Kabanata 15

5 0 0
                                    

(RON'S POV)

Nasa sulok lang kaming dalawa ni Jane habang naglalaro ang mga bata kasama si Ron at ang clown. Maingay sa labas dahil party ito ng mga bata. Walang nagsasalita sa amin at wala pa kaming naging matinong usapan simula kahapon.

"I didn't know." Sabi ko.

"Ang alin?" malamig niyang sabi.

"That she's your sister. I've been looking for her eversince." Tiningnan ko siya sa mata pero diretso lang itong nakatingin kay Sean na naglalaro.

"Did you know that you're his father?" tanong nito.

"Yeah. There's a possibility." Sabi ko.

Napasinghap siya sa sagot ko. Oh God, I'm causing her pain. I can't ease her sufferings.

Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. Nanatili kaming tahimik sa mga oras na yun.

"Let's stop this Ron." She said out of nowhere.

"Please, no. We can work this out." sabi ko sa kanya.

"Tell me. How? Magkakasakitan lang tayong dalawa. Did you know that I loathe his father for killing my sister? It's his fault. I hate him for not taking the responsibility. 6 years! The anger is here for 6 f*cking years Ron. Tapos sasabihin mong magaganwan pa ng paraan?" umiiyak niyang sabi sa akin.

"I-I'm sorry." Napayuko ako at napaluha sa paghihirap na dinanas niya ng dahil sa akin.

"Anong pwede kong gawin para mapatawad ako Jane?" I'm such a useless jerk asking for forgiveness of a sin that is unforgivable.

"It's too late. We're leaving." Pinunasan niya ang luha niyang tuloy-tuloy sa pag-agos.

" W-wait, what?" mali lang siguro ang narinig ko.

"Don't worry. you can still visit Sean, you're the father afterall. Ililipat ko siya sa States dahil mas mapagtutuunan ko ng pansin angpagbabantay sa kanya. We'll be back but I don't know when." Sabi niya sakin.

"What about us?" tanong ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba.

Tumingin siya sa akin at binitawan ang salitang napakasakit pakinggan.

"There won't be 'us' anymore Ron. We won't be able to stand next to each other laughing if we both know that we're bringing pain with each other. Kaibigan pwede ko pang ibigay, pero hindi pagmamahal. Pakiusap, tanggapin mo naman ang desisyon ko." Sabi niya at umalis para pumasok sa loob.

Nandito ako ngayon sa bahay na pinagawa ko at nanonood ng movie. Ngayon ang alis nila Jane at mas pinili kong huwag nalang sumama sa paghatid sa kanila.

Nabigla ang lahat sa biglaang panginginbang-bansa nila, kahit si Kiel. Walang nagkwento sa aming dalawa kung ano ang dahilan ng paghihiwalay namin.

Hindi na ako pumapasok sa opisina ng isang lingo. Wala rin namang patutunguhan ang pagpasok ko, kaya wag nalang.

May mga bagay na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo parin maiiwasan na masaktan. Masasaktan at masasaktan tayo sa katotohanan na dala ng dahilan kung bakit hindi kayo pwede.

One minute, she's mine. Then another one pass, she's gone.

"Kung mahal mo, habulin mo. Ipaglaban mo. Huwag mong hintaying may magtulak sa kanya pabalik sayo. Hilain mo. Hangga't kaya mo, huwag kang bibitaw."

Narinig kong sabi ng bida sa pelingkula. Sometimes, letting is better than holding on. I let her go .

Binuksan ko ang box na binigay niya sa akin. Ala-ala ito ni Jasper. Kung gusto ko daw tingnan, sakin nalang. Kung hindi naman, itapon ko nalang daw.

Inisa-isa ko ang mga gamit na iyon hanggang sa isang notebook nalang ang natira. May nakasulat na "ME" sa cover nito.

Diary ito ni Jasper na minsan niya nang pinakita sa akin. Pero kahit ganun, ni minsan ay hindi ko nagawang basahin ang nasa loob nito.

Pag kami ang magka-sama, lagi siyang nagsusulat sa notebook kaya ito pamilyar sa akin.

Binuksan ko siya at nagsimulang magbasa ng diary ng babaeng minsan ko na ring minahal. Nakita ko rin ang picture ko na naka-ipit sa may bandang gitna ng kwaderno.

Ito yung litrato naming dalawa nung nasa bar pa siya nagpa-part time. Sabi niya sakin, may rason daw kung bakit gusto niya magtrabaho dun pero di niya naman sinasabi.

Nang patuloy ko itong binabasa, may mga pangyayari na hindi ko maalala kung nangyari ba. Actually, marami sila. Pero minsan niya na rin akong binanggit dito bilang isa sa mga taong pinapahalagahan niya. Kasama rin doon si Jane.

March 1, 2022

Dear me,

Lumabas kaming dalawa dahil sabi niya may surpresa daw siya para sakin. Tuwing pumupunta kasi siya sa bar, lagi siyang may problema tungkol sa tatay at kapatid niya kaya kinukwentuhan ko siya tungkol sa kapatid ko. Sabi pa niya, kung pupwede nga lang daw ipapakilala niya ako sa kambal niya. Excited na akong makita ang kapatid niya. Magkamukha kaya sila?

Wala akong maalala na nagkwento ako tungkol sa tatay ko at sa kakambal ko. Lasing ba ako dito?

March 5, 2021

Dear me,

Na-meet ko ang kakambal niya pero magka-iba sila ng ugali. Walang pakealam sa buhay yung isa. Sabi niya pa sa akin, marami daw siyang gusting sabihin sa kambal niya pero galit daw ito sa kanya. Anong mali ng pagiging mabait na tao?

Hindi ko gusto ang mga nababasa ko. May nabubuong plot sa isip ko pero ayokong umasa at masaktan lang.

March 14, 2021

Dear me,

Humingi siya ng pabor sa akin kaya pumayag ako agad-agad. Hiniling niyang baguhin ko ang kapatid niya dahil ayaw niya raw itong mapariwara sa buhay. Nakakatuwa ang pagmamahal na meron siya sa kapatid niya. Kakayanin ko kaya ang hiling niya? Sana.

Tumulo ang luha ko ng nabasa ko ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa nalalaman ko tungkol sa takbo ng isip ng taong yun o dahil sa ginawa lang ito ni Jasper dahil sa hiniling ito ng taong yun?

April 1, 2021

Dear me,

Hindi ko siya nakitang pumunta sa Bar ngayon. Ok lang kaya siya? Ktabi ko ngayon ang kapatid niya. Gusto ko sanang magtanong kaso wag nalang.

Ako lang pala ang nag-iisip na ganun din ang nararamdaman niya sakin. Pero, may part sakin na masaya dahil may nagmahal ng tunay sa kuya ko.

May 1, 2021

Dear me,

San kana? Isang buwan na kitang hindi nakikita. Ok ka lang kaya? Bumalik kana please.

August 30, 2021

Dear me,

Asan kana? Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagpapabo ng kakambal mo. Nami-miss na kita

December 31, 2021

Dear me,

Advance Happy New Year sayo. Sana makita na kita. Kahit isang beses lang, please. I love you

January 3, 2022

Dear me,

Thank you sa pagbabalik. Sana pala sinabi mo na pinadala ka sa ibang bansa para naman hindi ako mag-alala sayo. Salamat din pala sa pasalubong.

February 14, 2022

Dear me,

Ngayong araw na ito, binigay ko ang lahat ng akin sa kanya at hindi ko pinagsisihan yun. I love you Ran Atlas, forever.

Wala nang natitirang pahina sa notebook at dun ko napagtantong hindi pala talaga ako ang mahal niya. Nagsimula lang iyong nung nawala na ang kuya ko. Cancer.

When we found out about it, hindi tanggap ng tatay ko dahil wala na daw magma-manage ng business namin. Nawalan na kasi ako ng pag-asa nung panahon na yun.puro nalang si kuya, kuya, kuya.

But now I realized na ginawa niya yun para mapag-handaan ko ang pagkawala niya. Na hindi na ako makikita ng parents bilang isang patapon. He's the best brother afterall.

Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon