn iyak siya ng iyak."

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon