Isa-isang naglapitan ang mga magulang sakin para magtanong sa kanilang mga anak. Wala naman akong ibang sinabi kundi ang magagandang bagay sa kanila.Masarap sa pakiramdam para sa magulang na marinig sa iba na mahusay at magaling ang kanilang anak. Repleksyon iyon kung paano nila ito pinalaki sa kanilang tahanan.
Noong elementary ako, si Papa ang laging uma-attend ng meeting sa school. Busy kasi si Mama sa work nya kaya si Papa ang laging pumupunta. Sumasariwa pa sakin ang malawak na ngiti ni Papa kapag hawak nya na ang card ko. Kahit may line of 7 masaya parin sya kasi alam nyang ginawa ko naman ang best ko. Natutuwa parin sya kasi may maganda naman komento ang teacher ko sa card. Lagi pa nya akong dinadala sa Jollibee kapag katapos kaya lagi akong looking forward kapag bigayan ng card.
" Maraming salamat po Ma'am. " sabi ni Aling Carol pagkatapos makita ang grado ng anak.
"Naku, wala po 'yon. Ako po dapat magpasalamat kasi pinagkatiwalaan nyo po ako sa anak nyo." saad ko sa kanya.
Ilan pang magulang ang nakipag-usap at nagpasalamat sakin. Makikita mo na masaya silang lahat sa resulta ng kanilang pagod. Hindi naman ako madamot, binibigay ko lang kung anong nararapat para sa kanila.
"Hello po Ma'am!" bati ng malaking mama sa akin.
"Hello po Sir." Mabilis kong sagot.
"Ako nga po pala ang kapatid ni Miguel. Schoolmate ko ho tayo noong College." sabi nya at inabot ang kamay sa akin. Tinangap ko iyon at nakipagkamay.
"Oh! Ano 'hong department kayo?"
" BSBA Dept. Pinsan ko si Alex Candelaria, ka-block mo. First year kayo, third year na ako. "
" Talaga? Kamusta na si Alex? Small world!" Ang galing naman! Napaisip ko kung nakita ko na ba sya dati sa school o nakasalubong man lang.
"Okay naman po. Nasa Dubai po sya nagtuturo. Small world talaga Ma'am, tanda nyo po ba noong Sportsfest natin na muntik hindi matuloy kasi may bagyo?" pagtatanong nya.
"Ayy, oo! Siguro 2013 'yon, second year na kami. Binaha sa school kaya pinostponed nila ng one week para matuloy."
"Oho, kasali ako sa lumaban sa Volleyball Boys ng Department namin. Kalaban namin ang Department nyo noong Finals. "
"Oo nga! Naalala ko na. Ka-team mo si Lloyd, di ba?"
"Hahaha.. pati ba ikaw? Iba talaga si Lloyd!" Naging campus crush kasi si Lloyd simula nang naglaro sya ng Volleyball. Gwapong spiker ng JPIA Organization. Nagtawanan nalang kami.
"Ahh..Excuse me. Tapos na kayo?" pagsingit ni Ken na animo may aambahan. Anong problema nya? Bakit nakabusangot sya?
"Pasensya na. Tapos na." sagot ng kapatid ni Miguel kay Ken. "Salamat po ulit Ma'am! Sa susunod po ulit." baling naman nya sa akin. Ngumiti ako at sumagot ng tango. Umalis na sya ng dahan dahan sa kanyang pwesto. Hinatid ko pa sya ng tingin hanggang makalabas ng pinto.
Nawala ang ngiti ko nang tumikhim ang lalaking nasa harapan ko. Tinaasan ko sya ng kilay at inintay na magsalita.
"Good Afternoon po Ma'am." nakasimangot parin nyang sabi. Iba din! Anong 'Good'?, para namang hindi para sakanya.
"Good Afternoon Sir." nahawa ako sa trip nya. Kaya binati ko sya sa paraan kung paano nya ako binati.
"Nakakatuwa naman po ang grade ng pamangkin ko. Alam ko kaya nya pang mapataas to." labas sa ilong nyang sabi. Aba! Itong lalaki tong kung makairap wagas! Ano na naman bang problema nya?
"May problema ba Sir?" Hindi matiis ng dila ko na tanungin sya. Feeling ko meron! Malaki ang problema nya!
