Chapter 27

268 4 4
                                    

Jamie's POV

"Girl, nakita mo ba si Marge? Bakit nawala na lang bigla?" tanong sa akin ni Pauline. Naglalakad na kami papunta sa bahay. Susunod na lang daw yung iba namin kaibigan kaya nauna na kami. Na-eexcite na daw kasi siyang makapunta ulit sa bahay.

May nakita kaming kotse sa tapat ng bahay, hindi siya pamilyar sa akin. Kulay pink ito at ang ganda *O*

"O, may tao na agad sa inyo? Di kaya isa sa mga SC members yan?"

"Di rin, nakita ko na yung mga kotse nung mga yun eh. Bago sa paningin ko yan. Tara na nga. Pasok na muna tayo." 

Pagkapasok na pagkapasok ko, sinalubong ako ng isang babae at niyakap ako, "Janine! Sorry!"

"Err..." sabi ko, nung namalayan niyang medyo naiirita na ako, kumalas na siya sa pagyakap.

Parang kilala ko 'to ah.... AH! SI RHIAN!

"Janine? Sino yun?" tanong ni Pauline.

"Edi si---" tinakpan ko yung bibig ni Rhian, mapapaaga ata masyado ang pag-amin. Kailangan nandito na lahat para isang bagsak lang yung pagkagulat nila. 

"Uy, Rhian, anong ginagawa mo dito? Doon na nga muna tayo sa sala, may bagay pa kasi tayong pag-uusapan eh." sabi ko at hinila ko silang dalawa papunta sa sala. Nakita ko si Mama doon katabi niya si Jiro at mukhang kami kami pa lang ang nakakarating. Shiz, bakit bigla akong kinabahan?

Ano kayang magiging reaksyon ng SC? Anong magiging reaksyon ni Lance? -_____-

Janine's POV

"Weh?! Di nga?!" reaksyon ko nung nalaman kong magkapatid si Marge at si Lance. Bakit sa school hindi man lang sila nagpapansinan? Ni hindi ko nga sila nakitang nag-uusap eh! Ang weird naman nilang magkapatid!

"Oo nga, ang kulit mo din e noh! Kanina ka pa eh! Tara na nga, ihatid na kita sa inyo. Pinapapunta din ako dun ni Jamie eh. Importante daw."

Wala na rin naman akong nagawa, hay nako, kaasar! Papunta na kami sa bahay ngayon, habang papalapit kami ng papalapit sa bahay, lalo akong kinakabahan.

Lumabas si Marge ng kotse niya habang ako naman ay nag-aantay lang sa loob nito, ayaw kong lumabas, ayaw kong harapin sila Mama >_____<

"Ui, hindi ka pa ba lalabas dyan?" tanong niya habang kinakatok yung bintana ng kotse niya.

Umiling ako ng mabilis, nakapamewang na siya ngayon. Binuksan niya yung pinto at kinaladkad ako papasok sa bahay. Ohnoes, eto na TT3TT

"And there she is, Janine, my twin." sabi ni Jamie tapos ay tinuro ako. Kumpleto silang lahat, yung SC members, kahit si Tracy din pala, nandun. Nagwave ako at nagsmile, "H-Hi.."

Natahimik silang lahat, yung iba ay nakatingin sa akin, yung iba naman kay Jamie, napafacepalm na lang ako at naupo sa tabi ni Jamie.

Siniko niya ako ng pasikreto, "Everything's gonna be fine." binulong niya.

Pagkatapos ng almost 3 minutes ng katahimikan, doon na sila nagreact, may ilan na lumapit sa aming dalawa at pinagcompare pa kami.

"Wow! Jamie naman eh! Hindi mo sinabing may kakambal ka! Akala ko nag-iisa lang yang mukhang yan sa buong mundo eh!" sabi ni Pauline tapos ay pininch ang mukha naming dalawa. Mukhang aliw na aliw siya sa aming dalawa ha?

"Hoy, wag mo namang lamugin yang cheeks niyang dalawa! Haha. Ang cute niyo! Astig talaga pag nakakakita ako ng kambal!" sabi naman nung isang SC member, si Daryll ata yun.

Siya naman ngayon yung tumutusok tusok sa pisngi namin, ang sakit na ha! =____=

Si Rhian naman at Tracy ang lumapit sa aming dalawa, "Which is which?" tanong ni Rhian.

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon