Chapter 1

770 7 1
                                    

Jamie's POV

First day of school pala ngayon. Kailangan maaga ako pumasok. Pero bago ang lahat, gigisingin ko muna si Janine at Jiro, ang nakababata kong kapatid na lalaki ^_______^

Pumasok ako sa kwarto ni Janine, "Jan, gising naaaaaaa." sabi ko. Bumangon naman siya agad. Nagkusot ng mata, "Good morning Jam."

"Good morning! Ikaw na muna maligo, gigisingin ko pa si Jiro."

Tumango lang siya. Kay Jiro naman ako pupunta. Hehe, Grade 6 lang ang kapatid naming 'to. Pero wag ka, gwapo yan. Hahaha.

"Ji. Gising na." Ang titipid ng tawag namin sa isa't isa noh? Jam, Jan at Ji. Hehehe.

Bumangon din siya at lumabas na ako, natapos na agad maligo si Janine kaya ako na yung naligo.

Hanggang second floor pala 'tong bahay namin. At kami kami lang nila Mama ang nakatira dito.

Bumaba na ako, nakapagluto na pala si Mama. Andun na si Janine. "Oh, Jamie, kain na. Si Jiro?"

"Good morning Ma. Naliligo pa po." sabi ko at kiniss siya. Kumain na kami at inabot na ni Mama ang baon ko. 500 pesos. Hehe.

"Ma, bakit 250 lang yung akin, kay Jam naman eh 500?!" reklamo ni Janine.

"Magtipid ka muna anak. Tsaka galingan mo din kasi sa pag-aaral. Gayahin mo yan si Jamie, laging top 1!" Ngumiti lang naman ako.

"Pssh."

Kiniss namin si Mama at umalis na.

"Maglalakad ka lang Jam?" tanong ni Janine.

"Yeah, ikaw, di ka ba sasabay sa akin?"

Naglalakad lang ako papuntang school, tutal walking distance lang naman siya. At tipid na rin sa baon. Ang school ni Janine eh medyo malapit lang sa school ko. Pero lagi siyang nagtatricycle, ayaw niya daw kasi maglakad, nakakapagod daw.

"Sige, sasabay na ako sayo. Baka kulangin ako sa baon mamaya pag nagtricycle pa ako eh."

Tahimik lang kami habang naglalakad, di kami masyadong close nitong si Janine, mas close kasi ako kay Jiro eh.

Pagkadating ko sa school, nag-iba na ng daan si Janine. Pumasok na ako sa loob at nakita ko agad ang mga kaibigan ko. Ang mga baliw kong kaibigan ^______^

"Ui, si Jamie ooh!!" sigaw ni Pauline.

Niyakap nila ako, "Di ako makahingaaaaaa." reklamo ko. Tumawa naman sila.

"Namiss ka namin ng bonggang bongga Jamie!" sabi naman ni Marge.

"Oo nga! Di ka man lang nagparamdam nung summer!!" sabi ni Kyla.

"Ah, kasi naman, busy ako nung summer. Hehehe." palusot ko. Actually nasa bahay lang ako nung summer. Ayaw ko naman kasi magpakasunog -_____-

Ipapakilala ko pala muna sa inyo ang barkada ko, si Pauline at si Marge ang sporty sa grupo. Cheerleaders sila at Volleyball players pa. At, huwag ka. Mala-goddess ang beauty nila! Haha. Si Kyla naman ang joker sa grupo. Tsaka siya lang ang may boyfriend sa aming apat.

Sino ako sa grupo? Edi yung matalino. Nasa star section ako every year. Hindi naman uso klase sa section na yun, may place lang kami, more of a room. Doon, pwede kami mag-aral, matulog or kahit ano. Sarap buhay noh? Pero dapat mamantain mo ang grade mo para magstay ka sa section na yun. Napapalitan kasi yung iba dun eh.

Pero choice din namin kung gugustuhin naming makisali sa mga discussion ng ibang klase. Since 1st year ako sa star section. Freshmen kasi ako nung new student ako dito. Ako lang sa barkada namin ang nandun. Kaya nga ang lungkot eh TT_____TT

"Wushu, tara na nga. Hanap tayo ng mga papabol." sabi ni Pauline.

