"I-ikaw?" nakaturo nyang sabi sa akin. Hindi ko naman kilala ang isang to. Hindi ko alam kung nang-iinis ba sya o ano. Hay..
"Opo Sir. A-ako nga po ang adviser ni John." mapakla akong ngumiti. Tila gumuguhit parin sa kanya ang pagkagulat. Ibinababa nya na ang kamay nyang nakaturo sa akin.
"A-ahh hindi.. What I mean is, ikaw yung naka...." napatigil sya dahil may kumatok sa pintuang gawa sa matigas na kahoy.
"Mama!" pagtawag ni John. Nakangiting sinalubong ng ina ang kanyang anak. I still remember 'nong bata ako kapag sinusundo ako ni Papa.
"Ate Malou.." mahinang tawag ng lalake malapit sa akin. Sa lapit nya ay naamoy ko pa ang matapang nyang pabango. Napabaling ako sa kanya. Ang kanyang mukha ay napabaling sa mag-ina. Napansin ko ang matangos nyang ilong at maninipis na labi.
Unti-unting lumapit sa kinaroroonan namin ang mag-ina. Si John ay kapit-tuko na sa kanya ina. Parang ganito rin ako kay Papa. Para bang ang haba-haba ng araw na hindi kami nagkita.
" Magandang Hapon po Ma'am Jayra. Pagpasensyahan nyo na po kung makulit naman ang anak ko." wika nya. Mabilis akong umiling.
" Wag po kayong mag-alala. Bait po itong si John." balik ko sa kanya. Nakita kong gumalaw ang lalake nasa tabi ko. Siya ang lalaking version ng Mama ni John. Hindi rin kataka-taka na nagmana si John sa partido ng Mama nya.
" Alam mo Ma. Binigyan ako ni Teacher ng pagkain kanina. ...." May sinasabi si John na hindi ko maintindihan dahil sinundan ko ng tingin ang Tito nya kung saan pupunta.
Pinagmamasdan nya ang bulletin board na gawa sa kahoy. Gawa iyon ng isa sa mga magulang ng bata ko. Hinawakan pa nya isa-isa ang apat na kahoy na nakadikit sa dingding.
"....ang tagal mo kasing dumating, sumakit tuloy ang tiyan ko buti nalang ....." Hindi pa sya nakuntento at punta pa sa mini library ng silid. May kinuha syang aklat at ibinalik nya rin sa ayos pagkatapos.
"...mabait si Teacher kaya binigyan ako." mabilis akong bumaling kay John nang tawagin nya ako. Gumuhit ang pagkabigla sa Mama ni John dahil sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
Short StoryMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?