Tunog ng susi ang huli kong narinig bago tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ayoko talaga ng ganitong pakiramdam. Pinaasa ka lang. Nag-expect ka ng sobra pero wala naman pala.
Mabilis lumapit sakin si Mama at mahigpit nya akong niyakap. Siguro nga nagugustuhan ko na si Ken kaya nasasaktan ako ngayon.
"Ano ka ba naman! Ang lamig lamig dito sa labas. Lika pasok na tayo." inaya ako ni Mama na maupo sa Sala.
Hindi kami ng salita. Patuloy lang ako sa mahinang paghikbi. Si Mama ay hinahagod ang aking likod. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita na si Mama.
"Ang mabuti pa, magpalit ka na ng damit sa taas. Hindi ka pwede na pumasok bukas na mugto ang mata.." Tumango ako bilang sagot.
"Saka pala, ito.. " binigay nya sakin ang malamig na paper bag.
"bumili ako ng ice cream. Favotite mo!" aniya bago sya pumuntang banyo.
Pinunasan ko ang aking mata. Para akong ewan.. ito na ba ang feeling ng brokenhearted? Ang babaw lang na dahilan pero sobrang sakit.
Umakyat na ako sa taas. Kinuha ko ang cellphone ko. Ito na naman ako titignan kung may mensahe sya. Ngunit wala talaga. Binuhos ko lahat ng sama ng loob sa pagkain ng sorbetes. Ayoko ng mag-isip pa dahil baka maka-apekto ito bukas pagpasok ko.
Maulan na umaga ang bumungad sakin. Sinabi rin sakin ni Mama na suspended ang klase dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa kagabi. Hay naku! Pati ulan nakiki-ayon sa nararamdaman ko.
Kahit suspended ang klase, may pasok parin kami at kailangan mag-report. Maya-maya pa ay naghanda na ako para pumasok.
Tutal malapit lang naman ang school sa bahay ay nilalakad ko lang ito. Araw araw ay para narin akong nag-walking exercise.
Mabuti nalang may bahagyang humina ang ulan. Dahan dahan akong lalakad sa maputik na kalsada. Ang nakakainis pa, mayroon malaking karatola na ng slow down sa tapat ng paaralan pero hindi naman nasusunod. Kaya kapag may dumarating na sasakyan paniguradong tatalsik ng putik sa iyong pantalon.
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
Short StoryMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?