Kabanata 19

53 2 1
                                    


Aasa ba ulit ako? Maghihintay sa wala? Sumasakit ang ulo ko dahil sa kanya.




Maghapon akong nagpaka-busy para makalimutang si Ken. Ayoko na muna syang intindihin  dahil baka hindi ko magawa ng mabuti ang trabaho ko. Kung may bangs lang ako, baka kanina pa sumasakit ito.




Dumating ang alas-tres ng hapon at uwian na ng mga bata. Alam na nila ang gagawin bago umalis. Makikita mo sa kanila ang pagkaka-isa at pakikinig sa kanilang leader na tapusin ang pag-ayos ng silid. 




"Ma'am.." napalingon ako sa aking gilid. Si John.



"Pinabibigay po ni Tito." iniaabot nya sakin ang tatlong rosas at ang isang card na nakasingit dito. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Ngunit wala na akong nagawa nang ilagay ni John sa palad ko ang tangkay ng bulaklak. 



"Please po Cher, magbati na po kayo ni Tito Ken. Ayoko po syang nakikitang lasing pag-umuuwi sa bahay. Nag-aaway po kasi sila ni Mama kapag gan'on."



Muntik ng lumaglag ang aking panga sa sinabi ng bata. Parang may humarang sa aking lalamunan. Hindi ako sumagot at tinigyan lang ang bata na umalis matapos ng kanyang sinabi.



Sakto naman ang pagpasok ni Sir Michael sa silid. Sumisilip ang malalim nyang dimple. Napataas ang kilay ko.




"Good afternoon, Cher! " binati ko rin sya.




"Ano pong meron at napadpad kayo rito Sir?" nakangiti kong tanong.




Nawala ang ngiti ko. Napalitan ang maaliwalas nyang ngiti nang pagiging seryoso. Bakit?




"May ginawa kang kasalanan.." kinabahan ako sa sinabi nya. W-wala naman akong natatandaan na ginawa kong mali. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Diyos ko! ayaw ko pang mawalan ng lisensya.





"A-ano 'yon?"





"May naiwan ka kasi sa office kanina.." akma syang may dudukutin sa kanyang bulsa. "napakamahalaga pa naman nito. Kapag nawala 'to parang kana ring nawalan ng buhay." TCH! Ano nga kasi.  Gusto ko ng maiyak dahil siguro ay napaka importante talaga noon.




Huminga muna sya ng malalim at nakipagtingin sa mata. Nilabas nya ang kanyang daliri na naka-ekis ang hinlalaki at hintuturo. Ano 'yon?




Napakunot ako ng noo.Tumawa sya pagkatapos ng kanyang ginawa.  Binaba nya ang kanyang kamay at tinago sa kanyang likuran.




"Iyon na 'yon, Sir?" Napakamot ako sa aking ulo. "niloloko nyo naman ako e. May pa-gano'n gano'n ka pa" ginaya ko ang ginawa nya. "Ano kayo 'yon? Hindi ko gets"




Mas lalong lumakas ang tawa nya. Sira lang!





"Wala nevermind. At ito nga pala ang naiwan mo..." binigay nya sakin ang mga certificates ng mga batang kasama sa -With Honors list.





"Sorry po. Nawala sa isip ko kanina. Thank you alot." Tumango lang sya at umalis sa silid.





Inisa-isa ko ang hawak na papel at tinignan sa listahan kung tama ang nakalagay dito. Halos tatlumpong minuto ko rin iyon pinaglaanan ng oras.





Tinamaan ako ng antok. Ang sarap pa naman matulog kapag ganito ang panahon. Nagsisimula na naman kasing umulan. Malamig ang hangin na pumapasok sa bintana malapit sa aking mesa.




Hindi naman ako pwedeng antukin! Marami pa akong aayusin katulad ng mini-library malapit sa aking harapan.





Tumayo ako at magsisimula na sanang mag-ayos ng may kumatok sa pinto. Tch!





Not now, please.

Ano mo sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon