Chapter 17

323 4 5
                                    

NOTE: Mahaba pa ang lalakbayin nila Jamie bago maabot ang dulo.. Waley lang, namention lang. Mga 50+ chapters pa siguro.. Not sure, pero wala pa sa gitna itong story. Mehehe.

Ayun lang, sige lang sa basa. Gusto ko kasing pahabain itong book na 'to >3<

----

Janine's POV

Agad kong binitawan yung kamay ni Tracy, nakakahiya naman, baka sabihin niya nagtetake advantage ako sa pamamagitan ng pagpapanggap namin.

"Uh.. Tracy, mag-CCR muna ako ha.." sabi ko, agad akong pumunta sa pinakamalapit na CR at pumasok sa isang stall.

Pagkatapos kong mag-CR, nagulat na lang ako ng may biglang humila sa akin, "Ang tagal mo talaga kahit kelan mag-CR Jamie! Tara na nga!"

Jamie? Teka, sino ba 'tong humila sa akin?!

I saw her.... I think her name's Pauline? So... nasa CR din si Jamie?!

Hinila niya lang ako ng hinila, di ata napansin ni Tracy na may humila sa kasama niya.. Eh kasi naman, nakatalikod siya tas nakasandal dun sa may puno..

"Guys, eto na si Jamie, tara na sa bundok! I want to go hiking na eh!" sabi ni Pauline.

"Nagpalit ka ata ng damit Jamie? Akala ko ba mag-CCR ka lang?" tanong ni Marge. I know she recognizes me, kilala niya na nga ako diba?

"Ah, naiinitan kasi ako.." palusot ko.

Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa, "Maghahiking ka ng ganyan?"

Tinignan ko ang suot ko, naka-dress pala ako -_____-

"Err.. Mali ata ng kuha, teka.. papalit lang ulit.." sabi ko.

"Teka, samahan na kita." aya ni Marge.

"I can handle myself.. Hintayin niyo na lang ako.." sabi ko, sumunod pa rin naman si Marge. Magtatanong nanaman yan, panigurado >_____<

Ginamit ko yung isa sa damit ni Pauline, nakalock na daw kasi yung beach house na tinutuluyan 'namin' kaya binigay niya sa akin yung extra niya.

"Oh, bakit nandito ka nanaman? Asan si Jamie?" masungit na tinanong ni Marge.

"Kasalanan ni Pauline, namali siya ng hila. Imbes na si Jamie, ako ang nahila niya.. Nagkataon lang na parehong CR ang napuntahan namin ni Jamie.. at.. iba naman talaga ang tungkulin ko dito sa resort na 'to.. And I didn't followed your group."

Tinitigan niya ako for a while then she finally spoke, "Is that the truth?"

"Tss, edi wag ka maniwala kung gusto mo. Una na ako, hinahanap na tayo ni Pauline."

Umalis na kami at nagbyahe papunta sa bundok na pupuntahan nila. Saan naman kaya 'to? -____-

Napasabak tuloy ako sa hiking ng di oras.

Incoming Call:

Twin <3

"Uh, excuse me.." sabi ko. Nakababa na kami ng kotse, lumayo ako ng konti sa kanila para makapag-usap kami ni Jamie ng matino.

("ASAN KA?!") bungad niya. Hindi man lang ako pinag-hello =_____=

"Dito sa bundok, ikaw, musta?"

("Argh, andito kasama nung Tracy, haist! Ano ba ito Janine! Dapat tinawagan mo muna ako para nalusutan natin 'to. And what's this, BABE?! Bakit 'BABE' ang tawag sa iyo ng damuhong 'to?!") Naghyhysterical na si Jamie, hala. Galit na siya >_____<

 "Let me explain."

Jamie's POV

Nag-CR ako kasama si Pauline, naiihi na kasi ako eh. Kinakabahan ako dun para sa hiking na pinagsasabi nila.

Pumasok ako sa isang stall, ilang minuto lang ay may narinig ako, "Ang tagal mo talaga kahit kelan mag-CR Jamie! Tara na nga!"

Teka, si Janine ba yung nahila nila?!

Andito pa ako eh! Hala!

Nagmadali ako at lumabas ng stall, pero huli na ako, nakaalis na sila. Lumabas ako mula sa CR at may nakita akong lalaki sa tapat ng CR. Nakasandal siya sa may puno.. Nakita ko na ata siya dati... hmm..

"Janine, dyan ka na pala, let's go?" aya niya.

"Uh.. sige.."

"Teka, bakit ganyan ang suot mo? Diba may dinner pa tayo with Dad?"

Dinner? Ano nanaman kayang pinaplano nung si Janine? Anong dinner ang pinagsasabi ng lalaking 'to? At sino ba siya sa buhay ni Janine ha?!

"Ay, sorry.. papalit muna ako, gusto mo?"

"Ikaw bahala.. Ay teka, tamang tama, may pinabigay si Mom, eto daw suotin mo.." sabi niya at may inabot na paperbag. Kinuha ko naman ito agad at nagpalit.

"Ang ganda mo talaga."

"Uh.. salamat." napangiti ako. Minsan nga lang kasi ako makakuha ng compliment diba? -____-

Naglakad kami papunta dun sa sinasabi niyang place kung saan magaganap ang 'dinner'.

May nag-assist sa aming waiter at pumunta kami sa pinakagitnang table, huwaw.

"You look beautiful today iha. Sabi ko na nga ba at babagay sa iyo yang damit na yan." sabi nung babaeng katapat ko.. I think she's the mom of this guy.

"Thank you po Tita. Hehe." sabi ko at ngumiti.

"So you're Janine, Tracy's girlfriend?" tanong nung lalaki, medyo nanlaki ang mata ko. Walang nababanggit sa akin si Janine na may boyfriend na siya. Anak ng.. magtutuos kami nito mamaya.

"Yes po.." sagot ni Tracy. His parents smiled, "You look cute together. Hehe."

"Uh.. excuse me po muna.." sabi ko.

"Where are you going babe?"

Babe?! At may tawagan pa sila? Ano bang ginagawa nito ni Janine sa buhay niya? -_____-

"Uh.. may tumatawag kasi.." kahit wala naman talaga. Actually, ako ang tatawag, magtutuos kami nun ni Janine. Pssh.

-----

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon