8. One conversation

399K 8.5K 1.4K
                                    

"Sit down, Sancho."

I have no idea why Grandma wanted to see me that morning. She told Owel that she wanted to see me so before going to the office, dumaan muna ako sa kanya and she asked me to go down with her to the library. Pinaupo niya ako sa isa sa mga wooden chairs doon. Umupo rin siya sa isang side, alam kong seryoso ang pag-uusapan namin dalawa. Hindi naman niya ako tatawagin kung hindi importante ang sasabihin niya and I have a feeling na may kinalaman iyon sa mga anak ko. I sighed, hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa tuwing maiisip ko na may mga anak na ako.

"Grandma, what do you wanna talk about?" I tried smiling at her. Hindi siya kumibo. Noon ko naman narinig ang pagbukas ng pinto sa aking likuran, I looked back to see who arrived, I saw Sheena – agad na nag-init ang ulo ko. Nakayuko ang ulo niya habang naglalakad siya papunta sa kabilang side ng long table, she sat on the chair that was in front of me. Narinig kong nagbuntong hininga si Lola.

"Now we can start." Sabi ni Lola sa amin. I looked at her, sabi ko na nga, matagal na niyang alam ang tungkol sa mga bata – hindi niya lang sinasabi sa akin. Lalo akong nakadama ng inis kay Sheena. She told Lola, but she didn't even bother telling me. Kinuyom ko ang mga palad ko, I wanted to hit her again.

"I know what happened here last night." My grandmother was calm when she started talking. All the while kay Sheena lang ako nakatingin. Nang mag-angat siya ng mukha ay kitang-kita ko pa rin ang pamamaga ng pisngi niya at ang pamumugto ng mga mata niya. I remember last night after telling her my condition, she asked me for enough time to think about my condition. Hindi naman ako ganoon kasama, I gave her until tonight para makapag-isip siya kundi kukunin ko ang mga bata sa kanya. Masama na kung masama pero that's what she deserves. Ipinagkait niya sa akin ang mga anak ko sa loob ng napakahabang panahon. Fuck the fraternity rule! Kung iyon ang idadahilan niya sa akin ay lalo ko lang siyang masasaktan. Hindi niya ba naisip noon nab aka gustong kong malaman ang tungkol sa mga bata? Ang sabihin na natatakot siya o hindi niya alam kung anong dapat gawin ay hindi sapat para ipagkait niya sa akin ang mga anak ko. I missed seven years of their life at hindi matutumbasan ng kahit na ano ang sakit ng katotohanang iyon. I hate her!

"How long have you known, Grandma?" I gritted my teeth. My grandmother looked at me and smiled.

"Four years." She calmly said. "Why do you think I don't like Madeline for you, hijo?" Nakangiting sabi niya. "And why do you think, I never let you out of my sight, Sheena? Mula nang unang beses kong makita ang mga anak mo, alam ko na at para mas makasiguro ako, I conducted a DNA test without anyone knowing it. Hindi rin naman ako nasurpresa sa resulta. I kept quiet for a long time, pero ngayon na nagkaalaman na kayo, hindi ako basta uupo sa isang tabi because it's my great grand children's lives we are talking about."

One thing that I admire about my grandmother was the fact that she could handle all the pressure and stress around her even though she's not that young anymore. Hindi ako mapakali sa kaalamang may mga anak na ako samantalang si Lola, nagawa niyang itago sa akin iyon sa loob ng mahabang panahon. I felt betrayed.

"You could've just told me!" I hissed.

"How dare you raise your voice at me, Sancho Angelo." Hindi ako nakakibo. Ayoko man ay nagyuko ako ng ulo. "I have endured your stubbornness for a very long time, lahat ng kalokohan ninyo ni Lukas pinagpasensyahan ko, pero ito ang hindi ko mapapalagpas." Mariing wika niya. I just shook my head.

"You're saying na wala akong boses sa bagay na ito, Lola? Ako ang ama, ipinagkait niya sa akin ang mga anak ko sa mahabang panahon! May karapatan ako sa mga bata!" Lalong tumaas ang boses ko.

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon