Kabanata 2

227 5 4
                                    


Mga nakatambay na magulang sa labas ng silid-aralan. Nagtatakbuhang mga bata. Ang iba pa ay nagsusulat sa pisara ng mga hindi maintindihang larawan. Ito ang madalas kong makita tuwing umaga. Ngunit, nagiging normal ang lahat kapag nailapag ko na ang bag sa lamesa.



Lamesa na may cover na pulang bulaklaking papel. Nakadikit doon ang mga larawan ko. Mga larawan ko na nakatoga kasama si Mama at mga ka-batchmates ko na may malalaking ngiti sa labi. Parang kailan lang....



Nagpalitan pa kami ng kamustahan ng mga magulang na nasa loob ng silid. Maging ang mga bata ko ay nakikisingit rin.





Mabilis lumipas ang oras sa umaga. Katunayan nga, nakapag-assessment pa ako sa itinuro sa Agham tungkol sa living and non-living things. Everyday, I see to it that I prepared all my presentations and stuff so that I can effectively pass the learning to the pupils.




"Lunch Time! May uuwi ba sainyo? Pakitaas nalang ang kamay." may limang nagtaas. Isinulat ko sa maliit na papel kung sino-sino sila at binilinan na mag-ingat sa daan at inaasahan ko na babalik sila sa hapon.



"At ang mga natira, pwede na kayong kumain." kumilos na ang mga bata. Kinuha nila ang binalot sa loob ng bag. Magsisitunugang kubyertos ang maririnig at mahihinang hagikhikan mula sa mga estudyante ko.



Kapansin-pansin at nakakapanibago ang hindi nagsasalitang si John, na hindi parin kumikilos sa kinauupuan nya. Palingon lingon pa sa mga kaklase at panaka-nakang tumitingin sa labas. Kahapon lamang ay sya ang pasimunong magtakbuhan sa covered court at maglaro ng 'sekyo'. Nilapag ko muna ang lesson plan kong hawak at lumapit sa kinaroroonan nya.



"John, may problema ba?" Imbis na sumagot ay bigla syang umub-ob sa armed-chair nya. Nakaagaw ng pansin ang pagtayo ko sa mga bata. Lumapit ang dalawa nyang kaibigan at mahinang tinapik ang balikat nya.



"Tinatanong ka ni Teacher, John." pabulong na sabi ni Miguel.



"Umiiyak ka ba?" mahinang tanong ni Kulas. Iling ang sagot ni John ngunit sumenyas si Miguel kay Kulas ng 'tango'.



"John, may sakit ka ba?" pagtatanong muli ni Kulas na inilapit ang bibig sa bandang tenga ni John. "OO nga! May masakit ba sayo? " pagsingit ni Miguel. Umungot lang si John.




" Teacher, may sakit daw si John." mahinang sabi ni Kulas sakin. Tumango ako at nagpasalamat. Sumensyas na ako na umupo na sila.



"John, gusto mo bang tawagan ko ang Mama mo? Sasabihin ko na sunduin ka." Isa sa mga transferees si John. Galing syang Manila. Noong unang araw ng pasukan ay nakilala ko ang Mama nya. Isang dalagang ina. Sabi ng Mama nya, tinutulungan sya ng kapatid nya para sa pang-gastos at pagpapa-aral sa kanyang anak.

Ano mo sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon