Chapter 15

334 6 7
                                    

Pasensya sa late update! Madami kasing ginagawa. Mehehe. Ayun, enjoy reading!

Chapter 15, LEGGO!

----

Jamie's POV

"Jam.. gising na." 

"Mamaya na Jan...."

"Ha? Jan?"

Natauhan ako at nagising, si Lance pala yung gumigising sa akin!

"Sinong Jan?"

"Ah, yung aso ko.. katabi ko kasi matulog yun eh. Hehe."

"May aso ka? Diba hinihika ka?"

Patay kang bata ka, bakit ba kasi ayaw makiayon nitong ni Lance, daming tanong eh -____-

"Oo, pero kasi minsan siya yung gumigising sa akin.."

"Ah, gusto ko siyang makita someday. Hehe."

Ang kaso... bawal aso sa amin, dahil nga may hika ako. Bawal ako sa mabalahibong mga hayop. Pssh, gusto ko pa namang magkaroon ng alaga >______<

"Okay lang ba?"

"Ah--ee.. Di kasi siya sanay na may bumibisita sa bahay.."

"Ganun, ayos lang yun. Magkakaintindihan kami nun."

"May lahi kang aso?"

"Tss, baka lahing gwapo."

"Baka lahing mahangin."

"Baka lahing saksakan ng gwapo."

"Lahing mayabang na mahangin kamo."

"Weh, haha. The truth hurts nga talaga. Okay lang yan, matatanggap mo ding gwapo ako."

Binatukan ko nga, ang feeler nitong lalaking 'to! "Tara na nga, pababa na yung iba oh. Sobrang hangin dito, signal # 10 ata."

Tumawa lang siya at bumaba na nga kami ng airplane. 

"HANGANDA!" sabi ni Marge.

"Airport pa lang 'to te. Exaggerated masyado eh. Wahaha, wala pa nga tayo dun sa resort eh!" singit ni Pauline.

"Eto naman, wag epal. Kunwari nga nasa resort na!"

"Eh wala pa nga!"

"Ssh! Paulit ulit!"

"Ingay niyo. Wahaha, dyan na kotse niyo Pauline oh." singit ko.

"Oo nga, tara!"

Kantahan at tawanan ang ginawa nila sa kotse. Malaki naman kasi kaya kasya kaming lahat. Kanya kanyang knock knock. Pakornihan ata kami doon eh. Haha.

"Knock knock!" -Kyla.

"Who's there?"

"Joanna!"

"Joanna who?"

"I Joanna close my eyesss! I Joanna fall asleep! Cause I miss you babe, and I Joanna miss a thing!"

Ako lang ata ang tumawa. Sensya, mababaw kaligayahan ko eh. ^_______^

"Ang corny mo Kyla! Uwi nga! Wahaha, ikaw naman Jamie, kanina pa kami joke ng joke dito. Tawa ka lang ng tawa dyan eh!"

"Okay okay, knock knock."

"Parrot? Kailangan dalawang beses yung words?" sabi ni Pauline.

"Pssh, wag epal, ano na, knock knock nga!"

"Who's there?"

"Bumili ng bagong folding bed."

"Bumili ng bagong folding bed who?"

"Bumili ng bagong folding bed, mad at you, bumili ng bagong folding bed, mad at me! Nooooo~"

"WAHAHAHAHAHA." wagas ang tawa ni Kyla. Hala, scripted much? Tinawanan ang joke ng isa't isa? Wahaha.

"Ang corny ni Jamie! Magsama kayo ni Kyla! Ang babaw ng kaligayahan niyo! WAHAHA." - Pauline.

"Epal mo talaga. Tawa na lang." - Ako.

"Oi oi, may banat ako!!" sabi ni Lance.

"Talaga? Ano?"

"Eto, Jamie, jeep ka ba?"

"Bakit ako pa?" Pagtritripan nanaman ako nito. -_____-

"Eh basta, sagutin mo na lang!"

"Oh, bakit?"

"Kasi... PARA ako sayo."

"YIEEEE!" kantyaw nung mga tao sa kotse. Natatawa ako, "CORNY MO!"

"Kinilig ka naman. Hehehe."

"Kapal lang."

"Ako naman!" singit ni Patrick.

"Oh go, ano, banat ba o joke?"

"Banat din! Leggo, Jamie.. Bastos ka din noh?"

"Ha? Bakit? Ako bastos?"

"Kasi.. di ka man lang nagpapaalam, tuloy-tuloy kang pumasok sa puso ko eh!"

"YIEEEEEE. MAS CHEESY!" with matching tulak at kiliti pa sa akin yan.

Pero infairness, kinikilig ako. Hihihi. Ang landeee! >//////<

"May banat pa ako, dali dali." - Lance.

"Ano?"

"Feeling mo ba may kulang sa buhay mo?"

"Bakit?"

"Kasi... baka AKO yun!"

"WOOOOOH! CORNY NI LANCE! HAHAHA." - sila. 

"Ako naman!" - Patrick. Bakit parang sila lang ang bumabanat? At aba, ginawa akong Neneng Bakit? -_____-

"Pwede mo ba ako samahan?" - Patrick.

"Saan?"

"Samahan... HABANGBUHAY." ngumiti pa, kaya nahawa din ako.

"YIEEEEE. KINILIG SI JAMIE! NAYSWAAAN!" - Pauline.

"Ewan ko sayo. WAHAHAHA."

Nakakaloka talaga sila, "Dito na pala tayo." sabi ni Pauline.

Nasa kabilang kotse yung mga gamit namin, yung mga maids na din daw nila Pauline yung mag-aayos nun. Yeeeea, excited na ako!

------

Daming pick-up line sa chapter na 'to noh?

Pati pala jokes. WAHAHAHA.

Sensya, corny ko noh? X))

Anyway, feedback ha! ^____^

Jodie (dreamcatcher26)

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon