"Yza, bakit gising ka pa? Si Yto nananaginip na."
Tinabihan ko si Yza. Natagpuan ko siyang nakaupo sa mismong steps sa tapat ng front door. Nag-alala ako sa kanya dahil nang malimpungatan ako kanina ay wala siya sa tabi ko. Bumangon ako agad para hanapin siya, I found her sitting here like she was waiting for something.
"Hinihintay ko po si Tatay." Mahinang sabi niya sa akin. Napabuntong hininga ako, hinatak ko siya at saka isinandal sa katawan ko. I touched her face, when she looked at me, I saw how sleepy she was, pero sa tingin ko hindi ko talaga siya mahihikayat matulog dahil tulad nga ng sinabi niya ay hinihintay niya si Sancho. Gusto kong magalit kay Sancho, hindi na dapat siya nangako sa mga bata kung hindi naman niya kayang tuparin. Paulit-ulit niyang sinabi noon sa akin na pinakasalan niya ako para sa mga bata, pero sa ngayon ay parang wala naman siyang ginagawa. Mas inuna niya pa ang babaeng iyon kaysa sa mga anak niya. Ganoon ba ang babawi?
"Matulog ka na, may school ka pa bukas." Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Umiling siya, maya-maya ay humihikbi na naman siya. Nakadama ako ng galit kay Sancho.
"Nanay, hindi ba ako mahal ni Tatay?" Humihikbing tanong niya. Sumiksik siya sa tagiliran ko at saka umiyak. Ayoko man ay pumatak na rin ang luha ko. Kinarga ko siya at saka isinara ang pinto. Kung uuwi si Sancho, uuwi siya kung hindi, hindi, hindi ko naman siya kailangan hintayin, hindi hihinto ang buhay ko sa kanya,
"Mahal ka ni tatay, anak, huwag ka nang umiyak. Inaantok ka na." Wika ko habang paakyat kami, nang makarating kami sa itaas ay agad ko siyang ipinasok sa silid naming ni Sancho, itinabi ko siya kay Yto at saka ako humiga sa tabi niya. Yumakap siya sa akin, hindi pa rin siya tumitigil sa paghikbi, alam kong nasasaktan siya, alam kong sa sandaling panahon na nakasama niya ang ama niya ay mahal na mahal na siya ni Yza. Ganoon naman ang mga bata, madali silang magtiwala, kaya sa huli madali rin silang masaktan. Mula nang magkaisip ang kambal, hindi lang isang beses tinanong sa akin ni Yza kung nasaan ba ang tatay niya, kahit na hindi pa niya ito nakikita noon, madalas na niyang sabihin sa akin na mahal niya ang tatay niya at ngayon naman na magkasama na sila, saka naman nangyari ito. Nasasaktan siya. Ang ayoko sa lahat ay ang nasasaktan ang mga anak ko.
Hindi ko maintindihan si Sancho, alam kong wala lang para sa kanya ang kasal naming pero sana hindi niya pinaasa ang mga bata. Napakasakit umasa sa isang bagay na hindi naman matutupad at sa ngayon iyon ang nararamdaman ni Yza sa ngayon. Hangga't maaari ay ayoko silang nasasaktan ni Yto, kung pwede ko nga lang silang ikulong sa bubble, para masiguro kong walang mangyayaring masama sa kanila gagawin ko basta maging maayos lang sila. I sighed. I kissed her cheeks when I realized that she was asleep, pinahid ko pa ang naiwang mga luha sa kanyang mga mata. Naiiyak ako, kaya kong tanggapin lahat ng pananakit ni Sancho, verbal man, o physical pero sana hindi niya idamay ang mga bata. Alam kong galit siya sa akin dahil para sa kanya ipinagkait ko ang pitong taon na iyon para sa kanya pero sana sa akin na lang, sana wag na niyang idamay ang mga bata.
Hindi ko na namalayan ang oras, nakatulog na rin ako, nang magmulat ako ng mga mata ay sumisilip na ang liwanag sa bintana. Bumangon ako para ipaghanda na ng almusal ang mga bata, may pasok pa sila ngayon. I looked around the room, kahit paano ay nadismaya ako dahil wala si Sancho doon, ibig sabihin, hindi siya umuwi kagabi. Lalo akong nakadama ng galit para sa kanya. I went out of the room and went straight to the kitchen, nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang may marinig akong gumagalaw sa kusina, nagmadali ako, at doon nakita ko si Sancho, he was still wearing the clothes from yesterday. I cleared my throat bumaling siya sa akin.
"Gising ka na pala." He said when he saw me. Gusto ko siyang sigawan, pilit kong kinakalama ang sarili ko.
"G-good morning, Sir." Wika ko. Gustong-gusto ko siyang tanungin kung saan siya galing, kung bakit hindi siya umuwi kagabi, kung bakit niya ginawa iyon kay Yza, gusto kong magwala, for once, gusto kong maging asawa sa kanya pero wala akong karapatan, he made that clear when he married me that day. I moved, I saw him making coffee form himself, nagsimula naman akong mag-ayos ng kakainin ng mga bata, magluluto pa ako ng babaunin nila at ipag-aayos ko pa sila ng gamit, pipilitin kong hindi isipin si Sancho at kung anong ginawa niya kagabi kasama ang babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Just a night with him (Published)
General FictionSeven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consunji's turf. Witness how Sheena's life turns around because of the ruthless man who have marked her t...