Chapter 20

342 4 9
                                    

Pasensya, nakalimot na akong mag-update dito. WAHAHA.

Inamag na ng bonggang bongga. Anyway, eto na X)

---

Jamie’s POV

Naglalakad lakad kami ni Lance, ang hirap imaintain ng pag-aacting ko. Never pa kasi akong napilay eh.

“Ui, si Marge yun ha?” sabi ni Lance, napatingin ako sa direksyon na itinuturo niya.. Si Marge nga, kausap niya si… O___________O

“A-ah, L-lance! T-tara, balik na tayo, p-pagod na ako eh.” Sabi ko. Sana lang hindi niya nakita si Janine. Pasaway talaga kahit kailan. Alam niyang nasa iisang resort lang kami, hindi man lang magsuot ng shades para hindi makilala! Pssh.

"Pagod ka na agad? Eh parang kakasimula lang nating maglakad ha? Di pa nga tayo nakakakalahati eh."

"E-eh, k-kasi.. May nakalimutan ako sa beach house!" palusot ko. Pumayag ka na please >3<

"Sige na nga. Tara." sabi niya, napabuntong hininga ako dun. Buti naman at sumang-ayon siya.

Pagkabalik namin sa cottage, kunwari ay may kinuha ako sa kwarto, kahit wala naman talaga. Pagkalabas ko, wala na si Lance, saan kaya pumunta yun? -_____-

"Jamie." napalingon ako, si... sino nga ba 'to? Isa lang kilala ko eh, si Clarisse, yung babaeng inis na inis sa akin. Naaalala niyo pa? Himala at buhay pa sila noh? Wahaha.

"Hmm?"

"Andito ka din pala, akala kasi namin, bawal ang nerd dito eh." Eh? Sinong nerd? Ako ba? Di naman ako mukhang nerd ah -____-

"Oh talaga? Sige." paalis na ako ng bigla akong i-corner ng tatlong alagad nung babae sa gitna. Alagad lang pala 'tong si Clarisse eh. Kung makaasta, alipin lang pala. Haha.

"Err. Sino ba kasi kayo? Anong kailangan niyo sa akin?"

"Tss, you don't remember my name?"

"Magtatanong ba ako kung naaalala ko?"

Sasampalin na sana ako ni Clarisse, pero pinigilan siya nung leader nila, "Okay, I'll let you know my name, I'm Alice, Patrick's girlfriend."

"EX Girlfriend." Mukhang nahurt siya sa part na yun, sinabi ko lang naman ang totoo ha?

"Grr, this girl, really. Aish. Okay, I'm here to set a deal, you and I, must fight in sports, 3 sports, football, volleyball and swimming. If I win, you'll help me to get Patrick and you'll avoid him. If you win, I will not go near you again."

Ang desperada niya talaga noh? Grabe eh, gagawin lahat para lang maibalik si Patrick sa buhay niya. Woah, nagagawa nga naman ng pag-ibig -______-

"Ano, sagot na!" - Clarisse.

"Sige ba. Basta, a deal is a deal."

She smirked, "Oh yes. Sige, abangan ko yun ah. Next Monday, okay?" Anong araw na ba ngayon....  Sabado.. next week pa naman yun.. hay.. sigurado namang talo na ako dito. Bakit pa kasi ako pumayag? -_____-

Janine's POV

Pagkatapos naming mag-usap ni Marge, pumasok na ako sa loob. Nanonood si Tracy ng TV, "Oh, sino yun?" tanong niya.

"Ah, naliligaw ata, nagtanong lang ng directions."

"Ay ganun, sige.. one week na lang tayo dito ah.. kailangan na din nating bumalik sa school next week."

"Aw. Sayang di pa ako masyadong nakakapag-enjoy eh. Lalo na't may pilay pa ako oh." sabi ko.

"Ayan kasi.. haha."

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon