Chapter 26

261 3 7
                                    

Janine's POV

"Ano nga kasing meron? Kahit pati si Tracy sinendan mo kaya ng ganung text!" kanina pa ako kinukulit ni Rhian. Hindi naman ako umiimik, haist, kailangan makaisip ako ng paraan para di sila pumunta sa bahay.

"Hoy ano ba Janine Chua!"

"What?! Kanina ka pa daldal ng daldal dyan, I said na wala yun. Why don't you understand?!" napasigaw ako ng di oras. Natahimik si Rhian sa sinabi ko.

"Woah... Can you hear yourself? Tinatanong lang naman kita ha? What is your problem?"

"Wala... Leave me alone."

"Iiwan talaga kita, hindi ikaw ang Janine na nakilala ko. You've changed."

At umalis na siya, I actually felt a little bad. Hindi ko naman sinasadya na sigawan siya ee. Ang kulit kulit niya kasi! Di pa siya nasanay na mainitin talaga ang ulo ko sa mga paulit-ulit. Tsk.

Sinipa ko yung bato na nasa harapan ko, "ARAY!"

Napatalikod ako dun, may natamaan ako, "HOY IKAW."

Patay kang bata ka, bakit naman kasi may tao pa dun, ang tanga niya naman para puwesto dun =_____=

Lumingon ako at itinuro ang sarili ko, "A-Ako?"

Lumapit siya sa akin, lalaki pala yung natamaan ko, pagkaminamalas-malas ka nga naman oh! Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa buong lugar, taas noo akong tumingin sa kanya, "Baket?"

"Bulag ka ba? Kitang may tao tapos bigla ka na lang magpapatalsik ng bato?"

"Sorry, tatanga tanga ka kasi eh!"

"Ano?!"

"Wala! Makaalis na nga!" at kumaripas ako ng takbo, "HEY! MAY ATRASO KA PA SA AKIN!"

Hindi na ako lumingon at tumakbo na palabas ng school, baka makita ko siya ulit, mahirap na.

Kinuha ko ang cellphone ko, idadial ko sana ang number ni Rhian pero.... nakalimutan ko, magkagalit na pala kami...

So I dialed another person's number...

As far as I'm concern, siya na lang ang makakapitan ko sa ganitong times...

("Hello?")

"Hello, pwede ka ba ngayon?"

Marge's POV

"Hello?" biglang tumawag sa akin si Janine, ano kayang nangyari? Tumatawag lang kasi siya kapag may kailangan, tsk tsk.

("Hello, pwede ka ba ngayon?")

"Hmm, baket?"

("I need a friend, tsaka may sasabihin ako sayo eh.")

"Okay, *** Mall, I'll be there in 5 minutes, okay?" binabaan ko na siya ng call. Nagpaalam na muna ako sa mga kaibigan ko at dumerecho na sa mall. Nakita ko agad si Janine, may pa-shades shades pa 'tong babaeng 'to. Haha.

Nakita niya ako at kinagulat ko ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Ui, Janine, ayos ka lang?" naramdaman ko ang pag-iling niya. Sunod naman ay narinig ko siyang umiyak. Bakit bigla namang umiiyak 'to? Hinila ko siya papunta sa parking lot, sa bahay ko na lang muna siya dadalhin.

Nakayakap pa din siya habang umiiyak sa akin, kapag tinatanong ko naman siya, panay lang ang iling niya. E paano ko siya matutulungan nito?!

Nakarating agad kami sa bahay, wala si Kuya sa bahay, nasa school kasi siya eh.

Tinanong ko na si Janine, sinasagot niya naman yung mga tanong ko. Kaso, puro hikbi ang kadalasan kong naiintindihan. Nagkagalit pala sila ni Rhian kaya siya umiiyak, at tsaka, nalaman na nung nanay nila na nagpalit sila ni Jamie.

Mukhang mapapaaga ang celebration ko ha? Haha.

Napatingin siya sa mga picture frames sa desk sa kwarto ko, nakita kong nanlaki ang mata niya, "T-teka, diba si Lance 'to?!"

"Ah, oo, bakit?"

"Ka-ano ano mo siya?"

"Half-brother." napangiti ako, siya naman, nanlaki ang mata at napatakip pa sa bibig.

Yes, si Kuya Lance ang half brother ko, and, kaya ako galit kay Jamie, dahil kay Kuya. Inaagaw niya yung atensyon na dapat sa akin.

***

Jodie's Note:

Oh, ayan na ang rason ni Marge. What can you say? Hmm? Haha.

My Twin is my Rival (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon