Chapter 3

487 5 2
                                    

Jamie's POV

Dumaan ang tatlong linggo. Nakikita ko ang effort ni Lance sa pag-aaral. Talagang pinaghuhusayan niya talaga ha? 

Todo aral din naman ako, shempre, malapit na ang first exams week namin. Next week na nga yun eh ^_________^

Nandito ako sa bahay ngayon, nag-aaral for Chemistry.

May kumatok sa pinto ko, "Ate Jam, patulong naman po sa pagrereview. Di ko kasi makuha 'tong Math na 'to eh!" sabi ni Jiro.

"Halika rito, dalhin mo yung book mo." umalis siya at bumalik naman siya na dala yung dalawang libro niya sa Math. Same school lang kami ng kapatid kong 'to. SC din pala siya.. Kaso pang 4th lang. Ewan ko ba, may iba atang pinagkaka-abalahan. 

Alam niyo ba yun? May nililigawan yang kapatid ko. Ang bata bata pa marunong na sa ganun noh? Kay Jan niya siguro 'to natutunan. Hahaha. Alangan naman sa akin, eh wala nga akong nababanggit sa kanila eh.

"Ang hirap naman kasi nito ate eh!" tinapik ko nga sa noo.

"Magseryoso ka kasi! Ganito, dapat magfocus ka lang sa isang bagay, ang pag-aaral. Dapat kasi di ka muna nanligaw sa Princess na yun eh. Pag ikaw talaga natanggal sa SC, susumbong kita kay Mama tungkol dyan sa pangliligaw mo."

"Ate naman eh! Magseseryoso na nga!" ginulo niya yung buhok niya. Ganun siya pag naiinis. Magkasalubong pa din yung kilay niya nung tinuturuan ko siya. Hahaha. Ang cute talaga ng kapatid ko.

After 2 hours, nakuha niya na din yung topic sa Math. "Yan lang pala, ang dali lang."

"Sus, pasalamat ka nandito ako. Hahaha."

"Ngee, hahaha. Sige ate, balik na ako sa kwarto ko. Aral ka na ulit. Mehehe."

Aral.. Aral.. Aral.. Tapos na! Nakapagreview na ako sa lahat ng subjects. Kayang kaya na 'to! Hmm.. Nagutom ako sa pagrereview ha, kakain nga muna. Mehehe.

Nakita ko si Janine sa mini garden namin, nag-eemote. 

"Paano yun best. Ang hirap naman kasi nung exam natin next week eh." narinig ko. Malapit kasi yung dining room namin sa garden. 

Namomroblema siya sa pag-aaral? Hmm. Naghalungkat muna ako ng pagkain sa ref. Yey, may natira pang pansit. Hehehe. 

Pumasok si Janine ng nakasimangot siya, minsan ko lang makitang malungkot si Jan. Lagi kasing hyper at magulo yan pag nandito sa bahay. Nyahahaha.

"May problema ka Jan?" tanong ko habang kumakain.

"Oo eh, pwede mo ba akong tulungan Jam. Ngayon lang ulit natin gagawin 'to. Promise." sabi niya. Parang alam ko na ang mangyayari ah.

"Lagot tayo kay Mama pag nalaman niya!" sabi ko.

"Eh hindi naman natin sasabihin eh, sige na. Please. I need to pass, baka matanggal ang scholarship ko."

Si Janine naman kasi eh. Hay.. "O sige na nga, kelan ba yan ha?"

"Sa Friday next week, wala ka ng exam nun diba?"

"Wala na, okay payag na ako. Wag kang gagawa ng kalokohan sa school ko ah! Act mature and serious at all times. Yun ang ugali ko dun."

Magswiswitch kami ng school ni Janine, ginawa na namin yun nung first year kami. Nung examinations din, nahihirapan kasi siyang mag-aral so ako ang pinagsagot niya sa exam niya.

"Opo, Promise! Mehehe, ikaw naman dun, wag mong tatarayan si Rhian ah! Basta maglikot ka, kasi ganun ako sa school. Mehehe." sabi niya, sobrang laki ng ngiti ng kapatid kong 'to. Wew.

"Waaaah. Salamat talaga Jam! I LOVE YOU SIS!" sabi niya at niyakap niya ako. Hehe. Magkamukhang magkamukha kami nito, kaya walang nakakapansin kapag nagswitch kami. Si Jiro lang ang nakakapansin pala, kasi may nunal ako sa kamay, si Janine, wala. 

---

Exam week na. Grabe magyabang si Lance, nasagutan niya daw lahat. Magkita kita na lang daw kami sa SC. Hahaha, ang yabang talaga ng mokong na yun.

"Nasagutan mo lahat nung sa Geometry?"

"Oo naman. Madali lang pala yun. Tsk." 

"Yabang. Tsk, tsk. Ang hangin naman dito. Wew."

"Haha, ewan ko sayo." sabi niya at pinisil yung cheeks ko, "Aray ha." tumawa lang naman siya. Tss.

Friday na pala bukas. Magkakaswitch na kami ni Janine, kinakabahan ako. Woooh, chill lang Jamie, magtetest ka lang naman diba? What could go wrong?

Janine's POV

Friday na, naeexcite na ako! Ngayon lang ulit kasi pupunta sa school nila Jamie. Namiss ko yung SR ha, hahaha. Ang sarap kasi ng buhay dun. Pwedeng kumain, matulog or kahit anong gusto mong gawin. Mehehe.

"Basta Janine ha, wag kang maglikot please. Haha. Tsaka naaalala mo pa ba names ng mga kaibigan ko? Si Marge, Pauline at Kyla. Okay? Tsaka please, wag kang magpakita ng affection sa mga lalaki dun. Di ako ganun eh. Haha." sabi ni Jamie, ang daming paalala talaga ng kapatid ko. Ayaw niya talagang magkalovelife. Tsk. Haha.

"Okay po! Haha. Good luck sa exam! Wee. Tara, alis na tayo."

"Mga ate, sasabay ako!" sabi ni Jiro at humabol siya. Naglalakad kaming tatlo.

"Teka nga lang... Nagpalit nanaman kayo noh!" sabi ni Jiro at tinignan niya yung kamay namin. May nunal pa kasi si Jamie eeh. 

"Wag mo sasabihin kay Mama please!" sabay kami ni Jamie.

"Tsk, dahil love ko kayo, di ko sasabihin." tumawa kami at hinug ang aming kapatid. 

"Tss. Ang daya naman kasi, sana may kakambal din akong matalino, para siya na lang tagasagot ko sa exam." binatukan ni Jamie si Jiro.

"Joke lang!" sabi naman ni Jiro at nagpeace sign pa. 

Paiba na sana ako ng daan, ng naalala kong sa school ako ni Jamie papasok. Naglast bilin si Jamie about my behavior at nagsmile na lang ako. Wooh, SC here I come! Weee.

Sinalubong agad ako ng mga kaibigan ni Jamie. Sino nga ba sila?

Ah, Pauline, Kyla at Marge. Mehehehe. 

"Ui Jamie! Bakit parang iba ka kumilos ngayon?" sabi nung Pauline. Hala, nahalata agad nila?!

"Paanong nag-iba?" sabi ko.

"Wala lang, hahaha." sabi ni Marge. May biglang umakbay sa akin, paglingon ko. OHMYGULAY.

Siya na ba talaga 'to?! Si.....Lance?

Dito siya sa school ni Jamie lumipat?!

---

Vote, comment, be a fan and like! ^______^

Wushu, nagkaswitch na sila! Weeee. Exciting. Nyahahaha. 

Jodie (dreamcatcher26)

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon