Chapter 34

277 5 6
                                    

Janine's POV



Kinabukasan, nagulat ako ng sunduin ako ni Joshua sa bahay, ano namang kayang nakain nito at bigla na lang akong sinundo? -_____-

Maaga pa ha, jusme, 6:00 pa lang, 7:30 pa kaya time namin. -_____-

"Oy, Janine, dalian mo, naghihintay yung classmate mo." sabi ni Mama.

"Ah, sige po. Wait lang." sabi ko at naghanda na. Good timing na rin si Joshua, bad vibes kami ni Jamie at ni Jiro eh, kaya mas okay na sigurong hindi na muna ako sumabay sa kanilang dalawa, baka lalong lumala ang sitwasyon eh -_____-

Pagkatapos kong maghanda, nagkasalubong kami ni Jamie, magsasalita sana siya pero hindi ko siya pinansin, lumabas na ako at sumakay sa kotse ni Joshua.

"Ang bagal mo naman." reklamo niya.

"Sus, sino bang nagsusundo na lang bigla?" sabi ko at nagpout.

"Oh, badtrip ka nanaman? Anong nangyari?"

"Wala, wala. Tara na, punta na tayo sa school." napansin kong sila Kei ang nasa driver's seat at nasa tabi niya si Jay.

"Ay, andyan pala kayo, Good morning. Thanks pala kahapon." sabi ko at ngumiti.

"Ayos lang po yun." sabay nilang sinabi.

Nagulat ako ng mag-iba ng direksyon si Kei, "O-Oy, saan tayo pupunta? Hindi papuntang school 'to ha?"

"Basta, malalaman mo." sabi ni Joshua. Edi nanahimik na lang ako.

At nakarating na kami sa.....

Bahay niya -____-

"Oh, anong gagawin natin dito?" tanong ko, hinila niya ako papasok ng bahay at dinala sa isang kwarto. Woaaah, ano tong gagawin niya?!

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon