Kabanata 14

64 1 1
                                    



Nakakabadtrip talaga ang lalaking 'yon! Feeling naman nya! Tse!




Akala nya makukuha nya agad ko sa mga paraan nya. Tandang tanda ko parin noon kung paano nya dikitan 'yong higad na nasa bar dati kahit sinabi nya na ang dahilan, hindi parin ako naniniwala! Isa pang tse!





Naalala ko na naman ang nangyari noong isang linggo. Akala ako nakaget-over na ako pero hindi pala. Parang ewan nga ang dibdib nag-aalburoto lagi.




Paano ko ba naman makakalimutan kung araw araw kong nakikita ang pagmumukha nya sa school. Isang himala! Hindi naman siya ganoon umasta dati. Siya na ngayon ang naghahatid-sundo kay John. Ano kayang nangyari sa Mama ni John? Baka busy lang.




Hindi ako sanay na makita siyang laging malawak ang ngiti pag nakikita ako. Assuming? Nah! Kapansin-pansin kasi. Parang timang lang.




Hindi rin ako sanay na laging may pabulaklak sa lamesa ko. Para na tuloy flower shop ang kwarto ko. Mapa-fresh flowers pa yan o plastic, sya pa ang naghahanap ng pwesto kung saan ilalagay ang ilan nya pang dala.




Katunayan nya, kinumpronta ako ni Miss Bianca. Tinanong nya ako kung kami na. Hah! Ano naman ang magugustohan ko sa kanya? Sabihin nyo nga? Sinabi ko sa kanya ang totoo na hindi. Akala ko mag-iiskandalo pa siya dahil doon, pero hindi.





Binilinan nalang ako na kung pwede wag mo siyang sasagutin kahit anong mangyari. Hmm. Siguro gustong gusto nya talaga si Ken.




Ikinuwento ko pa kay Dolly kung anong nangyayari sakin. Ang malakas na tili ang nakuha ko sa kanya. Sabi pa nya: "Girl, pakipot ka pa! Ma-eexpire na nga matres mo!" Sira talaga. Ang bata ko pa para 'don no! Mabuti nalang may matino akong nakuhang payo kay Tala, sabi nya kilalanin ko munang mabuti si Ken, baka raw kasi mamaya pakitang tao lang pala ang lahat. Kaya, mabuting mag-ingat.




Mabuti nalang may mga kaibigan akong matatakbuhan sa oras na kailangan ko ng payo. Minsan kasi mahirap magdesisyon mag-isa. 




Padabog kong naibaba ang mga kubyertos. Nawalan ako ng ganang kumain. Masarap pa naman ang nilutong ulam ni Mama. Kalderetang baka kaya 'yon! Favorite ko!





"Ayaw mo ba ng ulam?" Tanong ni Mama sakin.






"Hindi po Ma! Ang sarap sarap nya po e." mapakla akong ngumiti.





"Mabuti naman at nagustuhan mo. Nga pala, halos pagkakadating mo sa bahay, dumidiretso ka na sa kwarto at nagkukulong. Na-iistress ka na naman ba o na-pepressure sa trabaho mo?" malumanay na sabi ni Mama pagkatapos ay sumubo ng pagkain.





Napatahimik ako ng saglit. Parang may kakaiba sa awra ni Mama ngayon. Wala syang make-up, naka-duster at nakapusod pataas ang kanyang buhok gamit ang clam- clip. Nakakapanibago.





" Ayos lang Ma. Wag kayong mag-alala. Kaya ko po yan i-handle." Kumindat pa ako kay Mama.




Ngumiti sya sa akin at pinagpatuloy na ang pag kain. Usually kukulitan pa ako ni Mama tungkol sa mga bagay bagay pero ngayon wala. Tahimik lang siyang kumakain sa harap ko.






" May problema ba Ma?" Matiim kong tinitigan si Mama.




Namumula na ang kanyang mata. May sakit ba sya? Lumapit ako sa pwesto nya para sipatin ang kanyang leeg at noo. Wala naman siyang lagnat.





Nilandas ako ang aking kamay sa kanyang balikat para ipaharap sya sa akin. Ngunit, tumangi sya.



"Ma-" napatigil ako dahil sa narinig kong paghikbi ni Mama. Nanginginig ang aking kamay na nakahawak sa kanyang balikat. Unting unti na syang humarap sa akin at nakita ang lumalandas na malalaking butil ng luha sa kanyang pisngi.




Parang guguho ang mundo ko ng makita na umiiyak si Mama. Gusto kong tanungin kung bakit o anong dahilan pero walang ibang lumabas sa bibig ko. Napaluha narin ako dahil sa emosyon ni Mama.




Niyakap ko siya ng mahigpit at ipinagdasal na sana kung ano man ang problema nya ay masolusyonan. Hindi ko kayang makita si Mama na ganitong kalagayan. Bumagsak ang katawan ni Mama sa akin at nakaramdam ako ng bigat. Sana ako nalang magpasan kung anong pinagdaraanan nya.




"A-anak." Ito nalang ang tangi nyang nasabi bago nawalan ng malay.

Ano mo sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon