Chapter 12

402 6 2
                                    

Dedicated kay Yssa!

Pa-read daw po ng Story niya, haha. 

Anyways, enjoy reading! Chapter 12, leggo! ^w^

----

Jamie's POV

Naglagay din ako ng shades at sumbrero, baka kasi makilala ako nung mga tao sa kabilang school. 

Andito na kami sa field, normal naman ang kinikilos ni Marge, parang wala siyang nakita. Sana nga talaga, wala.

Nagwawarm up na sila. Ang lalaki ng mga babae sa kabilang school. Woah, mukhang magagaling sila, manalo kaya school ko? Hindi ko tuloy alam kung anong susuportahan ko, kung ang kapatid ko o ang school ko.

"Let's go Tigers! *clap* *clap* *clap* *clap*" sabi nung mga tao sa kabilang side ng bleachers, ang school mascot naman namin ay Lions. O diba, bongga.

"Mighty mighty Lions!" sigaw naman nung side namin. Haha. Kaloka, nagsisigawan kami dito. Grabe, first game pa lang ito, ganito na ang support, paano pa kaya sa ibang sports? Haha.

"Yow." nagulat ako sa katabi ko, si Lance lang pala.

"Ba't andito ka?" tanong ko.

"Support?" matipid niyang sinagot, may dala siyang popcorn, edi shempre, nakikain ako. Haha, inaabutan niya ako eh.

"Jamie." napatingin ako sa kanya, "Say aaaah." sabi niya, "Ayaw ko nga, di ako bata, pssh." sabi ko.

Bigla niyang nilayo yung popcorn, "HOOOY, damot mo ah! Penge ako!" sabi ko habang pilit na inaabot yung pagkain.

"Say aaaah muna." daming alam ng lalaking 'to. Mamaya pagtinginan kami ng tao eh, mapagkamalan pang kami, eww noh!

Ang malisyoso pa naman nga mga tao dito, lahat binibigyan ng malisya -_____-

"Aaah." mabilis kong sinabi, "Oh, akin na." natawa lang siya sa akin pero binigay niya na din naman yung popcorn. Ang tagal naman magsimula ng game, naiinip na ako!

"Ang daming langgam!" narinig ko, napalingon ako sa nagsalita, si Kyla pala, kasama niya si Rick at si Patrick. Wahaha, parehong may Rick. 

Nakiupo na sila, may pagkain ding dala si Patrick. Papatabain ata nila ako dito eh ^3^

Nagsimula na ang game, defense lang ang team namin, wala naman akong maintindihan sa ginagawa nila, sinusundan ko lang ng tingin yung bola. Tapos nakagoal, sumigaw na ang lahat, ako na lang ang hindi nagrereact

"Anyare?!" tanong ko.

"Naka-score team natin!"

"Talaga?! YEAABA! LEGGO MIGHTY LIONS!" sabi ko, ako na lang ang sumisigaw nun, medyo nakakahiya, pero score yun eh. Haha.

Nanahimik na ako at nanood na ulit sa laban, ineexplain ni Lance yung mga nangyayari habang nanonood kami. Medyo naiinitindihan ko naman na ang mga nangyayari, nakakasabay na din ako kapag may nagsisigawan. Hahaha.

-----

"Ang galing niyo kanina Marge! Awesome! Kung wala akong hika, malamang sumama na din ako sa inyo sa paglalaro!" sabi ko.

"Sus, ni hindi mo nga maintindihan yung mga ginagawa nila eh." singit ni Lance, binatukan ko nga. Porket di ko lang alam eh, di naman kasi kami nag P-PE sa SC -______-

"Ano next game?" tanong ko, "Chess. Diba may laban ka?" Ay oo nga pala! Tsk.

"Ay! May laban pa pala ako dun, sige una na ako ha!" sabi ko, "Samahan na kita." aya ni Lance, hinayaan ko na lang siya.

Andito na ako sa venue, hinihintay ko na lang ang kalaban ko, si Lance lang ang taganood namin tsaka yung referee. Haha, referee nga ba tawag dun? -_____-

Pumasok na yung kalaban ko, aba, si Janine?!

Ngumiti siya, "Hi." napangiti din ako, napatingin siya sa kasama ko, jusme, kasama ko pala si Lance. -_____-

Umupo siya sa tapat ko at nakipagkamay, "Ako nga pala si Mae, ikaw si?" galing mag-acting ng kapatid ko oh, kunwari di ako kilala. Hahaha.

Shempre, nakisakay ako, para naman hindi halata diba?

"Ako si Jamie. Good luck sa atin Mae." ngumiti ako at ngumiti siyang muli. Nagsimula na kaming maglaban. Ilang beses ko din siyang nacheckmate. Mula bata pa kami, ako ang laging nanalo sa kanya sa laban ng chess, kaya imposibleng manalo siya sa akin. Haha.

Sa huli, ako nga ang nanalo, muli siyang nakipagkamay, "Nice game, Jamie. Hehe. Ang galing mo! Sige na, una na ako, may laban pa kasi ako, babye Jamie, babye Lance." Oopsies, bakit binanggit niya si Lance? Diba hindi niya nga dapat kilala si Lance?

Napangiti lang naman si Lance, wala siyang nahalata?

-----

AYOWN, NAKAABOT SA UPDATE! HAHAHAHA.

YAN LANG MUNA, AY! THURSDAY PALA BUKAS. GAS. MAY MEETING SA ORG.

Babawi sa susunod na chappies, pramis! ^_____^

Ayun lang, love lots, mwah! :*

Jodie (dreamcatcher26)

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon