Chapter 16

380 6 4
                                    

Read author's note, okay?

Maikli lang yun. ^o^

Enjoy reading pows!

---

Jamie's POV

One word, beautiful. Ang ganda dito sa resort! Owver, white sand ang beach. Ang linis pa nung tubig sa dagat. Parang gusto ko na tuloy lumusong sa tubig. Wahaha.

Pero bago magswimming, pinapunta muna kami ni Pauline dun sa lugar na tutulugan namin. Sa kanila daw yun kaya libre lang.

Good for 10 persons daw yun, since 9 lang kami, kasya na, may isa pa ngang sobra eh.

"Ang lambot ng kama!" sabi ni Marge habang tumatalon talon.

"Akin 'to ah." sabi ko at umupo sa pinakadulong kama. Gusto ko kasi malapit sa dingding. Hehe.

"Tara girls, ligo na tayo?" tanong ni Pauline.

"Teka, kantahan ka muna namin. Hehe."

"Dami alam, sige nga. Haha."

"HAPPY BIRTHDAY POLENG. HAPPY BIRTHDAY POLEENG!!!" sigaw naming tatlo, Marge, Me and Kyla.

"Haha, ang sagwa naman nun, Poleng?"

"Cute kaya. Hehe, yan na tawag namin sayo ah!" - Kyla.

"Yuck, haha. Kayo bahala. Anyway, salamat! Group hug muna!" sabi ni Pauline at naghug kaming apat.

"Happy 3 years of friendship din pala sa atin." - Marge.

"Waaah. I love you all. The best kayo." - Pauline.

"Sana magtagal pa ang friendship nating apat ha? Walang laglagan?" - Ako.

"Oo naman!" - Pauline and Marge.

"Waah. Gutom na ako.." - Kyla.

Basag trip talaga kahit kailan 'tong si Kyla. Kanya kanya pa naman kaming emote.

"Nyeee. Epal talaga nitong si Kyla. Haha. Tara na nga, naghihintay na yung ibang kasama natin." - Marge.

Lumabas na kaming apat at sumama dun sa iba pa naming kaibigan. Kanya kanya ng suot ng swimsuit. Conservative ako kaya nakashirt at shorts lang ako. Haha.

"Ang corny talaga ni Jamie, haha." - Pauline.

"Wag ka nga. Ayaw ko magsunog ng balat."

Grabe naman kasi yung suot nila, two piece. Di naman ako nagsusuot ng ganun eh =_____=

Nandito lang din ako sa buhanginan, hindi rin naman kasi ako marunong lumangoy. Hay nako, bakit kasi di ako nabiyayaan ng sporty skills?

Incoming Call:

Twin <3

"Hello? Bakit?"

("Saang resort kayo?")

"Eh? Bakit mo natanong?"

("Eh kasi si Tracy, nagyaya pumunta dyan, kasama family niya..")

"Sinong Tracy?"

("Kaibigan ko.. Anyway, saan nga?")

"Heron resort.."

("Hala! Parehong resort! Dyan din kami pupunta! Kela Tracy yan eh.")

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "Nasaan na kayo?"

("Andito na sa resort.. Sa rest house nila, to be exact..")

"Psh, ingat ka lang, nandito kami sa mismong beach, keep me updated kung nasaan ka para di tayo magkasalubong, okay?"

("Okay.")

Janine's POV

Yes, it's true. Pareho nga kami ng pinuntahang resort ni Jamie..

At kasama ko ang family ni Tracy..

Bakit? Ganito kasi yun..

*flashback*

9:00 am, pumunta ako sa library. Magmemeet nga kami ni Tracy diba?

Nakita ko siya agad sa dulo ng library.

"Oh, anong meron? Ba't biglaan naman?"

"Gusto ko sanang humingi ng tulong sayo eh.. Kasi.. teka, upo ka muna.."

Umupo ako sa tapat niya at nagsimula siyang mag-explain.

Anak ng.. Ipapakilala niya daw ako bilang girlfriend niya sa family niya. Sa lahat ba naman ng pwedeng babae, ako pa? -_____-

"Bakit ako?!"

"Sshh!" senyas nung librarian, ay, nasa library nga pala kami.

"Sorry po."

"Sorry Janine ha.. Eh kasi ikaw lang ang kaclose kong babae eh.. Ayaw din kasi ni Rhian.."

"Bakit ba kasi kailangan ko pang magpanggap?"

"Kasi.. Iniisip nilang bakla ako."

Medyo natawa ako dun. Gwapo kasi 'tong si Tracy, tas napagkamalan lang bakla? >3<

"Hahaha. Kawawa ka naman."

"Payag ka na ba? Sige na, kahit anong kapalit.."

"O sige, pero yung kapalit, pag-iisipan ko muna.."

"Sige. Salamat Janine ha!"

Sana lang matake ko ang risks..

*end of flashback*

So ayun nga, nandito na kami sa Heron Resort. Pagmamay-ari daw nila ito.. At dito ko imemeet yung Dad ni Tracy. Mom and kapatid niya lang kasi yung kasama ko..

Kinakabahan ako.. Kahit hindi naman talaga ako gf ni Tracy. Fake gf lang.

"Janine, iha, let's go na.. Don't worry about your things, ang mga maid na ang bahala dyan.." sabi ni Tita Violet, ang mommy ni Tracy. Ang bait niya sa akin, ang turing niya sa akin eh parang tunay na anak. Naguguilty ako lalo sa ginagawa namin ni Tracy -_____-

Habang naglalakad kami, nagmistulang Q&A portion para sa akin ang lakaran. Dami kasing binatong tanong ni Tita Violet.

"So kelan pa naging kayo ng anak ko?"

Napatingin ako kay Tracy, "Uhh.. nung... August 15 20** po!" sabi ko. Napabuntong hininga ako dun. Biglaan naman kasi 'tong pagpapanggap na 'to. Kainis talaga si Tracy! Dapat mapag-isipan ko ng maayos yung kapalit nito.

"Oh, interesting.. so one year na pala kayo? Nice naman." sabi ng nakangiti ni Tita Violet. Ang sweet ng mga ngiti niya, waaah. Nakokonsensya ako lalo eh.

Nakarating na kami sa rest house.. pasweet daw kami ni Tracy. Akbay here and there tapos yung mga tingin niya, nakakatunaw *_*

"Babe, tara na sa labas?" aya ni Tracy. Natatawa ako, kailangan pa talaga ng endearment?

"Sige babe. Tita, una po muna kami."

Ngumiti si Tita, "Sige, mamaya Tracy ha. May dinner tayo with your dad, okay?"

"Sige po Mom." at lumabas kami ng naka-holding hands. Gah, feeling ko namumula ako. Kasi naman, parang totoo 'tong acting namin na 'to eh! >____<

---

Bitin, I know.

On the rush na lang 'to.

Pasensya na ha.

Project week kasi, at sumabay pa ang isang article for the school paper.

Spell busy.. A-K-O. 

WAAAAAAAAH. SORRY TALAGA! >______<

Ayun lang, mwaah. :**

Penge feedbacks ^o^

Jodie (dreamcatcher26)

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon