Chapter 33

234 3 0
                                    

Janine's POV

"ANO BA 'TO?!" sigaw ko. Wala talaga akong maintindihan sa mga nakasulat, dahil siguro wala akong ka-ide-idea kung anong nakasulat sa mga 'to.

"Eh kasi, magfocus ka muna sa isang subject para maayos." sabi ni Rhian. Nag-simula ako sa English, para mild lang.

"Ah, madali lang pala 'to eh! Jusme, kala ko naman mahirap. Haha." sabi ko pagkatapos ng isang oras na pag-aaral. Na-gets ko kasi agad yung mga pinagsasabi ni Joshua, siya ang tutor ko, eh kasi ayaw akong turuan ni Rhian -____-

"Yabang mo ha. Haha. O ano, Math na tayo agad."

"Wag naman! Tatadtarin mo agad yung utak ko ng mga formula na yan eh! Filipino muna." sabi ko at ngumiti.

Nakatapos din agad ako sa Filipino, sunod ko namang inaral yung History.

"Ano ba 'to?! Sino ba yang mga taong yan, bakit ang dami nilang alam?! Bakit kasi kailangan pang pag-aralan ang past, what's done is done na nga diba?" sabi ko. Pinektusan ako ni Rhian at ni Joshua.

"Wag ka ng umangal, gusto mong matalo kakambal mo diba?" sabi ni Rhian. Nabuhay nanaman ang fighting spirit ko.

"Oo naman! Kailangan kong mapakita sa pepechugeng mga estudyante sa school na yun na mas magaling ako noh!" sabi ko at nakinig na ako sa pinagsasabi ni Joshua.

"Teka lang Joshua, kung matalino ka naman pala... bakit di ka pumapasok sa SC? At tsaka bakit section C ka lang?"

"Eh, tinatamad akong mag-aral eh."

"Wow ha. Ano ba yun, mag-aral ka din kaya? Astig kayang maging SC member!"

"Wala namang ginagawa dun eh, mas gugustuhin ko pang maging normal na estudyante lang, kesa yung pinapansin at kinakaibigan ka ng lahat dahil lang sa katalinuhan mo."

"Hahaha. Ganun, ewan ko sayo. Words of Wisdom eh. Tara na nga, malapit na tayong matapos oh, Chemistry na sunod nating pag-aralan."

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon