Pwede ba akong mag-request na sa ibang araw ka nalang muna magpakita? Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ng direkta pero nandito na kasi sya.
Hindi ba pwedeng hindi muna siya magpakita ng ilang araw hanggang sa makalimutan ko na ang tampo ko sakanya. Hanggang sa ako na mismo ang maghanap sa presenya nya.
Umirap ako. Tinuloy ko ang pag aayos ng mga aklat sa stand na gawa sa kahoy na parang walang nakita. Bahala ka dyan!
Sa pag gamit siguro ng mga bata ng aklat, hindi nila naiayos ng pagbalik ang ilang dito. Mayroon kasi akong naaninag na apat na aklat na nasa ilalim ng shelves malapit dito. Pinilit kong abutin sa posisyon kong nakatayo, ngunit bitin lang ang aking braso. Kapag pinilit ko pa ay baka masira ang shelves sa pagkakatuon ko para hindi matumba.
Lumuhod ako sa sahig para madaling abutin ang mga aklat. Sa unang subok ay nahawakan ko na ang aklat. Ngunit kapag hinihila ko ay nararamdaman kong parang humihiwalay ang hawak kong parte sa kabuoan nito.
Itinigil ko ang pag abot dahil sumasakit na din ang aking braso sa pag suot sa masikip na espasyo.
"ouch.." may dugong tumulo sa aking palad. Mahabang linya ng dugo ang gumuguhit dito. Nakaramdam ako ng hapdi roon. Kinapa ko ang bulsa ng aking blouse upang kuhanin ang aking panyo. Pero bago ko pa mailabas iyon ay iginaya na ako ni Ken na tumayo para tignan kung anong nangyare.
"You better be careful. Mayroon naka-usling kawad sa stand." Mabilis nyang inayos ito at bumalik sa tabi ko. Hindi ako umimik.
"Patingin." kukuhanin nya sana ang kamay ko ngunit mabilis ko itong tinago sa aking likuran.
"Kaya ko." matapang akong tumingin sa mata nya. Ganoon ang ginagawa kong tingin sa mga bata ko kapag mayroon silang ginawang hindi tama at titigil na sila.
Akala ko ganoon rin ang epekto sa kanya ngunit hindi pala. Kinuha nya ang kamay ko. Gusto ko sanang kabigin ito pabalik pero masyado syang malakas at hindi nya na pinakawalan ang kamay ko.
Malumanay nya akong hinila sa lababo upang mahugasan ang dumurugong kamay. Siya na mismo ang naghugas dito. Makikita mo sa kanya ang pagkaseryoso nya sa kanyang ginagawa. Hello? Scratch lang yan o. Malayo sa bituka.
Naglabas sya ng kayumangging panyo at ipinunas sa mabasa kong kamay. Naka-'aray' ako dahil nahagip nya ang sugat ko.
"s-sorry.." sabi nya habang nakatitig parin sa aking kamay. Napalunok ako dahil doon.
"Sorry for everything." tumunghay sya at direktang tumingin sa aking mata. Namumungay ito at tila ba nasasaktan.
Huminga ako ng malalim at inalis ang pagkakahawak nya sa akin. Kukuha ako ang band-aid sa emergency kit malapit sa kanyang ulunan. Kaya naman hindi ko sinasadyang madikit sa kanya.
Umubo sya at saka ko lang napansin ang awkward naming posisyon para tuloy akong nakayakap sa kanya.
Mahina syang tumawa dahil sa nangyare na naging dahilan ng pag-init ng aking tenga. Tumalikod ako sa kanya at dinikit ang band-aid sa sugat.
"Hindi kita nasundo kasi may nangyare sa bahay..." pasimula nya. Gusto kong humarap sa kanya pero mas pinili ko na manatili sa pwesto at magkunware na inaayos ang band-aid.
"Pasensya ka na kasi hindi man lang ako nag chat sayo o nagparamdam ng noong gabi na iyon." naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko. "Sorry talaga." hinawakan nya ang balikat ko para iharap sa kanya. Hindi na ako umalma pa.
"sa anong dahilan? bakit?" nacourious ako dahil sa sinabi nya.
"Saka ko nalang sasabihin. Masyadong mahabang kwento." Tumango ako.
Gumaan ang paghinga ko sa lahat ng nangyari. Hindi lang oras ang nagpapahilom sa nasaktan mong puso pati narin ang maiksing paliwanag kung saan nagsimula at nag-ugat ang lahat.
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
Cerita PendekMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?