Birthday n'ya pala. Wala man lamang akong ibibigay na regalo sa kanya. Umikot ako sa harap ng salamin. Pinlantsa ko pa ng tingin ang kabuuan ko. Napatigil lang iyon ng bumukas ang pinto.
Lumitaw ang ulo ni Mama. Natutuwa lang dahil hindi ko na sya nakikitang umiiyak o naririnig na humahagulhol tuwing madaling araw. Noong nakaraang araw kasi ay nahuhuli ko sya sa ganoong estado. Kung magagawan ko ng paraan ay ayokong makita ulit syang malungkot at may dinadamdam. Parang kasing may tumutusok sa dibdib ko.
Ayokong pangunahan si Mama kung ano ang tunay na rason ng problema nya. Itinuro sakin ni Papa na hindi lahat ng bagay ay kailangan malaman sa madaling panahon. Kusa itong pumapasok sa'yo sa pag baybay ng panahon. Kaya wag natin ipilit na bakit hindi pa ngayon ang bukas. Dapat marunong tayong maghintay dahil darating yan in God's perfect timing.
"Ang ganda naman ng anak ko." aniya at hinaplos ang kulot kong buhok.
"Syempre Ma, kanino pa ba magmamana?"
"SAKIN!" may pagtaas pa na kamay nyang sabi.
"Syempre kay Papa. Hahahaha" Humagalpak ako ng tawa. Bumusangot naman sya sakin.
"Tse. Edi sana hindi ka maganda."
"Joke lang. Hahaha" pagbibiro ko kay Mama.
"Magsuot ka lagi ng dress. Bagay sayo. Ikaw lang itong nag-iinarte." aniya. Pinasadahan kong uli ang aking sarili. Nakasuot ako ng Beige Cotton Row Ney Stripe Button Bustier Dress na nabili ko online.
Tama nga si Mama. I should often wear clothes like this. Masyado raw kasi akong pa-Manang lagi. That's her term. Hindi ba pwedeng conservative lang?
"Di ba nasabi mo sakin kanina na may birthday kang pupuntahan?"
"Uh-hmm." sabi ko habang naglalagay ng manipis na lipstick.
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
Short StoryMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?