"Oo meron. Binigyan kita ng shake pero tinunaw mo lang sa tabi ng basurahan. Tapos, parang wala na kayong bukas kung mag-usap 'non lalaki kanina." mahinang pagngingitngit nya.
Napa-nganga ako sa litanya nya. Juskolord! Pero di ba....
"Ken!" napatigil ako. Sabay kaming palingon sa aming kanan.
"Aling Cecil! Kamusta po. Tagal din po nating hindi nagkita a." nag-apiran pa sila sa harap ko.
"Oo nga e. Busy lang sa maliit naming tindahan." tiningin sya sakin. "Hello po Ma'am, thank you po sa pag-tuturo kay Hridayesha." nakangiti nyang sabi.
"Ma'am, tanda nyo pa po noon na sinabi ko sainyo na may irereto ako? Si Ken po pala. Pero parang magkakilala na kayo nitong si Pogi." may panunukso sa kanyang tono.
"Ahh, hindi po. Ngayon ko lang po sya nakilala." mabilis kong sabi at pinandilatan si Ken para sumang-ayon. Ngunit nakakaloko nya akong nginitian.
"Hindi po. Medyo matagal ko na rin syang kilala. Nililigawan ko na rin po sya." Halos bumagsak ang panga ko sa lupa dahil sa sagot nya. WHAT THE! Anong nakain nya?
"Teka, anong sinasabi mo? Tumigil ka nga!" nahampas ko tuloy sya sa braso. "Wag po kayong magpapaniwala sa lalaking to." napa-irap ako.
"Wag rin po kayong magpapaniwala sa kanya." sagot nya saka tumawa ng malakas. Nakakuha tuloy kami ng atensyon sa mga magulang na nasa loob pa ng silid.
"Ang gulo nyong dalawa! May LQ ba kayo? Naku! Ken, ayusin mo yan!" patawa tawang sabi ni Aling Cecil. Sabay pa kaming sumagot. Sabi ko "Wala po" at sya naman ay "Opo".
"Sige po Ma'am mauna na po ako." panunuksong siniko nya si Ken bago umalis. Ang ilan pang magulang ay humahagikgik. Siguro ay na-gets nila kung anong meron. TSK! Nakakasira ng image to ha! Huminga ako ng malalim bago bumaling muli sa kanya.
"Meron ka pa po bang kailangan, Sir?" ngumiti ako ng pilit.
"Pagsinabi ko ba ibibigay mo?" paghahamon nya.
"Pagbinigay ko ba, lulubayan mo na ako?"
"Hindi mo naman ako binabasted, di ba?" gusto kong sabunutan ang sarili ko.
"Teka nga! Di ba may girlfriend ka na? Nilalandi mo pa si Miss Bianca! Tapos, ako? Grabe ka lang no!" napakunot sya.
"Sinong may sabi sa'yong may girlfriend ako? At si Miss Bianca, kababata ko sya."
Hinilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. Mabuti nalang ay kami nalang ang tao sa loob ng silid. Nagsunuran na kasi silang lumabas kasama si Aling Cecil.
"Girlfriend mo 'yong katabi mo sa bar noong nakaraan di ba? Tapos nag chat ka pa sa ka-co-teacher ko na katulad ng sinulat mo sakin sa bulaklak." pinipigilan kong lakasan ang boses ko.
"Ano ka ba, wala akong girlfriend. 'Yong babae sa bar, ginamit ko lang 'yon para pagselosin ka. Para makita ko kung naaapektuhan ka rin ba kung meron akong kasamang iba. Pati si Bianca? Nagpatulong ako sa kanya kung anong magandang ilagay sa card ng bulaklak. Bakit anong iniisip mo? Nagseselos ka no!" panunukso pa nya.
"Sira ka ba? Tumigil ka nga!" hahampasin ko pa sana sya sa kanyang dibdib pero maagap nya itong pinigilan. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero mahigpit nya itong hinawakan.
"Pagsinabi ko bang 'OO', sasagutin mo na ako?"
BINABASA MO ANG
Ano mo sya?
Short StoryMapapatanong sa sarili. Napapaisip. Hindi mo natiis kaya itinanong mo sa kanya. Ano mo sya?