"Sancho, gising na, male-late ka sa office."
I was shaking Sancho's shoulder pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabangon. I sighed. Alas ocho y medya na, hindi na nga nakapagpaalam sa kanya ang mga bata kasi tulog pa siya kanina. Mukhang napuyat siya kagabi, ang dami niya kasing tinapos na paperworks, hindi ko nga namalayan na tumabi nap ala siya sa akin. Muli ay niyugyog ko ang balikat niya. He stirred a bit pero hindi pa rin siya dumilat, instead he pulled me in to imprison me in his arms.
"Sanchooo!" Sigaw ko. I felt him nuzzle my neck. "Sancho, masakit iyong injury ko!" Humahagikgik na sabi ko. Tinigil niya ang ginagawa at saka dumilat. He looked at me.
"I love you, honey."
Pinilit kong hindi ngumiti. Mula kasi nang sagutin niya ng I love you too, honey ang I love you ko sa kanya, halos araw-araw na niyang sinasabi sa akin iyon. He tells me he loves me every morning after waking up and every night before going to sleep. Pinindot ko ang ilong niya.
"I love you too, baby damulag ko." I kissed the tip of his nose. Hinaplos-haplos niya ang pisngi ko at saka muli akong inilapita sa dibdib niya, bakit kaya kahit hindi bagong ligo si Sancho ay ang bango-bango pa rin niya?
"Hmnn, ang bango naman, baby damulag ko." Sabi ko sa kanya. Humagikgik pa ako. "Pero kailangan mo nang bumangon, male-late ka na sa office." Sabi ko pa. He hugged me still.
"I don't wanna go to work today." He said. "I'll just stay here with you." Sabi niya sa akin. Na-touch naman ako sa sinasabi ni Sancho.
"Sige na nga, ikaw naman ang boss. Matulog na lang ulit tayo." Sabi ko sa kanya. Ibinaon ni Sancho ang mukha niya sa leeg ko. Hinaplos-haplos ko naman ang buhok niya at saka pinaglalaruan ang tainga niya. I long for times like this with him, mas madalas kasi naming kasama ang mga bata ngayon, noong isang gabi ay apat kaming nagtulog dito sa kama. I wanted to have time for him – iyong kaming dalawa lang pero dahil nga sa mga bata, hindi kami nagkakaroon ng ganoon moment, kaya sasamatalahin ko ang pagkakataong ito.
Bigla siyang bumangon.
"Hmn, bakit?" I was still lying on my side of the bed when he looked at me, he seemed so serious.
"I'm ready to listen now." Walang abog na wika niya. At first I didn't know what he was talking about pero nang kalaunan ay naintindihan ko na rin. Bumangon ako, ngayon ay magkaharap kaming naka-indian sit sa gitna ng kama. I smiled. Wala pa akong sinasabi pero naiiyak na ako. I swallowed hard. Hinaplos ko ang pisngi niya.
"Natatakot kasi ako noon." Sabi ko sa kanya. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin sa'yo. Ang laki ng takot ko noon para sa sarili ko, Sancho." Huminga ako ng malalim. "Wala akong mapagsabihin, wala akong matakbuhan, si Mama lang ang meron ako pero pati siya nasaktan ko noong sinabi ko sa kanya ang totoo." Hindi ko na napigilan, napahikbi na ako.
"You could've told me, Sheena. Araw-araw mo akong nakakasalubong sa mansyon." Mariing sabi niya.
"Kung normal ang circumstances, oo, masasabi ko, pero hindi naman normal iyong nangyari sa atin. You got me pregnant because of a fraternity initiation, hindi normal iyon, ni hindi mo nga rin alam na ako iyon." Sabi ko sa kanya, walang hinanakit sa tinig ko pero naiiyak ako. "I swear, Sancho, wala naman akong balak itago sila sa'yo, wala lang akong lakas ng loob,"
"Shhh, it's okay." Pinahid niya ang mga luha ko. "Okay lang, Sheena, mali ako, I should've been grateful because you have raised them very well. Hindi dapat kita sinaktan, hindi dapat ako nagalit sa'yo and that night I'd hit you will always be a nightmare for me, hindi kita kayang saktan – we'll at least I will never hurt you again. I'm sorry, honey."
BINABASA MO ANG
Just a night with him (Published)
General FictionSeven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consunji's turf. Witness how Sheena's life turns around because of the ruthless man who have marked her t...