20. Two Sisters

352K 7.3K 1.4K
                                    

"Bakit ka pa kasi nagpunta dito? Buntis ka, Sheena, kapag may nangyari sa'yo papatayin ako ni Sancho!"

Halos hangin na ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Lukas habang nakatingin siya sa akin. Magkaharap kaming dalawa, nakatali siya sa isang mono block chair tulad ko. Hindi ako makagalaw at kahit anong gawin ko, hindi na yata ako makakaalis sa pagkakataling iyon. Tama ang hinala ko kanina nang dumating ako dito, may mali sa nangyayari. Hindi ako iiwan nang driver na iyon kung hindi niya alam na may mangyayari, isa lang ang ibig sabihin noon, kasabwat nang kung sinuman ang gumawa nito ang driver na iyon sa kompanya. I sighed. Natatakot na talaga ako, kanina ay tinutukan ako ng baril ng lalaki sa ulo para sabihin ang mga salitang isinulat niya sa papel. Naiiyak na ako, kung sinuman ang may pakana nito, sigurado akong galit siya kay Sancho, ang hiling ko lang, sana hindi nila idamay ang mga anak ko dahil napakabata pa ng kambal.

"A-akala ko kasi totoong nandito ka." Maluha-luhang sabi ko.

"You should've got the message when I told you not to tell Apollo!" Sigaw pa ni Lukas. Napangiwi ako sa taas ng boses niya.

"Hoy! Magsitahimik kayo!" Sabi noong lalaking nakatayo sa may gilid ni Lukas. "Mamaya darating ang mga amo, wag kayong maingay! Bawal mag-usap." Sabi pa niya.

"Tang ina mo!" Sigaw ni Lukas. "Kapag ako nakakawala dito, lalaslasin ko ang leeg mo! Gago ka!"

Nagtawanan ang mga lalaki. Hindi ko mabilang kung ilan ang mga goons sa loob ng warehouse, marami sila, lahat sila ay armado kaya lalo akong natatakot. Natatakot ako nab aka barilin na lang nila ako bigla at mamatay ako kasama ng baby sa loob ng tyan ko. I wanted to cry. Hindi pa man ay parang hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang anak konng masilayan ang ganda ng mundo. Hindi na niya makikilala ang ate at kuya niya at hindi na niya mararansan ang pagmamahal ng isang ama na tulad ni Sancho. Mamamatay ako na nasa tyan ko siya. Bakit unfair ang buhay?

All I wanted was happiness and a peaceful life kasama ng kambal, iyon lang naman, wala naman akong hinihinging iba. Premyo na lang na nakasama sa buhay naming si Sancho – na naibigay ko sa mga anak ko ang buong pamilyang dapat lang ay para sa kanila.

"Kung makakawala pa kayo, alam ko papatayin na kayo ngayong gabi." Sabi pa ng isa. Muli siyang tumawa. Lalo naman akong napaluha.

"Sheena, wag kang umiyak." Sabi pa ni Lukas.

"Luke, buntis ako, mamamatay ako ngayon, paano ang anak ko, paano ang kambal?" Binalingan ko ang lalaki. "Maawa naman po kayo, buntis po ako." Umiiyak na sabi ko. Umiling sila.

"Miss, wag kang mag-alala, titikman ka muna naming bago ka naming patayin. Iyon ang pangako ng amo namin sa akin." Nagkatawanan ulit sila. Nanlaki ang mga mata ko at lalo akong napaluha.

"Mga gago!" Sigaw ni Lukas. "Huwag kang makinig sa kanila, Sheena, makakaalis tayo dito."

"Iyon ay kung bubuhayin ko pa kayo."

Nanigas ang likod ko nang marinig ko ang isang pamilyar na tinig ng isang babae. I looked around and I saw Madeline, wearing her beautiful black dress, walking aimlessly in the middle of the warehouse kung nasaan ako at si Lukas. Napanganga ako. Si Madeline ang may pakana ng mga ito? Ganoon ba siya kagalit sa akin?

"Hi, Sheena, did you miss me?" Pagkasabi noon ay sinampal niya ako nang ubod ng lakas.

"Fuck, Madeline!" Sigaw ni Lukas.

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon