Kabanata 15

71 3 1
                                    

Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Mommy. Kanina pa akong nag-iintay na gumalaw ang mainit na kamay nya.



Mabilis ang pintig ng puso nang makitang nawalan ng malay ni Mama kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang oras na iyon. Ang natatandaan ko lang ay sumisigaw ako ng tulong sa kapitbahay.



Hinilig ko ang aking ulo sa hospital bed malapit sa braso ni Mama. Diyos ko. Gisingin nyo po si Mama.



Sa tanang buhay ko simula pagkabata, ako ang laging inaalagaan nya kapag may sakit ako. Ako ang inaasikaso nya. Tanda ko pa nga ang labis na pag-aalala nya noong nagka-dengue ako. Lagi syang nasa tabi ko. Isang gabi pa nga ay nahimigan ko si Mamang humihikbi habang humihingi ng tulong sa Maykapal. Parang may dumadagan sa dibdib ko kapag naaalala ko iyon. Labis ang pag-aalala ni Mama sakin. Ganoon rin ang nararamdaman ko sa panahon na ito.



Paulit ulit akong nagdarasal. Napatigil lang iyon nang may kumatok sa pinto.



"Doc.." pakiramdam ko ay hangin lang ang lumabas sa aking bibig.



"Ikaw ba ang anak nya?" pauna nya saka sinarado ang pinto.


Tumikhim muna ako saka sumagot ng "Opo". Tumayo ako at bahagyang lumapit sa kanya.



"Kamusta po si Mama?" May pagdadalawang isip ko pang tanong. Natatakot ako. Natatakot kung anong posibleng sasabihin ng doktor.




" Wag kang mag-alala. Okay ang Mama mo." Sa pagkakasabi nyang iyon ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib. "Stress at pagod lang sya kaya bumagsak ang katawan nya." inabutan nya ako ng papel. "Niresitahan ko rin ng vitamins at pagkain na dapat nyang kainin." Ngumiti sya sakin na parang sinasabing wala dapat ipag-alala.




"Maraming salamat po, Doc." Impit akong ngumiti pabalik.




"Pag nagising na ang Mama mo, pwede na kayong umuwi." Sabi niya at tuluyang nagpaalam.




Stress at pagod?  Napaisip ako ng malalim kung bakit iyon ang naging findings ng doctor. Anong kina-iistress ni Mama? Si Papa parin ba? Pero alam ko naka-move on sya. HAY! Ako naman ang na-iistress kakaisip ngayon. Basta kung ano man iyon dapat kong malaman at magawan ng paraan. Ayokong makita uli na nakahiga si Mama sa hospital bed dahil bumabalik sakin ang pagkawala ni Papa. Hindi ko papayagan na mawalan ulit ako ng mahal sa buhay.





Ilang oras pa ay nagising na si Mama. Laking pasasalamat ko dahil 'don. Mahigpit ko syang niyakap. Sa higpit 'non ay nagreklamo na sya sakin. Para bang ang tagal ko syang hindi nakapiling. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam basta masaya lang ako na makitang maayos si Mama. Siguro sa susunod ko nalang itatanong lahat ng bagay ng gumugulo sa akin. Ang mahalaga lang sa ngayon ay maayos na si Mama.




Ilang araw ang nakalipas, parang walang nangyari kay Mama. Nag -umpisa na ulit syang kulitin ako kung kailan daw ako magkaka-boyfriend. 

Ano mo sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon