(JANE'S POV)
May narinig akong katok mula sa opisina ko. Iniluwa ng pintuan si Andrea.
"Ma'am Jane, magsisimula na po ang monthly assessment." saad niya sakin.
"Sige Dei, susunod lang ako. Aayusin ko lang ang gamit ko. Salamat."
Lumabas na siya at nagsimula na akong ligpitin ang mga papeles na nakapatong sa lamesa ko. Pagkatapos kasi nito, uuwi na ako dahil malapit naring gumabi.
"Kringg!! Kringg!!"
Unknown number ang lumabas sa phone ko nung tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Kinuha ko muna ang bag bago ito sagutin para makaalis na.
"Hello?"
"Good afternoon Ma'am. Is this Ms. Janalyne Dela Cruz?" sabi ng kabilang linya.
"Yes? Who's this?"
"This is from St. Luke's Hospital Ma'am and we identified you as the relative of Ms. Jasper Dela Cruz. Am I right Ma'am?"
Si Jasper? Anong kailangan niya sa kapatid ko? Bakit St. Luke ang tumatawag?
Di ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Si Jasper? Anong nangyari sa kapatid ko? Anong nangyari sa kanya?!" sigaw ko.
Lumingon ang ibang mga empleyado sa hallway na dinadaanan ko, pati narin ata ang nasa front desk at ang security guard. Pero parang hindi na mahalaga sa akin ang iisipin ng iba dahil ang nasa utak ko lang ngayon ay ang itsura ni Jaz.
No. Hindi pwede.
"Mas mabuti po Ma'am kung pumunta nalang po kayo dito para malaman ang dapat niyo pong malaman." sabi niya sa mahinahong tono.
"Sige. Hintayin niyo ko, papunta na."
Dali-dali kong binaba ang tawag at handa nang umalis papuntang sakayan ng taxi. Nakita ko si Andrea na hinahabol ako palabas. Naku naman.
"Ms. Jane! Sa po kayo pupunta? Magsisimula na po ang monthly assessment ng mga empleyado!"
Ito na yung pagkakataon kong ma-promote sa posisyon, sasayangin ko pa ba?
Napahinto ako sa paglalakad at napabaling sa kanya.
"Andrea sorry talaga. May emergency eh. Pakisabi nalang kay Mr. Leeds na hindi ako makaka-attend this month. Baka next time nalang ako, sorry talaga." sabi ko sa kanya.
"Pero Ma'am, ito na po yung pinakahihintay niyong promotion. Sayang naman po kung ipagpapaliban next month."
Oo nga naman, sayang. Pero anong magagawa ko? Mas iisipin ko pa ba ang trabaho kaysa sa kapatid ko na nasa ospital ngayon? Mas kailangan niya ako.
"Buo na desisyon ko Dea. Ok lang, may next month pa naman." Kumaway ako sa kanya at lumabas na ng building. Pumara ako ng taxi at sinabi ang destinasyon ko. Pagdating sa ospital...
"Asan ang kapatid ko? Saan na si Jasper?" bungad ko sa mga nurses sa front desk.
"Ano po ang name ng kapatid niyo Ma'am?" tanong niya habang kumakalikot sa computer.
"Jasper. Jasper Dela Cruz. Saan na siya?"
"Nasa ICU po siya ngayon. Diretso lang po kayo sa hallway, tapos kakaliwa po. Andun po ang ICU."
Hindi na ako nakapag-pasalamat at umalis na kaagad para pumunta sa ICU. Pagdating ko, lumabas ang isang doctor sa pintuan. Tumitingin ito sa mga papeles na sa tingin ko ay mga records niya.
"Doc? Kamusta na po si Jasper?"
Nagulat siya sakin pero agad din naman napalitan ang kanyang mukha ng ibang emosyon.
"Ms. Janalyne, nabiktima po ang kapatid niyo ng hit and run. Hindi ko alam ang buong detalye ng aksidente pero hindi po maganda ang kalagayan niya ngayon."
Natulala ako sa mga sinabi ng doctor. Lumingon ako sa bintana ng ICU at nakita doon ang kapatid ko na madaming hose at tubo ang nakakonekta sa kanya, at ang makapal na bandana sa ulo.
"Nabagok po ang ulo ng pasyente sa lupa at kailangan po natin itong operahan. Hindi rin po maganda ang kalagayan nila dahil nga sa sugat at bali na natamo sa aksidente. Hinihintay nalang po namin ang consent niyo bilang kapatid niya."
"Operasyon? Hindi ba delikado yan?" tanong ko.
"Hindi po tayo makakasigurado kung magiging ok ito, delikado talaga siya actually. Pero ito lang po ang paraan para patigilin ang pamamaga ng parte ng ulo ng pasyente. As of the baby, delikado rin para sa kanya ito, kaya let's just hope na magiging successful po ito." Ngumiti ng malungkot ang doctor sa akin at iniwan ako.
Pumasok ako sa loob ng ICU kung nasaan si Jasper. Tinitigan ko siya habang nakaupo sa silya at napahawak sa kamay niya.
"Jaz, ano ba yan. Binigyan mo nanaman ako ng sakit ng ulo." Natatawa ko itong sinabi sa kanya.
"Pero bakit ganun, bakit palagi nalang ikaw? Hindi ba pwedeng ilipat nalang sakin yung sakit?" hindi na napigilan ng luha ko na tumulo.
"Jaz naman eh. Huwag ganito. Hindi ko kaya ng wala ka."
Isang taon lang ang agwat naming ng kapatid ko. 17 years old ako nang namatay sa aksidente si mama at papa kaya nagsumikap ako para makatapos sa pag-aaral.
Magka-iba kami ng nature ni Jaz. Responsible ako, care-free siya. Studious ako, natural intelligent naman siya. Proud sakin si mama pero naiingit ako kay Jaz. Hindi niya kailangan mag-aral para makakuha ng mataas na grado, ako oo.
Pero hindi niya binigyan pansin ang pag-aaral tulad ng pagsisikap ko. Gusto niyang maranasan ang i-enjoy ang mga bagay sa paligid niya dahil adventurous siya.
Buntis si Jaz. Hindi ko nakita sa personal ang lalake pero minsan kinukwento sakin ni Jaz ang tungkol sa kanilang dalawa. Go lang ako ng go, pero siguro yun ang naging pagkakamali ko. Pinayagan ko siya sa kahit na anong bagay ng hindi iniisip ang maaaring mangyari sa kanya sa simpleng pagpayag ko.
BINABASA MO ANG
Sikreto Ng Katotohanan
Random"May mga bagay na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo parin maiiwasan na masaktan." ~c~