Pumunta kami ng gym, dun kasi nag-aassemble ang lahat. Iba iba ang pila kada section/level. Pupunta na sana ako sa pila ko ng higitin ako ng mga kaibigan ko.

"Mamaya ka na pumunta sa line mooooo!" sabi ni Kyla. Dahil sa makulit sila, no choice ako kundi magstay.

"Look at him. Ang gwapo!" sabi ni Marge, tinignan namin yung tinuro niya. Hmm.. Bulag talaga 'tong si Marge. Hindi naman ganun kagwapo eh. Mukha pang mayabang.

"Ano sa tingin mo, Jamie?" tumingin silang lahat sa akin.

"Hmm. No comment."

"Asus. Umasa pa kayong may time si Jamie sa mga ganyang bagay! Puro aral lang alam niyan eh!" sabi ni Kyla. Totoo naman eh, priority ko ang pag-aaral ko kesa sa lovelife. Scholar kasi ako sa school na 'to. ^__________^

"Students, please return to your respective lines." sabi nung head teacher na nasa stage na. Nagpaalam na kaming magbabarkada since magkakaiba kami ng section. 7 nga lang pala kami sa star section. At ako ang Top 1. Mehehehe.

"Hi Jamie! Top 1 ka pa din! Ang talino mo talaga!" sabi ni Patrick, nasa likod ko siya. Siya ang Top 2 ng buong third year. Popular yan, sporty pa siya. Gwapo pa. Hehehe. Pero wag niyong isipin na crush ko yan, I have no time for that. ^_____^

"Hehe, at number 2 ka pa din! Kelan mo ba ako matatalo ha?" pagmamayabang ko. Nasanay na kami sa asaran namin at pagyayabang, araw araw na ata kaming nagtatalo kung sinong mas matalino eh. Haha. Ngumiti lang naman siya at pinisil ang cheeks ko. Lagi niyang ginagawa yun TT_____TT

"Tss, Balang-araw. Hehe, pero parang impossible naman yun. Magaling ka eh!"

Binatukan ko siya, ang sakit kaya nung pisil niya, "Ayan, quits na tayo. Haha." nagtawanan pa kami. Nagwelcome lang naman ng new students, ang dami din ha. And napansin kong nandun yung tinuro nila Marge kanina, napatingin ako sa kanila, ang lalaki ng ngiti eh. Kasection ata nila 'to.

---

Andito na kami sa special room for the star section. Airconditioned ang room at may sofa bed. May sarili din kaming kitchen and tv, parang bahay lang noh? Haha, may computer din pala dito, for researches. Pinrovide sa amin lahat ng ito ng school. Basta daw ba mag-aaral kami ng maayos. ^______^

Apat kaming babae at tatlo lang ang lalaki. Magkakasundo kaming lahat. Wala pang natatanggal sa amin since first year. Nagsusumikap kasi ang bawat isa sa amin. Nagkakapalit palit lang ng pwesto. ^_____^

"Jamie, punta tayo sa III - B, makigulo tayo." yaya ni Patrick, mga trip talaga nitong lalaking 'to.

"Eh, anong gagawin natin dun?"

"Makipagfriends! Tara dali!" sabi niya at natangay niya na ako. Ang lakas naman manghila nitong lalaking 'to. Akala mo bagay lang ako na pwedeng higitin na lang anytime eh -______-

Pumasok kami sa room, medyo shocked yung mga tao dun since taga-star section kami.

"It's Patrick! AAAAAAH." ; "OMG. Ang gwapo niya talagaaaaa!" ; "Ang swerte naman natin! Dito pa siya pumunta!" several reactions. Okay, ako na hindi niyo napansin -_____- Mga babaeng 'to.

Umupo kami sa dulo. Andun pala sila Marge at Pauline. Nagwave sila sa akin at nagwave back lang naman ako. Nag-iintroduce pala sila sa isa't isa. May thrill pa ang ginawa nilang pag-iintroduce, sinama din kami nung adviser nila since pumunta daw kami dun.

By pair ang nangyaring pag-iintroduce. Dapat daw hindi mo kilala, para daw mas exciting. Pssh. Ang dami nilang pakulo. -________-

Lalaki ang ka-pair ko. Familiar yung mukha niya. Parang nakita ko na siya eh... Oh right, the guy a while ago. Yung "gwapo" daw, sabi ni Marge -___-

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon