"Antok na antok ka a." humikab ulit ako bago sumagot kay Miss Joanne ng " Oo nga. Ewan ko ba."
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Para bang may umiinang sa utak ko. Sabi pa ako ni Mama hindi nya daw ako makausap ng matino. Puro tango lang daw ang sagot ko sa bawat tanong nya. Hindi ko rin alam..
Nakaharap ako sa stage at pinanonood ang pagsayaw ng mga bata sa nakaka-indak na tono. Sayaw na para ka na rin nag-eehersisyo. Sinasabayan pa ng mga bata ang lyrics sa kanta ng 'She gave me Katchi, all night long.'
"Hay." Ito nalang ang tanging lumabas sa aking bibig. Akala ko maaalis ang aking paghikab ng malalim na pahinga. Akala ko lang pala.
Habang padagdag ng padagdag ang oras ay lalong bumibigat ang aking ulo. Animo ay may nakadagan dito pati narin sa aking mag mata.
Hanggang magtanghalian ay ganoon parin ang pakiramdam ko. Para akong pinaghehele ng malamig na hangin galing sa bentelador na nasa aking gilid.
This can't be! May meeting pa ako mamaya! Mawawala ako sa konsentrasyon. Paano na to!
Halos mag-iisang oras nalang at mag sisimula na ang meeting namin. Naka-set up na ang lahat. Itong isip ko nalang ang hindi. Nakakainis! Ito ang pakiramdam ng bangag.
"Cher Jayra, pinabibigay po ng basketbolista sa labas." Ibinigay ni Roel sa akin ang shake na hawak.
"Ha? Sino?"
"Di ko po kilala kung sino cher. Basta po matangkad. Parang basketbolista." Sino naman magbibigay sakin nang ganito? Naku! Baka modus to! Baka mamaya may lason or whatever na inihalo dito.
Napansin ko ang nakasulat sa lalagyan.
Hope it will take away your stress. -KV.
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
Short StoryMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?