9. One wedding day

414K 8.4K 1.3K
                                    

I wore a simple white dress the next day. Pagkagising ko pa lang ay ganoon pa rin ang kabog ng dibdib ko. It was Friday at sa unang pagkakataon, magkasama naming inihatid ang mga bata sa eskwelahan. Hindi ko pa rin nasasabi sa mga bata ang katotohanan at hindi ko pa rin nasasabi na sa araw na ito ay magpapakasal ako sa isang Sancho Consunji. I have tried telling the twins that Sancho is in fact their father pero sa tuwing susubukan ko ay nawawalan naman ako ng lakas ng loob. Sasabihin ko rin naman pero hindi ko alam kung kailan.

Inihinto ni Sancho ang sasakyan sa parking lot ng school. Agad siyang bumaba para ipagbukas ng pinto ang dalawa, bumaba na rin ako ng kotse.

"Nanay, papasok na kami." Sabi ni Yza. Tumingkayad siya para hagkan ako. Yumuko naman ako at saka hinalikan siya sa pisngi. "Nanay mukha kang princess." Sabi pa niya pagkatapos akong hagkan. I smiled, kapag ganoon ang ngiti ni Yza sa akin ay nawawala ang agam-agam ko. Tumakbo siya at saka lumapit kay Sancho. I think she's getting used to the fact that Sancho is always with us.

"Sir, bless po." Inabot niya ang kamay ni Sancho.

"Pwede bang kiss na lang? Para may energy ako maghapon, baby." Sabi pa niya. The scene touched me. Yumakap si Yza kay Sancho at saka hinalikan niya ito sa pisngi. Sancho carried her. Naramdaman ko naman ang paghatak ni Yto sa damit ko.

"Yes, anak?" I smiled at him.

"Nanay, boyfriend mo ba si Sir Sancho?"

Muntik na akong himatayin sa tanong ni Yto. His innocent eyes are looking at me. I didn't know what to say or do, lumipad ang tingin k okay Sancho na nakikipagkasatan naman kay Yza. I touched his face.

"Magkaibigan lang kami." Sabi ko. Tumaas ang isa niyang kilay. Lalo tuloy niyang naging kamukha si Sancho.

"Pero nagkiss kayo. Nakita ko po kayo kagabi, Nanay."

My eyes widened. Alam kong naghihintay siya ng sagot, ako naman naghihintay ng isang bagay na di-distract sa kanya. I swallowed hard.

"Yto, lika na, male-late na tayo. Bye, Nanay, bye Sir!" Ganoon na lang ang tuwa ko nang hatakin na ni Yza si Yto palayo sa akin. Hindi na siya nakapagtanong, pero alam ko naman na hindi iyon ang huli, tatanungin at tatanungin niya ulit ako. Inihatid ko na lang ng tingin ang kambal ko at saka huminga ng malalim.

"What was Yto asking you?" Sancho asked me all of a sudden. Gusto ko man sabihin sa kanya ay hindi ko ginawa. I just smiled at him.

"Wala lang, alam mo na, bata." He just nodded. Sinenyasan niya akong pumasok na muli sa sasakyan, sumunod ako, maya-maya lang ay tinatahak na naming ang daan palabas ng school. Muli na namang kumabog ang dibdib ko.

"S-sir, sa office po ba tayo?" I asked him. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para itanong iyon sa kanya. He shook his head.

"I took a day off. It's our wedding day." Mariing wika niya. Nanuyo naman ang lalamunan ako. Ibig sabihin, seryoso talaga siyang ngayon araw na ito ang kasal naming. Lumiko si Sancho. Napakunot naman ang noo ko. Saan kami pupunta? Hindi naman ito iyong daan papunta sa mayor's office. Hindi na lang ako nagsalita. I waited in anticipation kung saan niya ako dadalhin. Maya-maya ay huminto na siya sa tapat ng isang maliit na chapel. He got out of the car, umikot siya at saka pinagbukas ako ng pinto. I could see the gentleman version of Sancho. After getting out, I looked around the area and I saw that the chapel was in a middle of a garden, maganda ang lugar, presko sa mata, maraming bulaklak, napangiti ako.

Just a night with him (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon