Chapter 30

237 3 0
                                    

Si Janine yun ------>

ANG KYOT >3<

***

Janine's POV

Aish, kaasar na araw 'to. Dahil 'to kay Joshua eh! Dapat kasi di niya na ako sinama dun kung sisigawan niya lang din ako. Tss. 

"Hmm... saan mo gustong pumunta?"

Bakit kasi iniisip ko pa yung mokong na yun? Tss.

"Ehem.. Janine?" napalingon ako sa katabi ko, may kasama pa pala ako. Aish, epal talaga yang Joshua na yan, ume-epal sa isip ko! Tss.

"Ay, sorry Lance.. ano ulit yung sinasabi mo?" tanong ko.

"Tinatanong kita kung saan mo gustong pumunta..."

"Ah. Ikaw bahala.. okay lang kahit saan." sabi ko at ngumiti.

"Ganun, sige, tara."

***

"EK? Wow." sabi ko. Dinala ako ni Lance dito sa EK. May binigay daw na libreng tickets yung Mama niya.

"Erm, no offense pero.. first time mo ba dito?" tanong niya.

"Hindi naman.. Second time actually.. yung last nung... bago mamatay si Papa.." sabi ko.

"Ganun... sorry.."

Napatingin ako sa kanya, "Eh? Bakit ka naman nagsosorry?"

"Eh kasi, naalala mo nanaman yung Papa mo dahil dinala kita dito..." sabi niya at yumuko. 

"Haha, ayos lang. Mas malungkot ka pa ata kesa sa akin ha. Past is past. Naka-move on naman na ako eh." sabi ko at ngumiti.

"Kahit na--"

"Haha, wag ka na nga magdrama, tara na. Sayang oras natin eh! Hehe." sabi ko at hinila ko siya.

Marami kaming nasakyan na rides, pero ang pinaka na-enjoy ko eh yung flying fiesta. Para kasing nalipad talaga ako. Haha.

"Lance, lance, tignan mo, may photo booth! Tara!" hinila ko siya papunta dun. 

Kanya-kanya kami ng pose na ginawa. Pagkatapos magpapicture, kinuha namin yung prints at hinatid niya na ako pauwi. Nag-enjoy talaga ako ng bongga ngayon, nawala yung bad mood ko kanina.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Mama na nakaabang sa sala. Patay, hindi pala ako nakapagpaalam =_____=

"Saan ka galing, ha? Hindi mo ba alam kung anong oras na?! Diba grounded ka!" sabi ni Mama.

"Err. Ano kasi Mama, may project making kami." sabi ko at ngumiti.

"Bakit hindi ka nagpaalam?"

"Diba po kinuha niyo yung cellphone ko?"

"Kahit na! BLAHBLAHBLAHBLAHBLAHBLAHBLAH" sermon ni Mama =______=

Humikab ako kunwari at kinusot yung mata ko, "Antok na ako Mama. Baka malate pa ako bukas, tulog na po ako, good night." sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.

"TEKA LANG, HINDI PA AKO TAPOS. BLAHBLAH"

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at sinarado yung pinto. Aish, ibang klase talaga manermon si Mama, walang patawad =______=

***

Kinabukasan, maaga akong nagising, sabay sabay na kasi kaming tatlo sa pagpasok ngayon.

"Jamie anak, kelan exam week niyo?" tanong ni Mama.

"Next next week na po Ma."

"Ganun, o, Janine, may dalawang linggo ka pa para makapag-aral. Ayus-ayusin mo ha, kundi hindi na kita papag-aralin." napanganga ako sa sinabi ni Mama. Weh? Hindi na agad pag-aaralin?! =_____=

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon