Chapter 8

444 5 1
                                    

I made a cast, haha. Mga favorite actresses/actors ko yan! Haha. Di naman ako mahilig sa korean drama, pero sila talaga ang da best para sa akin. Mwahaha.

Anyway, magpopost ako ng pic nila. At eto ang pic nila Jamie and Janine! Weeee.

Kung ayaw niyo sa cast, okay lang. Kunwari na lang ibang tao. Haha.

Changed the cover na din. Mwahaha. Nawindang talaga ako ng bonggang bongga sa napili kong cast.

Ayan, enjoy reading!

----

Jamie's POV

"Class, we're going to have a sports competition to our school's rival when it comes in sports and academics. So anyone who would like to join? Just go to room 340 for the application." sabi nung teacher dito sa klaseng 'to. Nasa III - B kami ngayon, kami ng buong SC. Trip namin eh. Hehe.

Nagbulungan ang mga tao dito sa room, may balak atang sumali yung iba dito. Balita ko, marami daw sporty dito.

Sa school daw namin magaganap, ibig sabihin, free day yun! Haha.

Excited ang lahat, parang silang lahat naman eh may planong sumali.

"Sasali ka Patrick?" tanong ko na lang bigla.

"Yeah, boring kaya kapag di ka sumali. Haha, ikaw?"

"Ah.. kasi may asthma ako.. Di advisable sa akin na sumali sa mga ganyang competition." sabi ko.

"Sayang naman. Kahit chess man lang?"

"Tatry ko. Hehe."

"Yun yun oh. Haha, sabay tayo sa Room 340 mamaya ah?" ngumiti siya. Ngumiti lang din naman ako at nagbell na, recess! Weee.

Janine's POV

May competition daw na magaganap. Kalaban namin yung rival ng school ko. Pssh, madali lang yun. Mukha namang pepechuge yung kabila eh. Haha. Di nila binanggit yung pangalan nung school. Anong school kaya yun? Naiintriga ako!

"Sasali ka best?" tanong ni Rhian.

"Oo naman, ako pa. Haha. Ikaw?"

"Oo, basta volleyball at badminton tayo ah!"

"Owsure. Pero baka magfootball din ako, baka kulangin ng players dun eh."

"Ay kung salihan mo na lang kaya lahat?"

Natawa ako, "Haha, ay teh, baka di na ako magbadminton, sa swimming na lang. Unti lang players natin dun."

"Aww. Basta volleyball ah? Kailangan ka namin dun. Ikaw MVP last year eh! Tsaka, ano ba talaga ang mga sports na sasalihan mo? Ang dami eh!"

"Volleyball, Football and Swimming. Yan lang. AY pati pala CHESS!"

"Wow, LANG yan ha. Ikaw na sporty, girl. Haha."

Tumawa lang ako. Ngayon na pala magreregister! Sa gym pa, ang layo pa naman namin. Nasa canteen kasi kami, at nasa kabilang building pa yung gym. Baka maubusan ng slot! Kailangan naming magmadali!

"Tara na best! Baka maubusan tayo ng slot! Daliii!" sabi ko at hinila ko na siya. Naudlot tuloy yung pagkain niya sa burger. Mwahaha.

Hingal na hingal kami nung nakarating kami sa gym. Ayos, unti pa lang tao. Mas maganda pag maaga ka, mas mauuna kang pipiliin. Haha. Pagpipilian pa kasi nila yang mga nagregister.

Pang-apat ako sa nagregister, panglima si Rhian.

Weee, naeexcite na ako. Next month pa naman yung laban, so may isang buwan pa kaming paghahanda. Haha. Lalampasuhin ko yung kabila. Mehehe.

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon