"Pili ka dito, Jayra." itinuro sakin ni Jea ang halera ng inumin na nasa kanyang kaliwa. Pinili ko lang ay juice na may yellow-orange na kulay.
"Woah!! Let's party!" sigaw ni Dolly habang yumuyugyog sa saliw ng musika. Nakataas pa ang kanyang kamay na kala mo ay may pinaglalaban.
"Sa wakas, nakita ko rin kayo!" sulpot samin ni Tala. Medyo may hingal nya pang sabi samin.
" Ang tagal mo kaya, Girl" reklamo ni Dolly.
"Sa taas daw tayo!" Sinundan lang namin ang daan ni Tala.
Halos wala akong bukang bibig kundi 'Sorry. Excuse me po' sa lahat ng nakakagitgitan ko. Pero parang balewala lang sa kanila 'yon. Parang natural na lang sa kanila na magkabanggaan ng balikat o ano. Siguro halos araw araw na rin sila dito. Sa tingin ko.
Huminga ako ng malalim ng paakyat na kami sa hagdan. Feeling ko ang gulo gulo ng buhok kong nakalugay kaya sinuklay ko iyon pataas gamit ang kamay. Inubos ko na ang hawak kong juice na ipinatong sa dinaanan naming lamesa.
"Saan ba si Emir?" tanong ni Jea.
"Sabi nya nasa bukana lang siya nitong secong floor." sabi nya habang palinga linga.
Hindi ko na narinig ang sinasabi nila dahil naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Mama. Shocks! Nakalimutan kong magpaalam sa kanya. Paano ba naman biglaan ang lakad namin.
Kinalabit ko si Dolly at itinuro ang cellphone ko. Nakita nyang si Mama ang nasa telepono ko. Tumango sya at hinila ang pulso ko para hindi makahiwalay sa kanilang paglalakad habang kausap si Mama.
"Ma?" paunang sagot ko.
"Nasaan ka?"
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
القصة القصيرةMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?