Nakalipas na ang tatlong araw matapos kong malaman na hiwalay na si Miss Joanne at ang dati nyang boyfriend na si Gio. Ewan ko ba kung anong meron sakin, dahil patuloy parin akong kumakapit na magkakabalikan sila.
Naiintindihan ko kasi ang rason ni Gio kung bakit sya nagdesiyon na pumuntang London. It is a great opportunity for their great future.
But then, there's part on Joanne na masakit. Masakit iwan ng mahal at piliin ang lumayo para sa trabaho.
So many questions are popping on my head. Masama bang maghangad ng magandang oportunidad? Are you gonna waste a certain opportunity which will make you grow? Are you gonna choose to hurt someone you love for this matter? Will your conscience take this? Or you just realize you can do both things, love, and career, but it's already too late?
Nakadipa akong gumagawa ng presentation sa aking kama. Sabado ngayon at kailangan ko itong asikasuhin para sa nalalapit na Card Giving and meeting ko narin ng mga magulang ng aking mga bata.
May rainbow theme background, malalaking letra at mga animation sa bawat slides na ginawa ko. Nakalagay dito ang mga impormasyon na dapat malaman ng mga magulang tulad ng Grading System, Awards and Ranking Policy pati narin ang reminders ko sa magulang patungkol sa problema sa bata in terms of Academics and Behavior.
First Grading palang at nakikita ko na kaya pang pataasin ng aking mga bata ang kanilang grado. Nakakatuwa lang isipin na lahat sila ay pasado at hindi ka kailangang mag-remedial class tuwing uwian sa hapon.
Nasa huling slide na akong presentation, kung saan binabago ko ang font size and style ng mga letra sa slide nang may biglang kumatok sa pinto.
"Uhm.. pasok." nakangalumbaba kong sabi.
"Jai.." may himig na tawag sakin ni Mama. Napangunot ako ng noo at umayos para umupo. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan nya. Mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko.
"Bagay ba? Ha? Ha?" umarte pa syang parang model sa harap ko at umikot.
"Ma! Ano ba yang suot mo?! Feeling nagdadalaga?" naikumpas ko pa ang kamay ko simula sa ulo nya hanggang paa. Paano ba naman naka-sleeveless syang puti na may nakatatag na 'Guess' sa unahan. Naka-tack-in iyon sa hapit na hapit nyang black high-waist jeans na tinernuhan ng puti'ng 'Adidas' na sapatos. May bandana pa sa ulo na kulay pula.
"Bakit? Ang ganda nga e. Nakita ko sa Facebook ganito ang mga usong sinusuot ng kabataan ngayon."
"Ma, hindi naman pagsinabing uso, babagay sayo. Ano ba!" napatayo ako sa aking kama.
" Tse. Inggit ka lang. May tawag dito ko e... Ano nga ang tawag sa mga nagsusuot ng ganito... H-high... H-high..." hirap na hirap syang sabihin.
"Hype-beast!"
"Tama! 'Yon nga 'yon." lumapit sya sa whole body mirror ko. Umikot muli sya sa harap nito.
"Pwede ba 'Ma magpalit ka nga! Hindi bagay sayo yan! Saan ka naman ba pupunta?" napapadyak kong sabi.
"Sa palengke. Wala na tayong ulam. Tse! Ayaw ko magpalit." Nagmartsa syang umalis sa kwarto ko. Napahilot ako sa aking sintido at muling bumalik sa pagkakadipa sa aking kama. Si Mama talaga.
Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Makaraan ang ilang minute ay isinave ko na ang presentation ko. Ready'ng ready na talaga.
Ishu-shutdown ko na sana ang laptop ko nang mapatigil ako. May nagpop-out na notification galing sa Facebook.
'Someone tagged you in the post'
Pinindot ko iyon. Medyo mabagal pang mag-loloading ang internet namin. Alam na... Maulan daw kasi.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga selfie ni Mama sa kalsada. Nangiting labas ang ngipin, nakatikom ang bibig, nakadila at naka-peace sign nyang picture. My God!
'#HypebeastingIsLIFE xOxO :p'
Napasabunot nalang ako dahil sa sunod-sunod na notifications na natatanggap ko. 'Hay... Papa tignan mo pinaggagagawa ni Mama.'
May ilan akong natanggap na message mula sa mga katrabaho ko. Nagtatanong kung anong format ng presentation. Ang ilan naman ay sa groups 'nong high school ako at 'nong college.
Napansin ako ang pula sa taas ng mga messages. Ngayon lang ako nagka-meron ng Requested Message galing sa taong hindi ko naman in-Add as a friend.
Pinindot ko iyon. Napakunot ako dahil wala naman akong kilalang Ken Villaverde sa tanang buhay ko.
'Allow or Decline'
Wala namang masama kung i-allow ko. I-block ko nalang kapag scrammer ang isang to.
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
Short StoryMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?