Chapter 11

360 5 0
                                    

Jamie's POV

Ang gagaling nila magswimming. Wow. Buti pa sila marunong, ako hindi. TT______TT

Takot ako sa tubig eh, baka kasi malunod ako. Waah.

Nanonood lang ako dito, nakakahiya nga eh, ako lang nanonood, halos lahat nagpapractice -______-

Ang gaganda pa ng mga katawan nila. Nakaswimwear kasi sila tapos may goggles. Edi sila na hot. -____-

"Jamie, tara, swimming tayo." yaya ni Marge. Free time na nila, walang time limit, freestyle kungbaga.

"Eh ayaw ko, wala akong pamalit." sabi ko, tsaka ayaw ko lang talaga. Hindi nga ako marunong diba?

"Meron akong extra dyan sa bag ko, dali! Palit ka na!" sabi naman ni Kyla. Talagang gusto nila akong paliguin ah -_____-

Kinuha ko na din at nagpalit na ako, grabe, nakakahiya namang lumabas ng nakaganito. Hindi naman kasi ako sanay na ganito ang suot eh!

"Jamie, labas na dyan! Na-flush ka na ba?!" tanong ni Pauline, lakas talaga ng boses nun, nasa cr kasi ako, nagpapalit -_____-

Lumabas na din naman ako, "WOW. HOT MAMA!" sigaw nila. Kainis 'tong mga 'to. Hot mama pa nga -_____-

"Hot mama ka dyan. Tss." sabi ko at lumusong na sa tubig. Hanglameeeeeg.

"Bagay sayo ah." napatingin ako sa nagsalita, si Patrick, kinilig naman ako dun. Haha.

"Ahhh.... salamat." sabi ko at ngumiti.

Buti na lang at mababaw lang ang pool dito, kung hindi, nalunod na ako -______-

May biglang humigit ng paa ko, sino ang lokong gumawa nun? Sino pa, edi si Lance -______-

Tumawa siya, "Hahaha, takot ka noh."

"Tss." yun lang ang sinabi ko tapos ay inirapan ko siya. Loko talaga yung lalaking yun, kala ko kung ano na eh -_____-

-----

Isang oras din kaming nagbabad sa tubig, pagkatapos nun, nagpalit na kami at umuwi na din, pagabi na kasi eh. Pagkauwi ko, naabutan ko si Janine sa may kwarto ko, anong ginagawa niya dun -_____-

"Jan, anong ginagawa mo sa kwarto ko?" tanong ko. Mukhang nagulat siya, "Ah, wala lang, napadaan lang ako. Sige, babye." sabi niya at agad na lumabas.

Imposibleng walang gagawin yun dito, kilala ko na yun, kakambal ko nga eh.

Anyways, nakatulog ako agad, napagod ako sa ginawa namin eh. Isang oras ba namang magbabad sa tubig. Haha.

Janine's POV

Nandito ako sa kwarto ni Jamie, wala lang, mag-iimbestiga lang. Baka kasi nalalamangan na niya ako kay Lance.

"Jan, anong ginagawa mo sa kwarto ko?" tinignan ko kung sino yung nagsalita, patay kang bata ka, andito na pala siya, "Ah, wala lang, napadaan lang ako. Sige, babye." sabi ko at agad na lumabas.

Kinabahan ako dun, bale, sa nakalap kong impormasyon, nasa SC na din daw si Lance, hala, nagsama pa sila. Natatakot ako, kapatid ko kasi kalaban ko sa crush ko eh. >_____<

Anyway, change topic tayo, bukas na ang laban, yung sports competition, naeexcite na ako, magagaling daw ang magiging kalaban namin, well, tignan natin, hindi magpapatalo ang school ko noh. ^_________^

Maaga akong nagising kinabukasan, naka-football uniform na ako, yun kasi ang una kong laban, maaga din akong pumasok dahil magwawarm up pa ako.

Napansin kong maaga din si Jamie, pero mas nauna ako sa kanya. Haha, himala noh? Madalas kasi nauuna yan sa akin. 

"Janineeeeee! Tara sa field! Daming wafu dun!" sabi ni Rhian pagkadating ko. Pumunta nga kami sa field at nagsimula akong magpractice. Mamaya pa kami pupunta sa school na kakalabanin namin. Doon kasi gaganapin yung competition.

"Sa tingin mo best, magaling kaya yung kabilang school?" tanong ni Rhian sa akin.

"Di yun. Andito ako eh." nagtawanan kaming dalawa. Sa kanya lang ako mayabang, best friend ko eh! Haha.

*DINGDONGDING* "Attention students, we will now head to the other school. Please line up according to your section blah blah blah. Good day and Good Luck! Go Tigers!" Tigers kasi kami. Haha. Yun ang school mascot and yeah, di ako masyadong nakinig sa announcement.

Nagpilahan na ang lahat at nagsakayan na sa buses owned by the school. Malayo kaya 'to?

Sandali lang ang naging byahe, "Dito na tayo." sabi nung teacher namin sa bus. Napatingin ako sa labas, teka.... school nila Jamie 'to ah? Eto kalaban namin?

TEKA! BAKA MAHULI KAMI! >_______________<

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon