Chapter 5

469 5 1
                                    

Janine's POV

Pinauwi ako agad ni Jamie, nakakainis naman eh. Nag-eenjoy ako kasama sila Pauline eh, lakas trip kasi ng mga yun. Hahaha.

Nagmadali akong umuwi, baka kasi magalit si Jamie, ibang klase pa naman magalit yun. Parang dragon >_________<

Tumatakbo ako papuntang bahay ng nakita ko si Jamie, kausap niya si Lance?! Sumenyas siya na magtago ako, at sumunod naman ako. Hindi pwedeng malaman nila na magkakambal kami. Baka malaman ni Mama yung mga pinaggagawa namin. Maglelecture nanaman yun at grounded na naman kami for 5 months. Tss.

Pagkatapos ng 10 minuto, nawala na si Lance sa tapat ng bahay namin. Pati yung kotse ni Lance, wala na rin.

Saan naman kaya nagpunta yung dalawang yun? At ano bang meron sa kanilang dalawa? Gah, they are making me insane! Grr.

Tinext ko siya dahil sa sobrang galit ko, "HOY, MAY HINDI KA SINASABI SA AKIN HA."

Nagreply naman siya kaagad, "Uhh.. mamaya na tayo mag-usap, kay?"

Waaaah. Naiinis ako! Di ko alam, siguro dahil parang mas type ni Lance ang kapatid ko? Pero di pwede yun, magkamukha lang naman kami nun eh -_______-

Bakit naman kasi ganyan! Grr. Paikot ikot lang ako sa bahay, nahihilo na nga si Jiro sa akin eh.

"Ate, ano ba naman yan! Kanina ka pa paikot ikot! May hinahanap ka ba? Nakakahilo ka kasi eh!" reklamo ni Jiro.

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon