(JANE'S POV)
Sunod-sunod ang na ang pagtulo ng luha sa mata ko.
Siya? Siya pala ang lalakeng minahal ni Jasper? Ang lalakeng sumira sa buhay niya at ang dahilan kung bakit kaming dalawa nalang ni Sean ang magkasama?
All this time, ang taong pinaka-ayaw kong makita ay ang taong mahal ko, ang taong mamahalin ko.
Ang sakit. Sobra.
Parang dinudurog ako kahit wala nang maidudurog pa. Imbes magalit, nasasaktan ako sa katotohanan.
Jasper, bakit ngayon pa? Mahal ko na siya eh.
Umiyak lang ako ng umiyak doon hanggang sa narinig ko ang boses ni Kiel na paakyat.
"Jane? Ang tagal mo naman dyan. Madami ba masyado?" tanong niya sa labas ng pintuan.
Inayos ko ang sarili ko at tinago ang notebook sa drawer bago lumabas.
"Oh? Anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?" tanong niya.
"Hindi, baliw. May alikabok lang na pumasok sa mata ko kaya napuwing ako. Tara, baba na tayo." Iniwasan ko ang tingin niya dahil pakiramdam ko malalaman niyang hindi yung totoo. 6 years ba naman.
Hindi na siya nagsalita pa kaya kinuha nalang namin ang designs bago bumaba.
Pagdating ko dun, nagkasalubong ang tingin namin ni Ron. Ngumiti siya sakin pero di ko magawang ibalik ito.
Lumapit kami para magsimula nang mag-design.
"Baby, are you okay? You look pale." Nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Ok lang ako." Pinilit kong ngumiti sa kanya para hindi na siya magtanong pa sa akin.
Nag-ayos na kami dun at sinusubukan kong okupahin ang sarili ko tungkol sa event bukas pero lagi lang itong bumabalik kay Ron.
Nagawa niyang lokohin ang kapatid ko, posibleng gagawin niya lang rin sakin yun. Lahat ng ipinakita niya sa akin kasinungalingaan lang. Dapat nga talaga naniwala ako sa first impression ko sa kanya, manloloko.
Tiningnan ko si Ron sa malayo. Busy siyang maglagay ng tarpaulin ni Sean sa may harapan at ang gwapo niya sa ganyang state.
Kahit sino namang aakitin niyan, maaakit eh. Kahit anong isip ko ng masasama tungkol sa kanya, nangingibabaw parin ang sakit na idinulot niya sa amin, sa akin.
Mahal ko talaga siya.
Pagkatapos namin mag-ayos, nagyaya siyang kumain kaming tatlo sa labas.
"Pass na muna ako. May puntahan pa kasi ako tungkol sa investment ni Mr. Ocampo. See you." Ngumiti sa akin si Kiel at nagbro-fist naman kay Ron.
"Tara? Date tayo." Sabi niya sa akin.
Pumayag ako dahil marahil ay na huli na ito. Hindi ko kayang mahalin ang taong sumira sa amin.
Pumunta kami sa isang restaurant sa Makati na ngayon ko lang napasukan. Mukha kasing mamahalin ang mga pagkain dito, buti nalang medyo matino ang suot namin ni Ron.
"Ano gusto mong kainin?"
"Kahit ano lang." sabi ko sa kanya. Naka-titig ang waitress kay Ron na para bang ngayon lang nakakita ng gwapo.
"Kayo po Sir?" malanding pagkakasabi nito.
"House Smoked Wild Chilean Sea Bass sa kanya, kahit ano lang sa akin. Ok na ba yan?" Nagulat sila sa sinabi ko bago napalitan ng nakaka-lokong ngiti ang labi ni Ron.
BINABASA MO ANG
Sikreto Ng Katotohanan
Random"May mga bagay na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo parin maiiwasan na masaktan." ~c~