Chapter 29

254 5 2
                                    

Janine's POV

Kaasar naman 'tong Joshua na 'to! Bakit pinanganak pa siya dito sa mundo?! >____<

Kanina pa siya utos ng utos sa akin, pabili ng ganito, pakikuha ng ganito, samahan mo ako dito. Grabe, pinapagod niya ako eh! Pinagtitinginan na nga kami ng mga kaklase ko sa classroom, napapadalas na daw kasi kaming magkasama.

"Massage my hand." sabi niya tapos ay pinatong ang kamay niya sa desk ko. Tinitigan ko lang ito, tapos ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Ayaw mo?" binuksan niya yung bag niya kaya napahawak ako sa kamay niya, ang galing talagang mang-blackmail eh -____-

"Oy, ano yan! Haha." kantyaw nung babaeng nasa tabi ko, malakas pa yung pagkasabi niya nun kaya naman napatingin na lahat sa amin.

"Wow, dumadamoves si Joshua! Nice!" napabitaw ako sa kamay niya, lecheng Joshua 'to. Pinapahamak ako eh, mamaya isipin nila na may gusto ako dito sa lalaking 'to. Asa sila noh! Never ever in my entire life! >______<

"Oy, wag kayo, taken na yan si Joshua eh! HAHA." sigaw naman nung lalaki sa harap ko, taken? As in 'in a relationship' ?

Eh bakit sa akin pa siya dumidikit kung may girlfriend na pala siya? Eh kung sugurin ako nung gf niya? >_______< 

Napatingin ako sa kanya at tinuro niya lang yung kamay niya, wala naman akong nagawa kundi imassage ito -____-

***

Uwian na, nagpapasama siya sa former school ko, anong bang business niya dun? Bakit pumupunta pa siya dun? -____-

Naka-shades ako papuntang school, iwas intriga lang. Nasa likod ako ni Joshua, ayaw niya daw kasi na magkasabay kaming maglakad sa lugar na 'to. Ano namang masama dun diba? As if namang mapagkamalang 'kami'. Tss. 

"Hoy Joshua." pabulong kong sinigaw, ano daw? Basta yung bulong na medyo malakas =____=

Hindi niya ako sinagot, instead, he kept on walking without even turning around to check if I'm still around. Bastusan 'tong lalaking 'to eh. Pssh.

"Hoy Joshua ano---" bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya naman naumpog ako sa likod niya. Napahawak ako sa ulo ko, grabe, bato ba ang likod niya?!

Nakatayo lang siya doon, parang may nakita siya. Tinignan ko yung nakita niya, couple? Ang cute namang nilang dalawa, bagay na bagay ^_______^

"Kilala mo?" tanong nung lalaki, napatingin naman yung babae kay Joshua tapos ay sa lalaki, "No, di ko pa sila nakikita, today's the first time."

"Liar." maikli na sinabi ni Joshua. Nagkasalubong ang kilay nung lalaki tapos ay lumapit siya kay Joshua at kinwelyuhan niya ito. Napahawak naman ako sa braso ni Joshua, wag naman sanang magkaroon ng gulo. >_______<

"Anong sinabi mo ha?! Tinatawag mong sinungaling ang girlfriend ko?!" sigaw nung lalaki habang hawak niya sa tshirt si Joshua.

"O-Oy Joshua... a-alis na tayo..." sabi ko, nanginginig na ako. Ayaw ko kasing may nag-aaway sa harap ko, lalo na't parehas na lalaki 'to. Wah, baka madamay ako >____<

"Step aside, Janine." sabi niya sa akin, edi lumayo naman ako, "Dude, yan, girlfriend mo?" I saw Joshua smiled pero ramdam ko na peke lang yun... I can feel na nahurt siya sa sinabi nung babae... Teka, paano ko naman nasasabi ang mga 'to? 

"Nicole..." narinig kong binulong ni Joshua, napalingon naman yung babae, "Baket... ginawa mo 'to? Bakit pinagpalit mo na ako?"

"Sorry Joshua... It's just that... our relationship doesn't work out..."

"Hindi ba nagwowork-out? I did everything you wanted... Masaya ka naman kasama ako diba?" Ay shet, bakit ba kasi sinama pa ako nito. Tss. Nawitness ko pa tuloy yung pagdradrama nila ng... ay, girlfriend niya pala yung girl!

Kaya naman pala nung nakita niyang may kasamang iba, ganito na lang maka-react -_____-

Pero infairness, maganda yung babae... tsk tsk, kawawang Joshua... kinarma kaagad. 

"Tara na Michael..." sabi nung girl at hinila yung lalaki. Naiwan lang si Joshua dun... tulala.. Nakakaawa siyang tignan..

Naramdaman ko ding nakatingin sa amin lahat ng tao... nagbubulungan...

"Kawawa naman oh, iniwan ng girlfriend niya..."

"Oo nga eh. Hindi ka pa nasanay dun kay Nicole, eh diba ilang lalaki na din ang nasaktan nun?"

Napalingon siya dun sa babaeng nagsalita, umalis yung dalawang babaeng nag-uusap, nakakatakot kasi yung tingin ni Joshua eh. Lumapit ako sa kanya, "Joshua..."

Hindi siya umimik, nakatayo lang siya dun... "Ui, pinagtitinginan na tayo oh.."

Hinawakan ko siya sa braso pero inalis niya ito, "Pwede bang umalis ka na lang muna?! Didn't you see what just happened?!"

Nagulat ako ng pagtaasan niya ako ng boses... wow ha.. ako na nga itong nagmamalasakit, siya pa yung nagagalit. Tss.

"Pero..."

"ANO BA?!"

"Okay fine! Sabi mo eh! Ako na nga 'tong nagmamalasakit eh. Dapat nga kanina pa kita iniwan eh. Sino ba namang makakatagal sa ugaling yan? Patapon yang ugali mo! Bahala ka nga!" sabi ko at umalis na.

Tinanggal ko na din yung shades ko kaya nakilala ako nung mga tao sa paligid. I don't care kung makilala nila ako, I just need to get out of here.

Pauwi na ako sa amin nang makasalubong ko si Lance, "Err.. Janine or Jamie?" tanong niya.

Napangiti ako sa sinabi niya, "Janine."

"Oh, haha. Tama nga first hula ko. Nyahaha. Anyway, anong ginagawa mo dito sa labas? Akala ko nakauwi ka na kanina pa?"

"Ah, may pinuntahan lang ako..."

"Ganun... do you still have time left? Pwede bang samahan mo muna ako?"

"Sure." sabi ko at ngumiti. Wala naman sigurong masama. Diba? Si Lance naman yan eh :">

***

Jodie's Note:

Wala na agad ang JoshNine. =))

Parang kanin talaga eh XD

Ayun lang. Short UD lang 'to. MWAHAHA.

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon