My profession is the MOST of the MOST NOVEL profession of ALL. Hindi biro ang pag-dadaanan mo. Sabi nga nila, marami ka ngangataing bigas at kailangan mong magdildil ng asin, mamuhunan ng eyebags at pimples bago ka makapagtapos.
You will do impossible things possible. Parang bang dumaan ka sa butas ng karayom bago ka makalampas. Masyadong exaggerating pero ito talaga ang totoo. Patunay ako sa bagay na yan.
Pasalamat ako sa mga ka-batchmates ko na walang sayang sumuporta sa lahat ng mga reports, quizes, exams at demo ko. We are exercising "One for all, All for one." Para sa ekonomiya!
Dati, hindi ako magkapagdesisyon kung anong kursong kukuhanin ko. Meron kasi akong shyness na nararamdaman lagi kapag mag-isa lang ako. Kaya naman kung nasaan ang barkada ko, nandoon din ako. Wala akong isang desisyon kundi nakadepende lang sa barkada. Ayoko lang ang feeling na alone ka.
Isang beses nga nakonyatan ako ni Mama. Nag-entrance kami sa isang pampublikong kolehiyo sa syudad namin. Dapat daw mag-white shirt at maong pants ang suotin. Bitbit-bitbit ko pa ang Form 137, good moral conduct at 2x2 picture ko. Humingi pa ako ng pamasahe at pangkain kay Mama.
Bago kami magsimulang mag-exam, may finill-up-an pa kami. May nakalagay 'don na: 'COURSE: First option___ Second option___'. Palibhasa buntot ako sa kabarkada ko inilagay ko kung anong nilagay nila.
'First Option: Bachelor of Elem. Educ. Second Option: BSIT'
I wrote it the way my friends wrote it. Parang walang desisyon, di ba? Kahit isa sa sinulat ko hindi ko alam. Wala akong idea. Sa Elem achuchuchu at Information keme na 'yon. Kaya pagputok ng bola, ang mga kabarkada ko pasado at ako nganga.
Kaya si Mama, tigre ang peg.
Pero awa ng Diyos kahit nag-iisa, nag-enroll ako sa private school malapit din 'don. Kinuha ko ang first option ko. Ang Elementary Education. No choice. Kahit gusto ko na kasama sila, siguro tadhana na ang nagdikta na I need to stand on my own. Hindi raw dapat na lagi akong naka-asa sa mga kaibigan. They have their own lives so as mine.
'Ang lahat ng bagay ay natutunan." Hindi nalang sya isang OPTION para sakin. Isa syang commitment na dapat mong isa-puso. Kapag minahal mo sya, mamahalin ka rin nya pabalik.
Kaya, I SALUTE those who are in the field and still pursuing the education field. Even if, you started confused and not so sure about your course in the first place, why not give it a try and see what happened.
Katulad ko, in the first week of studying lagi kong itinatatak sa isip na" Kinuha ko lang naman to kasi sabi ng nanay ko." o kaya naman " No choice e." But, when my professor once said: "Bakit hindi mo i-accept yung kursong kinuha mo para hindi ka mahirapan na kaka-shift? Yan tuloy nagiging irregular at seat-in ka sa iba. Unleased the negative mindset." At ay'on na nga po ang ginawa ko.
Inisip ko lang na "Magugustuhan ko 'tong course ko." o kaya naman I tried to find many reasons para magustuhan at i-embrace ang course ko. Because of that I garduated with flying colors. I accepted the challenge and everything went well.
The challenge that you are teaching beginning learners, their first stepping stone through their success. Not only to teach in a subject matter BUT ALSO to APPLY that learning in the REALITY, in real life situation.
"Teacher... Teacher Jayra, pwede po bang pabukas?" sabi ni Hridayesha habang ibinibigay ang rebisco nyang hawak. Kumuha ako ng gunting na gawa sa plastik at ini-abot sa kanya.
We are the facilitator of learning. We should encourage them to explore new things on their own. Hindi puro tayo ang gumagawa at laging spoon-feeding ang ganap. Let them learn thru experience.
"Ma'am, ilang taon na po kayo?" tanong ni Aling Cecil, lola ng isang estudyante ko.
"22 pa lang po 'Nay." nakangiti kong sagot.
" Naku, ki-bata mo pa pala. May boyfriend ka na ba?" How I wish 'OO' ang sagot ko pero...
"'Nay, wala pa po." nahihiya kong sabi. Naglingunan kasi ang iba pang tao na nasa loob ng silid. Narinig siguro nila. Hay!
"Ganon ba? Dapat magka-boyfriend ka na! Mahihirapan ka na pag naglaon. Wag ka namang sanang sumali pa sa pederasyon ng mga guro na single for life." napakagat nalang ako sa labi at bumaling ng tingin sa mga magulang na napahagikgik.
"Hindi naman po siguro. Baka naman 'Nay, may kakilala ka o." patudyo kong sabi.
"Meron kaso baka mataas standards mo. Pati baka mahiya pagsinabi kong Teacher ka." tumawa nalang ako sa kanya. Nagpalitan kami ng paalam.
Lagi kong kabidahan sa hapon si Aling Cecil. Apo nya si Hridayesha. Kinup-kop nya na matapos mawala ang tatay at nanay sa isang aksidente. Napakamapagmahal at napakasipag.
"Miss Jayra, excuse. Pinatawag po kayo ni Miss Jahara sa Office . Thank you po." padungaw na sabi ng anak ng principal namin.
" Okay. Thank you."
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
Cerita PendekMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?