Kabanata 5

102 2 1
                                    


Nag-sent  sya sakin ng isang video. Ipin-lay ko ito. Umalingaw-ngaw ang nakakatuwang beat ng kanta na may lyrics na 'Dame Tu Cosita'. Hindi ko malaman kung palaka ba ang sumasayaw o alien sa saliw ng kanta. May nanatuwa rin itong dance step.



Ini-scoll ko pababa pagkatapos ang video. May iniwan syang chat na...



'Sorry. Wrong sent. Sa pamangkin ko dapat 'yan isesend.' paghingi nya ng paumanhin. Tiningnan ko kung anong oras ko natanggap ang mensahe. Wala pang fifteen minutes ang nakakalipas. 



Nagsend lang ako ng 'Blue Thumbs-Up' sa kanya. Dahil na-curious ko. I-clinick ko ang picture nya.



Nanlaki ang mata ko ng makita ang larawan. S-sya.... S-sya ang tito ni John!



Napabalikwas akong muli sa aking higaan. Hindi ko mapigilan mahawakan ang aking bibig dahil 'don. Paanong...




Nakita kong naka-berde ang buton malapit sa kanyang pangalan. My God naka-online na sya.



Nag-iba bigla ang pakiramdam ko. P-parang.... para akong lalagnatin na kung ano. Ewan ko ba sa puso ko bigla nalang bumilis ang tibok. Sira lang di ba?




'typing....' 




Nanlaki ang mga mata ko. W-What to do? What to do? LOG-OUT!




Pero bago pa ako maka-log-out ay nagpadala muli sya ng isang picture. Screenshot to be exact na may kasamang smirking face emoji. Shoookt!




Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa screenshot na iyon. What the...  Nakalagay sa larawan ang chat ko na 'Are you free? Free to date with me."  My God!




Paano ko lulusutan to! W-hat to do? What to do? Think!



Huminga ako ng malalim bago sumagot sa chat nya.



' Are you sure that's me?'



typing...



'Yes. No one else.'




Paanong naging ako iyon, sa pagkatanda ko wala aking chinachat-....



Shocks! Si Mama nga pala! 



Gumawa sya ng another account ko sa Facebook na katulad na katulad sakin. Isa nga siya sa chinat nito. Pero agad agad ko rin naman 'deni-activate ang account na 'yon simula ng mahuli ko si Mama.   Yare ako ngayon! Jusme! Juskolord!



Sabihin ko nalang sa kanya ang totoo. For sure maiintindihan naman nya. I hope so..




"Sorry. Hindi po ako ang may hawak ng account na yan, si Mama. Sensya na sa abala." and I hit the send button. Iba-block ko na sana sya kaso nag chat sya ulit.




"I see.. So, you're not free anymore?" Huh?Alam ko na!TSK!




"Oo. I'am sorry." BLOCKED!



Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkapahiya? Biglang uminit kasi ang mukha ko dahil sa nangyari. Kagagawan 'to ni Mama! Naihagis ko pa ang unan ko sa ere.




Tumayo na ako at nagligpit ng papel sa aking kama. Ipinasok ko ang laptop sa loob ng bag pati narin ang charger at mouse nito.



Feeling ko kailangan ko ng maligo para mawala ang init sa katawan ko.

Ano mo sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon