Kabanata 13

3 0 0
                                    

(KIEL'S POV)

*tugsh.

Nabangga ako ng isang tumatakbong babae. Pag-angat niya ng ulo, laking gulat ko na si Jane pala yun.

Umiiyak siya at nasasaktan akong makita yun.

"Kiel." Niyakap niya ako at umiyak sa balikat ko.

Sa malayo, tanaw ko si Ron na nagmamadaling lumapit sa amin. Napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang iyak ni Jane.

"Mahal ko siya Kiel, pero bakit ganun? Bakit ang daming hadlang?" tinatahan ko siya at hinayaang sabihin ang kanyang mga hinanakit.

"Yun na yun eh. Handa na akong isugal ang lahat. Handa na akong ipaglaban ang kung anong meron kami pero yun pala.. yun pala ako lang ang kumakapit." Nakikita kong nasasaktan din si Ron sa mga naririnig niya.

Ini-angat ni Jane ang ulo niya para tingnan ako.

"Mahirap ba akong mahalin Kiel?" No.

"Anong kulang sakin at hindi nila ako magawang pahalagahan?"Tahimik lang ako at mas lalo niya itong ikina-iyak.

Kung alam mo lang Jane, andito lang naman ako sa tabi mo nung simula pa.Hindi mo na kasi kailangang maghanap sa malayo kasi andito naman ako.

Pero tama nga yung sinabi ni Ron sakin, ang pagtingin mo sakin ay matalik na kaibigan lang. Hindi mo ako magawang tingnan bilang isang lalakeng pwede mong pahalagahan at mahalin.

Sinabi ko na sa sarili ko na dapat na akong dumistansiya dahil masakit na makita kang nag-aalala sa nararamdaman mo sa isang tao. Pano naman ang nararamdaman ko Jane?

At dun ko napag-tanto na sa pag-ibig, kahit ilang beses pang sabihin ng utak mo na "TAMA NA" pilit paring sinasabi ng puso mong konting tiis pa.

Konting tiis pa Kiel, kailangan ka niya.

(JANE'S POV)

Hinaplos ni Kiel ang ulo ko kaya napa-angat ako para tingnan siya. Nginitian niya ako at tumingin sa malayo.

Sinundan ko ang direksyon ng mata niya at nakitang andun pala si Ron. Narinig niya kaya yun?

"Let him explain." Ngiti ni Kiel sa akin. Unti-unti niya akong binitawan at ibinigay ang kamay kay Ron.

Nagsi-alisan ang mga tao sa paligid dahil narin s autos ni Kiel na bigyan kami ng oras.

"J-jane, I'm sorry." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"I didn't expect her to come. She was just my alternative when I'm bored. Pero dati yun, andito kana. I'm so sorry, please? Patawarin mo ako." Tumulo luha ko sa pag-iisip na mayroon na siya bago ako.

"I love you Jane and I can't lose you. You love me, right?" Nagulat ako sa narinig ko.

"Wag mo akong lokohin Ron." Paalis na sana ako ng hinahil niya ulit ako para yakapin.

"Mahal kita. You're special to me since day one. Patawarin mo na ako, please?" paiyak niyang sabi sa akin.

Kumalas ako ng yakap niya at kinuha ang panyo ko sa bulsa. Ipinahid ko ito sa labi niya hinalikan ng babaeng yun. "Wag mo akong sasaktan ulit ha? Kung may babae ka man, magpa-alam ka sakin para naman makapaghanda ako."

"Thank you Jane! You're the only one, hindi na mauulit ang nangyari kanina, I promise." Sabi niya sakin

"I love you Ron Axel"

"I love you too Janalyne."

Sabi niya bago ako hinalikan sa labi.

Naghahanda kami ngayon para sa 6th birthday ni Sean. Actually, ayaw ko talaga ng party pero si Kiel at Ron ang nag-insist na paghandaan ito.

Mga kaklase niya lang naman ang inimbita namin at ilang katrabaho namin ni Ron.

"Dali na kasi, may surprise ako sayo." Hinihila ko si Kiel papuntang garden namin sa likod.

"Ano ba kasi yang surprise na yan? Babae ba ako para ipa-blind fold pa?" kunwaring pikon niyan sabi.

"Babae lang ba ang pwedeng magblind-fold? Ang dami ng satsat, dali na sabi." Sampung minuto na kami ditong nag-aaway dahil lang sa blind-fold. Hindi ko rin naman masuot sa kanya kasi ang tangkad-tangkad eh.

"Aissh, makikita ko rin naman sana yun." yumuko siya ng kaunti sa harapan ko para malagay ko ng maayos sa kanya.

Inalalayan ko na siya papuntang garden na hinanda namin ni Ron.

Pinuno namin ito ng design ng eroplano. Maganda siya tingnan dahil mukha talaga naging motif namin ang planes rather than colors. Mula sa mga puno, bulaklak at design sa cake.

"Ano to?" nagtataka niyang tanong.

"Happy 6th year Anniversary bestfriend!" niyakap ko siya at nagtatalon-talon.

Andito ang ilan sa mga kaibigan namin ni Kiel sa acting industry tulad ni Mr. Leeds at kung sino-sino pa.

Naisipan ko itong gawin since si Kiel na ang umaktong gabay ko nung hindi ko alam kung saan magsisimula.

Naging magka-ibigan kami sa ospital the day before pinanganak si Sean. Lagi niya akong binibisita since sa kabilang kwarto rin kasi naka-confine ang mama niya.

Ngayong andito na si Ron, nagpapasalamat ako na hindi niya ako iniwan throughout the 6 rough years of my life.

"Wow naman. May ganito bang event? Hahaha" tumawa siya at ni-welcome ang mga guest namin.

Isa-isa silang nagbigay ng message sa friendship naming dalawa, kasama na dun si Ron.

"Mic test, mic test. Good evening everyone." Tumawa kaming lahat sa sobrang pormal niyang magsalita.

"I uhm, I just wanted to thank Kiel for being there when she needs someone. 6 years is not a joke. Thanks man" nagtanguan sila,

"Minsan ko naring naisip dati na hindin-hindi ko mapapantayan ang relasyon na meron kayong dalawa. Sorry sa mga harsh words ko, I should have known better." Ngumiti siya kay Kiel at sa akin.

"Cheers for the 6th years friendship!" sigaw ni Kiel sa lahat.

Nang matapos ang party, nag-aya na silang umuwi. Nagpasalamat kami sa lahat ng pumunta at naki-celebrate kasama namin.

Nang umalis na lahat, kaming tatlo nalang ang natitira.

"Kiel!!!" dumantay ako sa likod niya at nagpa-ikot ikot kami. Tawa kami ng tawa habgn si Ron ay naka-ngiti lang.

"Hoy lalake. Salamat sa pagka-kaibigan ha? Di ko na alam anong nangyari sakin kung wala ka." Pinalo ko siya para hindi naman masyadong maging emosiyonal ang pagkakasabi.

"Oo ba. Andito lang ako kung may kailangan ka man." Bumalik na kami sa loob at naghiwa-hiwalay na dahil may kanya-kanyang gawain para sa birthday ni Sean.

Pumunta ako sa kwarto ko, si Sean at Ron sa labas para sa physical design.

Kumuha ako ng ilang designs sa gamit ni Jasper. Artist kasi siya kaya alam kong willing itong ipagamit sa anak niya ang ilan sa mga decorations na meron siya.

Nakatambak lang to dito dahil wala naman talaga sa budget ko ang magpa-party. First time to.

Binuksan ko ang kahon at naghanap ng magagandang designs. Malaki ang box at medyo maalikabok na rin kaya nilabas ko nalang ang lahat ng lahat nito at papalitang ng bagong box.

Pagkatanggal ko ng gamit, may natirang isang notebook na medyo luma na. uso pa to noon pero jeje na kung meron ka nito ngayon.

Sa cover ng notebook, nakasulat ang salitang "ME". Paniguragong kay Jasper to.

Umupo ako sa sahig para tingnan ang nilalaman ng notebook. In-open ko ang first page at ikinwento niya ang pagkaka-kilala nila ng lalake sa Kish City Bar. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng diary hanggang sa may nahulog na litrato mula dito.

Gulat na gulat ako ng makita kung sino ang nasa litratong iyon. Nanginginig ko itong pinulot at nakitang ang mukha ng kapatid ko kasama at lalakeng pinakamamahal ko.

Ron.


Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon