Kabanata 6

101 2 1
                                    

Kinagabihan, nagkayayaan kami ng mga kabarkada ko 'nong high school na magpunta sa UPTC. Si Tala, CPA, si Jea, LPT kagaya ko, at si Domien aka Dolly, na manager ng isang fastfood chain. Nakakatuwang isipin na parang kailan lang na mga 'nene at toto' pa kami noon na umaasa sa biyaya ng magulang para maka-gala. Ngayon, kumikita na kami para pang-gala at makatulong sa pamilya.






"Saan tayo mga friend?" tanong ni Dolly sabay akbay sa akin. Dolly, kami lang ang nakakatawag sa kanya ng ganyan kasi kung titignan para syang tigasin na lalaki dahil sa kanyang pananamit. And sa working place nya rin, isa syang respetadong 'Sir'.






"Gusto nyo bang magkape?" sabi ni Tala habang panay pindot ng pindot sa cellphone nya.






"Juskolord! Ayoko! Purgang-purga na ako sa kape pagmagkakasama tayo." napalakas ang boses ni Jea dahil 'don. May ilang napatingin samin na nakaupo sa bench.






"Heavy meal? Keri?" tanong ko. Sabay sabay silang tumango. "Casa Verde tayo." hindi sila umangal at sumang-ayon sila. Alam ko naman na galing pa silang work at gutom sila. Kailangan nilang malamanan mga sikmura nila kahit papaano.




Humanap kami ng upuan na pang-apat-an. Nakakita kami sa bandang gitna. Magkaharapan kami ni Tala at Jea at katabi ko naman si Dolly. Ayoko man 'don pero no choice dahil iyon lang ang bakante. Umorder na si Dolly nga pagkain namin. Sabi nya, sya ang taya. Lumawak naman ang ngiti namin dahil 'don. You're so lucky, my lovely wallet.






"Tigilan mo yang pag-cecellphone mo Tala! Kanina ka pa ha! Di ka namin makausap ng ayos!" kinuha ni Jea ang cellphone ni Tala at ibinigay at Dolly. Ipinasok naman nya ito sa bag ko na nasa tabi nya.




"Tae na naman o! Oy, ibigay mo nga yan sakin!" nakabusangot na hinampas ni Tala ang katabing si Jea. Pilit nyang inaabot kay Dolly na nasa kabilang banda. Hindi nya maabot kaya no choice syang manahimik nalang. Nagtawanan kaming tatlo. Wala parin talagang nagbabago.




"Bakit ba kasi panay-panay cellphone ka? Ngayon na nalang ulit tayo nagkita kita. Halos isang buwan din 'yon ha! Tapos, nakatutok ka pa dyan sa cellphone mo. Kaka-irita kaya." sabi ni Jea.








"Kaya nga! Bakit ba, ateng? May problema ba?" pakiki-usyoso rin ni Dolly.






" Paano ba naman si Emir..." hindi pa sya nakakatapos nag-react na agad kami ng 'ayan na nga ba sinasabi ko..'






"'Di ka kasi nakikinig samin, hindi matino yang lalaking yan!" dagdag ni Dolly.




"Ano ba kasing nangyari? Anong meron?" tanong ko sabay pangalumbaba sa kanya.






"Sabi nya kasi kanina nasa work pa sya at baka gabihin daw. Pero nakita ko ang IG stories ni Mercy, nandon sya. Nakiki-party at nakikipag-inuman sa kanila. Message, tawag, video call, lahat na! Hindi sya sumagot sakin kanina pa!"




"Naku girl! Alam na this! Ilan beses ka pa bang gagaguhin ng lalaking yan? Strike 2 na sya ha! Noong una nagsinungaling din sya sayo na may meeting pa sya hanggang gabi. Pero ano? nakita natin sya at si Mercy na yan dito rin sa UPTC, di ba? Jiba na yan Mars! Baka gumagawa sila ni Mercy ng milagro!" Ayoko rin sa lalaking 'yon. Masyadong brusko at feeling ko hindi katiwa-tiwala ang mga sinasabi nya base na rin sa pananalita at kilos nya. Mahirap mag-judge pero iyon talaga ang first impression ko.






" Hindi ko rin alam. Naguguluhan ako. Pero sabi naman nya 'non na may kailangan silang tagpuin na kleyente. Di ba secretary nya si Mercy kaya sinama nya daw."






"Parang masyado namang palasak na ang linya na 'yan. Parang sa pelikula at teleserye ko yan naririnig. Hindi naman sa hindi ko sya pinaniniwalaan ha.." pagbibigay ko ng opinyon.






"May patunay naman syang may tinagpo talaga sila. Nasa cellphone ko 'yon e. Ibigay mo na nga sakin!" ini-abot ko sa kanya. Hinarap nya samin ang larawan. Hindi ko masyadong maaninag dahil kinuha na agad ni Dolly.






"Hay naku! Malay mo friend nya lang to and nagpa-pic lang sila. Pero, impernes ha! ang yummy rin ng isang to ha!" humagikgik sya.






"May I see, Mars?" na-excite naman si Jea.




"Hoy, ateng! Taken ka na. Akin nalang to no!" pag-iiwas ni Dolly.






"Sira ka! Kahit na! Patingin lang." Hinablot ni Jea ang cellphone ni Tala kay Dolly.








"Ayyy!! Yum yum yum nga! HAHAHA!" Sira talaga. Sabay pa talaga silang nag-apir-an. Sakto naman ang pagdating ng pag-kain namin. Halos mapuno ng pag-kain ang buong lamesa namin.






Kahit papaano ay tumatawa naman si Tala dahil sa dalawa. Nanahimik naman sila dahil sila ang abala sa pag-aayos ng pagkain. Syempre pang- INSTA FEED nila. Mga friends mong uunahin ang picturan ang pagkain bago ang sikmura.






Nilapag ni Dolly ang cellphone ni Tala sa harap ko. Nakabukas pa ito sa larawan na tinitignan nila kanina. Kinuha ko iyon at pinagmasdan ng matagal. Kapansin pansin ang hapit na hapit na ilim na damit ni Mercy. Malawak ang ngiti nya. Pinag-gigitnaan ang boyfriend ni Tala na naka-semi-casual. Naka-akbay sya sa kasing tangkad niyang lalaki na may magandang pangangatawan.








'Teka.. parang kilala ko to a...'  Tinitigan ko ng mabuti ang larawan. May pagka-blurred kasi ito at nasa madilim na background. 'Zoom in ko na nga lang.'






OH MY GOD! Napataas ang dalawang kilay ko sa panlalaki ng mata.








Oh common! Siya na naman? Sinasabi ko na nga ba at parang pamilyar sya sakin.. Tsk! Kahawig kasi sya ni John. 





















Ano mo sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon